SP Part 32: Banta

2.6K 159 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

AiTenshi

Feb 5, 2018

Part 32: Banta

Alas 8 ng umaga noon ako ay magising. Pag mulat ng aking mata ay nakita ko agad si Rui na naliligo sa banyo. Naka bukas ang pinto nito kaya nakabuyangyang nanaman sa aking harapan ang kanyang kahubaran. Makailang beses kaming nag talik kagabi, paulit ulit hanggang sa kapwa mapagod at makatulog. "May lakad ka?" ang tanong ko habang pinapanood niya sa paliligo.

"Darating si papa ngayon sa kompanya, kailangan niya ako doon." ang sagot nito.

"Anong oras ka uuwi?" tanong ko ulit.

"Edi 5pm. Bakit ba marami kang tanong? Ikaw ha, huwag kang lalabas ng hindi ko nalalaman. Pababantayan kita kay Kohei."

"Kaya ko naman yung sarili ko."

"Aba't sasagot ka pa? Huwag kong malalaman na lumabas ka. Alam mo bang katakot takot na pag babanta ang narerecieved ko sa email. Balak ka nilang dukutin para ipatubos sa malaking halaga."

"Seryoso?" tanong ko

"Oo nga. Baka makidnap ka pa sa labas kapag umalis ka."

"Pag nakidnap ako, palakihan mo ang ransom ha. Ayoko ng cheap!"

"Mag seryoso ka nga, isang seryosong usapin ang kidnaping kaya hindi mo dapat ito ginagawang biro."

"Eh hindi naman ako aalis. Dito lang ako sa kwarto di ako gagalaw at mag hapon lang ako hihiga."

"Good kung ganoon. Maligo kana rin dito. Isang round pa tayo."

"Wag po kuya.. Masakit na eh." pag mamaktol ko

Tawanan..

Edi iyon nga ang set up. Nag tungo si Rui sa opisina samantalang ako naman ay nag liwaliw sa labas. Binayaran ko lang naman yung mga guard sa gate para itago ako at pag takban sa matandang si Kohei. Mabuti nga at successful ang planong iyon, hindi ko na kailangan lagyan ng pampatulog ang juice niya para makatakas ako katulad ng regular kong ginagawa.

"Master Nai, baka po magalit ang kuya Rui mo kapag nalaman niyang bumili kayo ng motorsiklo. Hindi po niya kayo pinapayagang mag drive mag isa." ang wika ni Kohei

"Hala, e bakit naman hindi? Motor lang naman ito."

"Dahil tatanga tanga daw po kayo, sunga at pasaway. Tiyak na magiging problema daw po kayo sa daloy ng trapiko dahil hindi kayo marunong bumasa ng traffic sign." ang wika ni Kohei na may halong takot

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon