SP Part 27: Ad Molibiria

2.7K 155 9
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

Feb 1, 2018

Announcer: Maniac!

Sumugod ulit si Super Ganda kaya mabilis kong binali ang aking baril kayat naging espada ito. Hinataw ko ng mabilis at malakas ang kanyang kanyon dahilan para masira ito at sumabog.

Tumba si Super Ganda..

Announcer: Enemy... Savage!! Wipe Out!!

Part 27: Ad Molibiria

Napaluhod nalang ako na tila naubusan ng lakas. "Nai ayos ka lang ba?" tanong ni Sin

"Tadtad ako ng tama ng baril sa katawan, bali ba itong tadyang ko. Tapos itatanong mo pa kung ayos ka ako? Ikaw ayos ka lang ba? Gago ka!" ang sagot sabay layo sa dalawang naka bulagtang kalaban.

Announcer: Initiate Retreat!

Announcer: Launch Attack!

"Namumuro na sa akin iyang announcer na iyan." ang wika ko habang sumasandal sa isang kubling gusali.

Pilit kong inilabas ang mga bala ng baril na nakabaon sa aking katawan at kasabay noon ang pag durugo nito. "Alam mo kung bakit sila weak?" ang wika ni Sin

"Dahil wala silang Tank! Karaniwan sa mga Marksman ay sa late game bumabawi kaya kapag hindi natin sila naitumba ay tiyak tayo ang matutumba." wika ko habang iniaalis ang ibang bala sa aking tiyan

"May tama ka!!" wika ni Sin

Habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang bumukas ang pinto ng gusaling aking sinasandalan kaya naman napatayo ako.

Lumabas dito ang isang lalaki may hawak na bundahe at first aid kit. "Si Rui, anong ginagawa ng mokong na ito dito?" tanong ko sa aking sarili sabay tingala. Dito ko napag tanto na ang gusali palang ito ay ang likuran ng kanyang kompanya.

"Narito ang first aid kit. Halika tulungan kitang gamutin iyang mga sugat mo." ang wika nito.

"Bakit nandito ka pa? Umuwi kana dahil delikado dito." ang tugon ko

"Maraming evacuees ang nasa loob ng kompanya. Yung mga taong siyudad ay naroon din sa loob. Ang salamin ng aming kompanya at bullet proof at dekalidad kaya't kahit bagsakan pa ito ng kanyon ay hindi ito masisira. Ito ang pinaka safe zone sa ngayon." ang sagot niya sabay hatak sa akin para gamutin.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon