SP Part 24: White Beki

3.1K 166 12
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 27, 2018

Part 24: White Beki

Reporter: Samantala, isa nanamang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang lutang sa ilog ng Balrik. Ito na ang ika anim na katawang namamatay ngayong taon. Ayon sa paniniwala ng mga taong naninirahan sa naturang lugar ay protektado raw ng isang magandang engkanto ang ilog at ito ay nang aakit ng mga kalalakihan. Para sa iba pang kaganapan, ifollow nyo lamang ako sa twitter at chat chat tayo! Ito po si Liza Mae Lawit at ito ang chaka minute!

End of report

"Wow si Liza Mae! Live na live ang news flash niya!" ang wika ko noong makita ang reporter na nakikisiksik sa mga tao para kuhanan ng video footage ang bangkay ng lalaki.

"Tol, huwag kang masyadong lumapit at baka maging zombie yung lalaki una kang sakmalin." pananakot ni Rui

"Hay nakaka boring naman, walang magandang footage eh! Bababa ang rating ko nito! Eh ano kaya kung itapon natin ulit yung bangkay doon sa ilog at kunan natin para mas madarama tapos ikaw misis doon ka iiyak habang kinukuha ang bangkay ng mister mo." ang wika ni Liza

"Tse! Layuan niyo nga ako! Di na kayo naawa sa asawa kong si Baldo!!" ang iyak ng asawa niya.

"Epal talaga iyang si Liza Mae. Mahilig umeksena." ang bulong naman ng mga nakiki usisa.

Noong mga sandaling iyon ay pilit kong pinag mamasdan ang naturang ilog, ngunit wala namang kahit ano dito maliban sa malinaw na tubig at mabilis na daloy. Sa gilid nito ay mababaw lang kaya't parang imposible yata na may malulunod.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay napansin ko ang isang mahabang tulay sa gawing itaas ng bundok. Hanging bridge ito at mukhang nakaka akit pag masdan. "Oy, bumalik na tayo sa bahay." ang pag hatak ni Rui sa akin.

Sumama ako sa kanya bagamat ang aking tingin ay nakapako sa naturang tulay. Tila ba may nakikita akong isang babaeng naka puting damit, mahaba ang buhok na itim. Lumalakad ito ng marahan sa tulay at maya maya ay huminto.

Nanatili siya sa ganoon posisyon ng ilang sandali saka biglang tumalon. Nabigla ako sa aking nakita kaya naman napa bitiw ako kay Rui. "Oy ano ba?" tanong nito

"Sandali lang kuya, mauna na kayo doon sa bahay. Mag papa picture muna ako kay Liza Mae tapos ay ipopost ko sa fb!" ang pag papa alam ko.

"O sige, bilisan mo ha. Nag hahanda ang pag kain si Mama, baka malate ka tiyak na magagalit iyon." ang salita niya

"Okay kuya!" ang wika ko sabay takbo patungo kay Liza Mae bagamat noong makita kong nakatalikod na si Rui ay mabilis akong nag tatakbo sa itaas ng bundok sa di kalayuan kung saan naroroon ang tulay.

Ilang minuto rin ako sa ganoong pag takbo bago ko marating ang aking pakay na lugar. Marahan akong nag lakad lakad dito habang pinag mamasdan ang magandang paligid..

Mahingin..

Malamig, tamang tama ang suot kong long sleeve..

Tahimik..

Hinawi ko ang aking buhok at napako ang aking tingin sa kalayuan..

Hinawi ko ang aking buhok at napako ang aking tingin sa kalayuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon