SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa

3.4K 200 14
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 3, 2018

Ramdam na ramdam ko ang malamig na hanging dumadampi sa aking mukha habang nakalutang sa ere. Alam kong isa lamang itong panaginip ngunit parang totoong totoo ang lahat.

Patuloy sa pag taas ang aking katawan hanggang sa tuluyan kong masilayan ang ganda ng buong siyudad. Maunlad ito, maayos, masagana. Nag lalakihan ang mga gusali at talagang napaka perpekto.

Nakakalibang panoorin ang magandang tanawing iyon mula sa itaas. Nakaka lula ngunit parang hindi ako nakakaramdam ng takot, pakiwari ko ay kaisa ako ng hangin sa paligid. Nililipad at walang bigat.

Patuloy ako sa ganoong pag tanaw hanggang sa maya maya ay may isang kakatwang liwanag ang unti unting bumagsak sa kalangitan..

Mabilis itong tumama sa lupa na animo bumbilyang kumukundap-kundap..

Tahimik..

Nag liwanag ng hulos ang parte ng siyudad kung saan ito bumagsak..

At maya maya ay isang malakas na hangin ang bumugso paligid dahilan para ako ay tangayin. Kasabay nito ang isang malakas na pag sabog na animo nuclear weapon na ibinagsak sa gitna ng mga gusali.

Gumapang ang pag sabog hanggang yumanig ang paligid at masira ang lahat. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw habang nararamdaman ang takot dulot sa malagim na bangungot na iyon.

Agad akong bumalikwas ng bangon mula sa pag hihiga. Natagpuan ko ang aking sarili sa sofa kung saan naroon si Rui na natutulog habang naka upo at naka pahinga ang ulo sa sandalan.

Ramdam ko pa rin ang kirot ng aking pisngi dulot ng kanyang pag kaka suntok. Bagamat nangingibabaw ang kaba at pag kauhaw ko noong mga sandaling iyon.

Part 6: Sa Bingit ng Sumpa

"Nai, ano ba ang nangyari diyan sa mukha mo? Bakit may pasa?" ang tanong ni mama habang kumakain kami ng almusal.

Tumingin ako ng masama kay Rui na noon ay naka tingin rin sa akin na nangungusap ang mga mata na animo asong maamo. Para bang sinasabi niya na huwag kong sabihin kay mama na sinuntok niya ako.

Inirapan ko siya at muli akong humarap kay mama "napa away lang po ako kagabi sa bar." ang sagot ko

"Bakit naman?" ang tanong ni mama

"May isang mayabang na lalaki kasi doon na parati akong pinag ttripan. Sa sobrang yabang niya ay gusto ko na siyang barilin at ibaon sa lupa."

"Masama ang iniisip mo anak. Sa susunod ay huwag kang lalabas mag isa. Isama mo ang kuya mo para hindi ka napapagtripan. Alisin mo na kasi iyang mga hikaw sa tenga mo dahil napapag kamalan kang sanggano." tugon ni mama.

"Mas mukhang sanggano yung naka away ko kagabi, mukhang aso, mukhang halimaw. Dapat sa kanya ay balatan ng buhay at ibilad sa plaza!" ang sagot ko habang naka tingin ka Rui

"Iwasan mo na kasi ang pag labas ng mag isa at ang kilos mo ay bawasan mo ang kayabangan upang hindi ka napapag tripan. Rui, ikaw na ang bahala sa kapatid mo lalo't sa susunod na linggo ay aalis kami ng papa mo."

"Opo ma, ako na ang bahala sa baby bro ko." ang naka ngising wika nito habang nakatingin sa akin.

Muli ko siyang tiningnan ng masama sabay tayo sa aking kinauupuan. "Late na ako sa klase ko. Aalis na ako."

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon