SP Part 3: Patakaran ni Rui

4.1K 195 22
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

December 30, 2017

Part 3: Patakaran ni Rui

"Master Nai, bakit ngayon ka lamang umuwi?" ang bungad ni Kohei noong makapasok ako sa sala. Abala ito sa pag liligpit ng mga gamit na pinag kainan.

"Nag kainuman lang doon sa labas. Bakit ngayon ka lang nag lilipit ng pinag kainan?" tanong ko naman

"Ipinahanda po ito ni Master Rui kanina dahil baka raw dumating ka ng maaga. Bigla ka raw kasing nawala kanina kaya hindi kana naisama sa dinner."

"Kumain na ako doon sa labas. Nasaan ba siya?" tanong ko naman.

"Wala po si Master Rui ngayon, lumabas rin siya kasama ng mga kaibigan."

"Ah ganoon ba. Mabuti naman." tugon ko habang susuray suray na pumapanhik sa hagdan.

Pag bukas ko ng pintuan ng aking silid ay bumulaga sa akin ang tambak na kalat at mga bagahe na dala ni Rui mula sa ibang bansa. Yung tipong itinambak lahat sa aking kwarto. At iyon ang nag painit ng aking ulo. "KOHEI!!!" ang sigaw ko na halos rinig sa buong kabahayan dahilan para mag takbuhan ang mga kasambahay sa sala. "BAKIT NANDOON ANG GAMIT NI RUI? Ilabas nyo iyon lahat ngayon rin dahil baka mag dilim ng aking paningin e sunugin ko lahat ng maleta niya kasama na yung isang kahong punong puno ng trophy at medalya!!"

"Pero master, gusto lang naman ng kuya mo na mag karoon kayo ng magandang samahan dahil simula noon ay hindi na kayo nag kasama. Iyon ang sabi niya kanina." ang katwiran ni Kohei.

"Pwes, hindi iyon ang gusto ko! Sampu ang silid dito sa loob ng bahay! Bakit dito pa sa kwarto ko? Anong klaseng palabas ba iyan? Joke ba ito?!"

"Pero master, baka ikagalit iyon ng kuya mo."

"Mas magagalit siya kapag pinulot niya sa basurahan ang lahat ng gamit niya! Alisin niyo ito ngayon din bago pa kayo ang ialis ko isa isa mga panget!!! Kilos na tanginaaaa!"

"Huwag naman po kayo mag mura master. Baka marinig kayo ng inyong ama."

"Mag mumura ako kung kailan ko gusto at mumurahin ko ang gusto kong murahin kaya Putang ina ialis ninyo ang gamit ni Kupal dito sa kwarto ko!" ang sigaw ko pa.

"Ay ang sama naman ang ugali ni master Nai." ang bulong ng mga kasambahay sa gilid na hindi makapag pigil na mag bigay ng kanilang komento.

"Hoy kayong dalawang panget na gurang mag alsa balutan na kayo dahil huling gabi niyo na ito!" ang sigaw ko at habang nasa ganoong pag kagalit ako ay tila may isang malakas na pwersang sumuntok sa aking dibdib dahilan para maluhod ako sa aking kinatatayuan dahil sa matinding sakit.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon