SP Part 48: Super Pogi

2.6K 154 20
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Agad akong tumayo at nag tatakbo patungo sa naturang lagusan. At habang nasa loob kami nito ay pilit kong binubuo ang aking sarili. Batid kong ang huling laban ay magaganap na. Kaya ang aking kailangan ay tibay ng loob at ibayong tiwala sa aking sarili.

At ipinapangako ko na mag tatagumpay ako. Muli ibabalik sa ayos ang lahat, ang tunay na laban ay mag sisimula sa oras na tumapak ako palabas sa lagusang ito.

Part 48: Super Pogi

Sinalubong ako ng malakas na liwanag noong makalabas ako sa lagusan. Dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa pinaka sentro ng siyudad kung saan naroroon si Troy na naka sakay sa kanyang pandigmang sandata na sumisipsip ng dugo. Pulang pula ang paligid, nag kalat ang bangkay at laman loob ng mga taong biktima. Si Troy naman ay galak na galak habang naliligo siya ng dugo.

Patuloy ang kanyang ginagawang pag hitit sa mga kalamnan ng mga tao sa paligid kaya naman ibayong galit ang aking naramdaman. Sumiklab ang asul na liwanag sa aking katawan at kasabay dito ang pag sibat ko ng lipad patungo sa kanya. Mabilis bumalot ang kalasag ni Super Panget sa aking katawan at doon maramdaman niyang palapit ako na pahinto siya sa kanyang ginagawa.

Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Kamusta kaibigan?" bati niya habang naka ngiti bagamat balot ng dugo ang kanyang hubad na katawan at tanging pantalong sira lamang ang suot.

Ngumiti rin ako at tumugon "Mukhang mabangong mabango tayo ah. Ayos iyang blood bath mo."

"Ito ang sikreto ng aking magandang balat." ang wika niya

"Ah ganoon ba?" sagot ko sabay lipad sa kanyang kinalalagyan at mabilis ko itong ginawaran isang malakas na suntok na kanyang sinalo.

"Pwedeng wag sa mukha?" ang sabi niya sabay piga sa aking kamao at mabilis akong itinapon sa ere

"Sure!" ang sagot ko sabay tutok ng baril sa kanyang kinalalagyan.

BANG!!

Nag labas ito ng asul na liwanag na tumama sa kanyang kinalalagyan dahilan para sumabog ang kanyang sinasakyan.

Lumundag si Troy palayo sa akin para makadistansya.

"Atleast hindi sa mukha diba?" ang pang aasar ko pa.

"Salamat ha, akala ko ay magagalusan ang pinaka mamahal kong mukha." ang wika niya na gwapong gwapo sa kanyang sarili.

"Eh crazy bitch nga pala ang isang ito e." ang bulong ko

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon