SP Part 43: Troy

2.5K 155 17
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 12, 2018

"Hindi ko alam, pero ayoko nang isipin pa iyon. Ang mahalaga ay nakuha natin ang suporta ni mama at tanggap niya kung ano man ang mayroon tayo. Kaya masaya ako. Sobrang saya.." tugon niya. "Ikaw masaya ka ba?"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Oo naman."

"Bakit naman?" naka ngiti niyang tanong

Ngumiti rin ako at sumagot "dahil hindi na ako mag iisa simula ngayon."

Part 43: Troy

Reporter: Sa ngayon mga kaibigan ay nasasaksihan natin ang ginagawang people power ng buong bayan. Ang lahat ay nag wawala at nakikipag laban upang iluklok na bayani ang artistang si Troy dahil sa kagwapuhan nito.

Siya ang sinasabing santo ng mga pogi at siya rin ang nais na ipalit kay Rizal bilang pambasang bayani. Sino ba naman ang mag aakala na ang simpleng artistang ito ay mamahalin ng lubos ng buong bayan.

Samantala nag kalat na rin ang rebulto at imahe ni Troy sa mga bangketa, ang kanyang mga rebulto ay sinasabing ipapalit sa mga santo at ilalagay umano sa mga simbahan bilang simbolo ng kristiyanismo.

Ako po si Carla Mae Lawit at sa ngalan ni Liza Mae Lawit na baliw na baliw doon kay Troy, ito po ang Pak na pak new of the day!!"

End of report

"Naku yung mga anak namin ay baliw na baliw rin diyan sa Troy na iyan. Hindi nga namin alam kung sino at saan iyan nag mula. Kusa na lamang sumulpot sa showbiz at siya na lamang ang parating napapanood sa telebisyon" ang wika nila Kulas

"Tingnan mo naman pare, gwapong gwapo kaya marami ang nahuhumaling." ang wika pa ng isa habang lahat ay nakatutok sa telebisyon kung saan naroon ang daan daang taong nag poprotesta para sa artistang si Troy.

"Siguro mahal ang talent fee ng gagong iyan." ang wika ni Rui habang pinag babalat ako ng mansanas.

"Oo naman. Habang pasikat ng pasikat ang artista ay pamahal ng pamahal ang talent fee niya. Siguro ay milyon na iyan kada oras." ang wika ni mama. "Pero hindi ko masyadong bet ang kagwapuhan niya e, para siyang lesbian." dagdag pa nito habang natatawa.

"Pero mas gwapo ako dyan. Saka mas masarap ako." ang bulong ni Rui

Natawa ako. "Angas mo naman." bulong ko rin

"Gwapo naman talaga si Kuya diba? Miss mo na ba ako?" tanong niya ulit "Hayaan mo kapag gumaling ka ay aanakan kita mag hapon." naka ngisi niya usal

Muli akong natawa at tinapik ang kanyang balikat. Kinagat ko ang mansanas na kanyang binabalatan.

Nag patuloy kami sa panonood ng telebisyon kung saan naroon si Troy na naka tayo sa kanyang entablado sa harap ng kanyang mga taga suportang baliw baliwan ang peg. Ang mga ito ay naka taas ang kamay na parang inaabot siya sa ere, lumuluha at mayroon pang hinihimatay dahil sa matinding emosyon.

"Kaunti nalang ay makakamit na natin ang ating inaasam na tagumpay. Napag tanto ko na hindi natin kailangan gumamit ng dahas upang mag tagumpay. Ang kagwapuhan ko lang ang tanging puhunan upang marating ko ang aking kinalalagyan ngayon. Sa mga susunod ka araw ay pag haharian natin ang buong lungsod at pati ang mga karatig siyudad nito. Sa susunod na buwan ay pag haharian natin ang buong bansa at sa mga susunod pa ay ang mga karagtig bansa hanggang sa masakop natin ang buong mundo! Tayo ang mag hahari at ang lahat ng haharang sa atin ay..

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon