SP Part 35: Guhit

2.3K 166 7
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

Feb 8, 2018

Nakita ko kay Rui ang matinding pag tutol noong mga sandaling iyon. Ako naman ay nakaramdam ng kakaibang sakit noong malaman na mayroon pala siyang karelasyon doon at nag bunga pa ito. Ang ibig sabihin ay mag kakaanak si Rui at hindi na maaaring mag tuloy ang aming masayang relasyon. Ngayon ang masayang panaginip ay halos tapos na.

Hindi ko na alam ang aking gagawin..

Part 35: Guhit

Napatingin sa akin si Rui kaya naman sinuklian ko rin siya ng isang matalim ka tingin. Ibayong sakit ang aking naramdaman noong marinig ko ang mga sinabi ng matanda. Para isang sumpa iyon sa aking isipan at ang salitang "nag bunga" ay hudyat na ng pag tatapos ng malinaw na guhit para sa aming dalawa.

Talo kung talo. Nahulog ako sa kanya at sa huli ako pa rin ang luhaan. Bakit kasi nakasanayan ko pa ang parating naka siksik sa kanyang tabi. Paano ko ngayon sasanayin ang aking sarili kapag wala na siya sa aking paningin?

"Bakit natahimik ka Hijo? Inaasahan ng pamilya ni Rossete na kayo ay ikakasal. Pag nangyari iyon ay mas magiging maunlad ang Natchakal. Alalahanin mong malaking isda ang babaeng iyon. Huwag mo akong bibiguin." ang wika ng matanda.

"Bakit hindi natin hayaan si Rui na mamili ng taong mamahalin niya? Hindi ako sang ayon sa nais mo dad." ang tutol ni papa

"Amir, kailangan natin ang mas malakas na pwersa dahil habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang kompetisyon sa merkado. Kung hindi ito gagawin ni Ruffer ay tiyak na pupulutin tayong lahat sa kangkungan. Saka isa pa ay lalaki naman ang iyong anak. Gamitin niya ang titi niya para maging makapangyarihan. Huwag tanga tanga!" ang sermon ng matanda at sa tono niya ay siya ang batas.

"Hayaan nyo akong mag desisyon para sa sarili ko." ang wika ni Rui sabay tayo sa kanyang kinauupuan. "Excuse me." wika pa niya sabay labas sa silid.

Ako naman ay tumayo rin at agad siyang sinundan.

"Bakit di mo sa akin sinabi?" ang paninita ko

"Tol, please huwag ngayon." ang wika niya sabay lakad palayo sa akin.

Hinabol ko siya. "Bakit hindi? Bakit huwag? Natatakot ka dahil buking kana! Ginamit mo lang ako! Bakit hindi mo sa akin sinabi na may kasintahan ka doon sa ibang bansa? At nag bunga pa ang inyong pag sasama!" ang sigaw ko habang hinahabol ito sa parking lot.

"Matagal na kaming wala noon! Hindi ko alam na pati ang bagay na iyon ay pang hihimasukan ni Lolo!"

"Sana hindi ka nalang umuwi dito! Sana ay pinatahimik mo nalang ang buhay ko! Edi sana ay hindi ako nasasaktan ngayon!" ang sigaw ko

"Nai please. Umuwi na tayong dalawa. Halika na. Mag usap tayo sa bahay." ang pang aamo niya pero nag pumiglas ako. Nag tatakbo ako palayo sa kanya at mabilis na sumibat ng lipad sa ere kung saan hindi niya ako mahahabol pa.

Halos hindi ko mapigil ang pag bugso ng aking emosyon habang lumilipad patungo kung saan. Parang may kung anong nakatusok sa aking puso dahil kumikirot ito at ang sakit ay mas higit pa sa pisikal na natatamo ko sa pakikipag laban sa mga dayuhan. Ibang klase ang sakit na ito, nakakapang hina ng buong pag katao sa paraan na hindi ko na kayang lumaban pa.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon