SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib

2.4K 153 8
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 19, 2018

"Ang lahat ay pag tataksil sa kaibigan! Ang mga kalaban ay nag papanggap lamang!" ang sigaw ko

"Tama ka Nai, mahusay mag tago ang isang iyan dahil ni hindi ko siya nararamdaman." ang tugon ni Sin.

Napailing nalang ako habang naka tingin kay Tex na noon ay ngisi at kasabay nito ang pag liliwanag ng kanyang katawan. "Naparito kaba para bawiin ang iyong kapangyarihan? Paano kung ayoko? Paano kung hilingin kong dito ka lang sa tabi ko? Gagawin mo ba Nai?" ang tanong niya

Part 46: Sa Bingit ng Panganib

"Bakit ikaw Tex? Kaibigan kita. Kababata! Bakit?" ang sigaw ko na hindi maiwasan ang labis na emosyon.

"Hindi ko rin alam Nai, basta ang alam ko ay nabuhay ako para sa iyo." ang sagot ni Tex

"Hindi ko maunawaan ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko." ang tugon ko habang napapa hawak sa aking tuhod dahil tila nang hihina ito. "Paano mo nasabing nabubuhay ka para sa akin?" tanong ko ulit.

"Dahil sa iyo ako nag mula. Alam mo ba na ako ang produkto ng lahat ng negatibong bagay dito sa mundo. Ang lahat ng galit, poot, lungkot, takot, kawalan ng pag asa, dipresyon, ang mga iyan ang humubog sa akin upang mabuo at maging isang makapangyarihang nilalang.

Hindi ako galing sa ibang planeta dahil ito mismo ang aking tahanan. Maraming taon na ang nakalilipas noong sumiklab ang mga labanan ng mabuti at kasamaan." ang wika ni Tex at dito ay nag liwanag ang kanyang kamay. Ipinakita niya ang iba't ibang kaganapan sa kasaysayan na wari'y video clip sa mga pelikula.

"Ang mga larawan ito ay mula sa unang digmaang pandaigdig kung saan marami ang nasasawi, natatakot at binabalot ng lungkot. Sa mga labanan ng bawat bansa na ang tanging puhunan ay ang mga buhay na nasasayang dahil sa pansariling mga interes. Mula sa mga bayaning lumaban sa mga dayuhan mula sa ibang planeta." ang wika pa niya at dito ay ipinakita ang laban nila Jorel laban sa taga ibang mundo, si Super Nardo na kalaban ang taong ahas at si Ace na may kaharap na mga robot. "Ang mga labanang ito ay nag dulot ng matinding takot, pangamba at kasawian sa lahat ng tao sa sulok ng mundo. At ang lahat ng takot, pangamba, lungkot at dipresyon na iyon ay ang bumuo sa akin.

Rinig na rinig ko pa rin ang sigawan, ang panaghoy at sakit ng mga taong nasasawi. Parang musika iyon sa aking pandinig. Nag simula ako sa isang maliit na buto, binalot ako ng kakaibang enerhiya na nag bigay sa akin ng kalamnan at sa bawat takot na aking nasasagap ay lumalakas ako at nabubuo. Ang negatibong pag iisip at pakiramdam ng mga tao sa bawat mundo ay ang aking kaluluwa. At para sagutin ko ang tanong mo Nai, ikaw ang aking napili dahil ang katawan mo ay kakayahang suportahan ang aking pangangailangan. Kinakailangan ko ng sapat ng lakas at kapangyarihan para mabuhay at iyon ay nasa loob ng iyong katawan noon pa." ang salaysay niya

"Ano ang ibig mong sabihin? Na may taglay akong kapangyarihan noon pa?" ang tanong ko naman

Natawa siya. "Malalaman mo ang lahat sa takdang oras Nai. Sa ngayon ay mag laro muna tayo." ang masayang salita niya at doon ay nag bago ang anyo ng kanyang kasuotan. Nag karoon siya ng kulay itim na kalasag sa balikat at dibdib. Lumabas rin sa kanyang kamay ang napag kalaking pangalawit na ganoon kay kamatayan.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon