SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun

2.6K 160 19
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 15, 2018

Nabigla ako sa aking nakita, ang nag aapoy na bagay na iyon ay may tao sa loob. "Tao nga!" ang sigaw ko sabay takip sa aking bibig.

Ipinakita niya sa akin ang video footage..

Dumaan ito sa satellite ni Kuya Gun mabilis at aakalain mong bulalakaw lamang ngunit nag liliyab ito at kakaiba ang hugis. "Nakakamangha diba? Ang dumaan na iyan ay si Super Nardo." ang wika niya sabay slowmo sa naturang footage. At dito ay malinaw na malinaw naming nakita ang imahe ng isang super human na tumawid sa kalawakan.

Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun

"Mayroon pa akong ipapakita sa iyo." ang wika pa niya at dito ay inilabas niya ang imahe ng isang puting liwanag na malapit sa buwan. Sa malayuan ay para lang itong isang puting bituin ngunit noong ilapit ni Gun ay mayroon ding imahe ng isang lalaking naka lutang. "Nakuha ko ang larawan iyan ilang taon matapos kong makuha ang larawan ni Nardo. Alam kong nakukuha rin ito ng mga matataas na teknolohiya sa ibang bansa ngunit tikom ang kanilang mga bibig sa ganitong uri ng mga bagay. Saan ka ba naman makaka kita ng isang lalaking naka suot lang ng jacket, pantalon at sapatos na lumulutang sa kalawakan. Walang makaka gawa niyan kundi si Jorel. Ang superman ng planetang ito." ang wika niya.

"At hindi lang iyon dahil nakakuha ako ng ilang nakakatuwang footage." ang wika niya at muling inilapat ang kanyang folder.

Ako naman ay naka tahimik lang at pinag mamasdan ang kanyang mga ipinapakita. "Tingnan mo ito, isang video footage ng isang lalaki na nakatayo sa pinaka mataas na tore." ang wika niya habang itinuturo ang naturang lalaki na kasing edad ko. "Tingnan mo ang susunod niyang gagawin." ang wika ni Gun at dito ay bigla nalang tumalon ang lalaki mula sa itaas. Ilang sandali rin siyang bumabagsak at pag lapag sa lupa ay naka tayo pa rin ang kanyang dalawang paa at mabilis na nag tatakbo palayo.

"Sino iyan?" ang tanong ko.

"Iyan si Ace, isang lalaki na kasing edad mo, ang ilang parte ng kanyang katawan ay robot at gawa sa kakaibang teknolohiya na wala sa ating panahon." paliwanag niya habang inuulit ulit ang naturang video clip.

"Wow, ang husay nila. Totoo pala talaga ang mga super human. Kaya naman pala naka display sila doon sa museum mo." ang sagot ko naman

"At hindi lang iyon Nai, mayroon pa akong nais na ipakita sa iyo." dagdag pa niya sabay lipat sa kanyang ibang files. Binuksan niya ang folder na mayroong password at noong maopen ito at ipinakita niya sa akin ang naturang mga larawan.

Ang unang larawan ay kuha sa labas ng daigdig. Isang lalaking naka tayo at nag liliwanag ng asul ang katawan.

Ang ikalawang larawan naman ay kuha sa itaas ng siyudad kung saan ang kaparehong lalaki ay nakalutang at tila nag mamasid.

At ang ikatlong larawan ay larawan ni Super Panget na naka tayo sa isang gusali. Malinaw ang pag kaka kuha nito at talagang HD ang imahe.

Tahimik..

Habang pinag mamasdan ko ang dalawang unang larawan ng mag kaparehong lalaki ay tila nag karoon ako ng ideya. "Kilala mo na ba ang lalaki sa larawan Nai?" ang tanong ni Gun

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon