SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai

9.5K 298 61
                                    

       

Full Credits: Nick as Nai

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Full Credits: Nick as Nai

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Dec 22, 2017

"Master, kayo po ang napili ng campus upang gumanap sa isang mahalagang parte sa play na Beauty and the Beast. Siguradong matutuwa po ang mga magulang ninyo kapag nalaman nila ito." ang wika ni Kohei habang abala ako sa pag kain ng almusal.

"Nice, sino naman ako doon? Ang gwapong si Gaston ba na kalaban ni Beast? Tamang tama gustong gusto kong pumatay ng panget." ang sagot ko naman.

"Ah e, Master Nai, kayo po ang napili upang gumanap sa papel ni Beast, pero magiging Prinsipe naman po kayo sa dulo." ang nag aalangan na wika niya

Napahinto ako sa pag nguya noong marinig ko ang sinabing iyon ni Kohei dahilan para mas lalo siyang manginig sa kaba. "Gwapo naman po yung Prinsipe doon sa play. Kaya po kayo ang napili nila."

"Ah ganoon ba. Gusto nila akong gumanap sa isang panget na halimaw na mukhang asong hindi naliligo? Sinasabutahe ba nila ako?" tanong ko naman.

"Ah e, e hindi po master. Naisip lang daw ng campus na kayo nalang yung gumanap na Prince Charming dahil mukha raw po kayong prinsipe."

"At mukha rin ako Beast? Tama ba? Sino ang promotor ng play na iyan?" tanong ko

"Si- si Professor Doding po. Yung president ng cultural and theatre club doon sa campus." ang sagot niya.

"Ah, i see. Paki abot nga yung cellphone ko." ang mahinahon kong wika habang nag pupunas ng labi.

Agad niyang inabot ang aking cellphone at dito ay idinial ko ang number ni Doding na president ng theatre club. Makalipas ang ilang sandaling pag riring sa kabilang linya ay sumagot nga ito.

"Hello, Master Nai. Kamusta? Naku im sure excited kana sa play. Alam mo ang daming nag audition dito para sa papel na beast. Halos lahat ng gwapong estudyante dito ay pumila. Pero syempre ikaw ang kinuha ng management dahil tiwala sila sa iyo. Ayos ba iyon?" ang sagot niya na may halong pag mamalaki.

"Kaninong ideya ang play na Beauty and the Beast?" ang tanong ko

"Sa akin, iyon kasi ang nakatakdang gawin ngayong taon." sagot niya

"At kaninong idea na gawin akong si Beast?" tanong ko ulit

"Sa akin rin po master." ang sagot niya.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon