SP Part 19: Masamang Kagandahan 1

3.4K 178 10
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 19, 2018

Part 19: Masamang Kagandahan 1

"Anong oras tapos ng klase mo?" tanong ni Rui noong ihatid niya ako sa school.

"5 pm." sagot ko naman

"Ayos. 6pm ay aalis na ako sa opisina. Dinner tayong dalawa?"

"Sige. Basta wala akong pera ha. Ikaw bahala." naka ngisi kong sagot

Ginusot niya ang aking buhok "Kuripot ka talaga. Susunduin kita rito mamayang 6pm ha." naka ngiti niyang tugon at hinalikan pa ako sa labi bago bumaba sa kanyang sasakyan.

Naging maayos ang takbo ang samahan namin ni Rui. Kung dati ay malambing siya ngayon ay mas doble pa ito. Naging hobby na rin niya na halikan ako sa labi o kaya ay yakapin ng mahigpit kapag kaming dalawa lang ang mag kasama. Madalas rin niya akong ginagawang parang isang babae na inihahatid sundo kapag may lakad ako. Kapag nalalate ako ng uwi ay naka abang na siya sa gate para sitahin ako kung bakit ako ginabi. Marahil ay ganoon lang talaga ang mga kuya, overproctective at oa na kung minsan.

"Kataka taka naman at biglang tumahimik, nawalang parang bula yung sasakyan ni Super Beki." ang wika ni Tex

"Hindi ko alam baka umatras ang lola mo. O baka naman narealize niya na wala siyang mapapa dito sa mundo natin."

"Naku, huwag kang mag guard down ha. Baka sumalakay siya kung kailan hindi handa ang ekonomiya ng bansang Pilipinas."

"Nag hahanda ako. At itutumba ko siya kahit na anong mangyari."

"So Nai, anong feeling ng naka salalay sa iyong kamay ang kapalaran ng mundo?" ang naka ngiti niyang tanong

"Kinakabahan ako, natatakot ako para sa lahat. Pero ang sabi sa akin ng isang kaibigan ay mag tiwala lamang ako sa aking sarili. Magiging maayos rin ang lahat." sagot ko sabay lagok ng inumin.

"Alam mo Nai, minsan ang mga katunggali ay mapanlilang. Kailangan mong mag ingat."

"Alam ko iyon, ang mga kalaban ay mga mapag laro lalo't hindi naman sila mga tunay na tao. Katulad nalang ni Super Beki, im sure ay isang halimaw iyan na nag tatago sa katawan ng isang tao upang maging ka wangis natin."

"Oo nga, nabasa ko iyan sa mga artikulo. Kadalasan ang kalaban ng mga super hero ay mga tuso at mapanlinlang. Mag iingat ka Nai. Nandito lang kami na naniniwala sa iyo." ang naka ngiting wika ni Tex

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon