SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)

2.6K 165 19
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

Feb 9, 2018

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at dito ay narinig namin si papa na sumigaw. "Rui! Nai! Anong ginagawa ninyo?!"

Napabitiw si Kuya sa akin at ako naman ay nakaramdam ng kakaibang takot. Kitang kita ko sa mukha ni papa ang pag kabigla at si mama naman ay napaupo nalang sa sofa.

"Mag kapatid kayo. Bakit ninyo ito ginagawa?" ang tanong ni Papa

Part 36: Hangganan

Sumugod si Papa kay Kuya Rui at hinablot ito sa kanyang kohelyo. Tila binalot siya ng kakaibang galit noong makita ang aming ginagawang pag hahalikan. "Mag kapatid kayo!! Tarantado ka ba??!" ang sigaw nito sabay suntok sa mukha ni kuya

Natumba si Rui ako naman ay napako sa aking kinatatayuan. "Amir! Tama naaa! Huwag mong saktan si Rui!" ang pag pigil ni mama.

Huminga ng malalim si papa at itinuro kaming dalawa. "Kayong dalawa ang papatay sa akin! Isang malaking kahihiyan kapag nalaman ito ng lahat alam niyo ba iyon? Tumino kayong dalawa at mag hiwalay!" ang utos niya

"Pero papa, si Nai ay.."

"Tama na!" bulyaw niya kay Rui dahilan para maputol ang kanyang sasabihin. "Tama na! Bukas na bukas ay aayusin ko na ang papel mo patungo sa London Rui. Ipapakasal kita kay Rossete. Umalis kana dito bago pa bumaho ang imahe mo o ang imahe ng Natchakal!" sigaw ni papa sabay labas ng pinto na parang aatakihin sa puso.

Naiwan kami ni Rui sa kwarto. Agad ko siyang pinuntahan at tiningnan ang tama ng kamao ni papa sa kanyang mukha. Noong mga oras na iyon ay wala akong nasabing kahit ano, kusang gumalaw ang aking kamay at dinampian ang pasa niya sa mukha. Kasabay nito ang pag tulo ng aking luha kaya naman niyakap niya ako at ikinulong sa kanyang bilugang braso.

Kinabukasan, katulad ng sinabi ni papa. Nag simula na siyang ipaayos ang papel ni Rui upang ipakasal sa London. Kung dati ay tutol siya kay Lolo ngayon ay isa na siya sa nag pupush para pag layuin kami. Sinubukan kong manghingi ng tulong kay mama ngunit hindi rin ito makaporma dahil si papa ang batas sa aming tahanan.

"Kailan pa kayo ganito?" tanong ni mama habang hindi maitago ang sakit ulo

"Mahal ko si Nai noon pa. Alam nyo iyan!" ang sagot ni Rui

"Oo alam namin. Bata palang kayo ay mahal na mahal mo na ang kapatid mo pero hindi ko akalain na ang pag mamahal mong iyan ay aabot sa ganitong lebel. Pareho kayong lalaki, mag kapatid pa kayo. Hindi ko alam ang gagawin ko." ang wika ni mama

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon