SP Part 14: Sikretong Malupit

3.5K 195 31
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 12, 2017

Dinala kami sa presinto kasama si Mang Edong. Doon na rin ginamot ang sugat sa katawan ni Tex na noon ay hindi pa makapag salita at hinang hina ito. Madalas rin siyang naka titig sa akin, marahil ay hindi maalis sa kanyang isipan ang nakita niyang milagrong pakikipag sagupaan ko sa mga mandaragit.

Ako naman ay napapa ngiti lang kapag naka tingin siya sa akin. Bagamat nangangamba ako na baka ipag kalat niya ito. Kung sa bagay sino ba naman ang maniniwala sa kanya.

Part 14: Sikretong Malupit

Alas 3 ng umaga noong mag datingan ang mga magulang ng aking mga kaklase. Syempre ang huling umentrada ay ang sasakyan ni Rui na humaharurot ng takbo patungo sa presinto.

Syempre ay iyak iyak ang mga babae kong kaklase noong makita ang mga magulang nila. Pilit nilang ikukwento yung tungkol sa mga mandaragit ngunit hindi sila pinaniwalaan ng mga ito. Ang sinabi ng mga pulis ay mga naka inom raw kami at dala lamang iyon ng kalasingan.

"Master Rui, kayo po pala. Pasensiya na po sa gulong dala ng mga bata ito. Pati kayo ay naabala pa tuloy." ang wika ng ama ni Tex habang akay akay ang kanyang anak na tulala bagamat naka tingin ito sa akin.

"Ayos lang iyon. O, napano iyan?" ang tanong ni Rui

"May pag sabog raw na naganap malapit sa pinag ccampingan nila at natrauma ito dahil malapit sa kanya ang pag sabog." ang wika ng kanyang ama at ay nag iiling si Tex maya maya ay nag mostra mostra ito ng senyas.

Senyas na itinuro ako tapos lumipad at sumusuntok suntok pa..

"Ano iyan?" ang tanong ng kanyang ama.

"Ah e ano po. Si Tex po ay naka kita ng malaking ibon doon sa gubat, lumilipad ito. Dinapuan siya sa ulo kaya pinag susuntok niya." ang wika ko

Umiling si Tex at muli akong itinuro.

"Lumilipad ba? Si Master Nai ang lumilipad?" tanong kanyang ama

Tumango si Tex..

"Naku pasensiya na po kayo Master Rui, Master Nai. Mukhang lasing nga talaga ang aking anak." pag hingi niya dispensa

"Wala iyon." ang sagot ni Rui. Pati ang mga magulang ng iba ko pang kaklase ay nang hingi ng paumanhin sa aking kapatid.

Bago kami umalis ay lumapit pa ako kay Ka Edong at nag pasalamat, inabutan ko ito ng maliit na halaga upang makapag simula ulit. Nangako ako sa kanya babalik ako upang bigyan siya ng magandang tirahan doon sa aming siyudad dahil delikado kung babalik pa siya doon sa bundok. Tungkol naman sa kanyang pag hihiganti, siguro ay may tamang panahon para dito. Kung hindi man ay ako na lamang ang mag hihiganti para sa kanya.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon