SP Part 16: Super Beki

3.3K 190 28
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 16, 2018

"Gago ka!! Ayoko nito!!! Ayokkkoo!!!" ang galit kong sigaw

"Kapag hindi mo ginawa ang iyong tungkulin ay hindi kana makakabalik sa iyong dating anyo. Ang iyong panget na itsurang iyan ay kakapit sa iyong pag katao at magiging permanente ito. Sa makatuwid ay papangit kang talaga kahit hindi ka isang super hero." ang wika pa niya bago ito tuluyang mag laho.

Part 16: Super Beki

"Lilipad ka rin pala ang dami mo pang segway." ang boses ni Sin habang nasa ere ako.

"Kesa naman maging permanente itong kapangitang ito! Bakit ba kasi ako pa ang napag tripan mo? Sana pumili ka nalang ng kriminal at iyon ang ginawa mong panget!!" ang reklamo ko.

"May dahilan ang lahat Nai. Masyadong maaga para ipaliwanag ito." sagot niya.

Patuloy ako sa pag lipad sa gitna ng karagatan kung saan namamataan ko ang kulay berdeng lumulutang na bagay. "Ano ba iyan? UFO iyan ah?" ang tanong ko.

"Kung hindi ako nag kakamali ay iyan ang sasakyang pandigma ni Super Beki. Tuso ang isang iyan at galit siya sa mga babaeng magaganda. Ang kanyang pakay ay maging reyna ng ibat ibang mundo upang maging mas malakas at makapangyarihan. Mas makabubuti kung dumistansiya ka muna." boses ni Sin

At iyon ang aking ginawa, huminto ako sa pag lipad upang kumuha ng distansya mula sa sasakyang pandigma ni Super Beki na parang isang malaking plato na kulay green.

Maya maya ay gumalaw ito at nag labas ng isang malaking bilog sa itutok. "Ano naman iyan?" tanong ko

"Iyan ang super speaker. Mukhang mag sasalita na si Super Beki upang mag bigay ng babala sa inyong mundo." ang boses ulit ni Sin.

"Teka, eh asan ka ba? Salita ka ng salita di naman kita makita!" reklamo ko.

"Nandito ako sa iyong kaibuturan. Kapangyarihan ko ang ng uugnay sa atin. Alam mo ba ang ginagawa ko ngayon? Nandito ako sa ituktok ng bundok habang naka tanaw sa magandang tanawin, umiinom ng masarap na inumin habang pinapanood kang mag pakipag sabong diyan kay Super Beki. Kaya galingan mo." sagot niya

"Wala bang block dito? Pwede bang iblock ko ang signal mo? Nakakainis kana e."

"Walang ganoon Nai. Sa ngayon ay pag tuunan mo ng pansin ay ang pag dating ni Super Beki. Huwag mo siyang hahayaang mag tagumpay. Nasa kamay mo ang kaligtasan ang inyong mundo. Goodluck!"

Nawala ang tinig..

"Teka, may itatanong pa ako! Hello!!"

"Hello??!!"

"The subscriber you are calling is currently not available."

"Bwisit!!" ang bulong ko habang lumulipad.

Tahimik..

Maya maya ay nag simulang mag liwanag ang super speaker..

Mula dito ay may narinig kaming tinig.

"Beauty begins the moment you decide to be yourself!! Hello hello hello madlang people!! Standing infront of every one is a 20 years old stunner, yes stunnnnerrr, all the way from the 12th galaxy of the 7th universe Super Planet. My name is Levichie Bermuda Santanislao Gonzaga Y. Consuelo Mi Amore. But tonight let stand by the name. Ang babaeng umakyat ng bundok upang gumawa ng palasyong yelo, ang babaeng malakas ang resistensya sa lamig at ang babaeng kumanta ng let it go. Ating palakpakan.. Queen Elsa of Arendelle.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon