SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan

3.9K 201 25
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 8, 2018

Bumukas ang pinto ng sasakyan at mabilis niya akong kinaladlad palabas dito..

"Bakit?! Wala akong ginagawa!! Wala rin akong sinasabi!!!" ang sigaw ko ngunit huli na ang lahat..

Naramdaman kong umangat sa lupa ang aking katawan at sumibat ako pataas sa kalangitan..

Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan

Nag patuloy ang kanyang pag sakal sa aking leeg hanggang sa mabilis na umangat ang aking katawan sa ere. Malakas ang hangin sa paligid, nakaka lunod at nakakalula..

Ilang minuto rin kami sa ganoong pag sibat hanggang sa kapwa kami mapadpad sa isang malawak at madilim na lugar.

Nanatili akong naka lutang at mula sa aking ibaba ay nakikita ang labas ng mundo. Hindi mo mawari ang kulay nito, hindi ito asul katulad ng nasa telebisyon bagamat kaaya aya itong pag masdan. Noon ay napag tanto ko na nasa labas na ako ng kalawakan. Marahil ay isa nanaman itong panaginip, marahil ay isa lamang akong lucid dreamer ngunit talagang makatotohanan ang lahat.

Maya maya ay nakita ko ang batang pulubi at lumalapit sa akin. Sa kada hakbang na kanyang ginagawa ay nag babago ang kanyang anyo.

Mula sa pagiging batang pulubi na may hawak na rugby ay naging babae ito na puro naknak ang mukha at siya yung babaeng mapilit na nag eenrol sa aming campus. At ang pinaka huling anyo niya ay ang pulubi doon sa bar kung saan niya ako binitiwan ng sumpa na hindi ko maipaliwanag.

Patuloy na lumapit sa akin ang pulubi hanggang sa huling pag kakataon ay nag bago pa ang kanyang anyo. Naging isang lalaki ito, maayos ang pananamit, maputi at napaka gwapo. Naka ngiti siyang lumapit sa akin. "Sino ka ba? Tigilan mo na ako!" ang sigaw ko naman.

"Ako si Sin, at ako ay naparito upang ipaliwanag sa iyo ang iyong misyon." ang wika nito

"Misyon? Gago ka ba? Ni hindi ko nga maunawaan ang lahat! Gusto ko nang gumising sa bangungot na ito!"

"Ito ay totoo Nai, ang sumpa ay nag simula na dahil nakompleto na ang tatlong pag kamamali na ginawa mo."

"Tatlo? Wala akong ginagawa o sinasabi! Tinulungan ko pa ng yung pulubing batang adik! At ikaw ang dapat isumpa dahil manloloka! Ikaw ang babaeng panget na may naknak sa mukha! Ginagago mo ako una pa lang!" galit kong sagot.

"Nai, hindi kita ginagago o niloloko. Kung talagang mabuti ka ay mabuti rin ang lalabas sa iyong ibibig at may kalakip itong kabutihang kilos loob. Iyon ang hindi mo nagawa Nai. At tungkol naman sa ikatlong pag kamamali mo. OO nga at binigyan mo ng pera ang pulubi ngunit rinig na rinig ko ang nasa isip mo. Maganda na binigyan mo siya, ngunit sana ay pinayuhan mo rin siya na huwag gumamit ng masamang bagay na maka sisira sa kanyang katawan, sinadya mo pa na bigyan siya ng pera pambili ng droga." ang wika niya

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon