SP Part 31: Ordinaryong Buhay

2.7K 156 14
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

AiTenshi

Feb 5, 2018

Part 31: Ordinaryong Buhay

"May problema ba? Bakit parang ang tamlay mo nitong mga nakakaraang araw? Namimiss ko na yung bwisit, pasaway at masungit kong baby." ang wika ni Rui noong tinabihan niya ako sa kusina.

"Okay lang ako." simple kong sagot

Naramdaman kong lumingkis ang kanyang braso sa aking tiyan at mahigpit niya akong niyakap mula sa aking likuran. "Pwede mong sabihin sa akin kung ano man iyang iniisip mo. Tandaan mong hindi ka nag iisa dahil parati akong nandito sa iyong tabi. Handa ako unawain ka at intindihin sa lahat ng oras." ang bulong niya habang dinidikit ang labi sa aking tainga.

Ramdam na ramdam ko ang init at bango ng kanyang hininga kaya naman humarap ako sa kanya at walang sabi sabing niyakap ito ng mahigpit.

Natawa siya "nag lalambing ang baby bro ko ah."

Noong mag hapong iyon ay pilit kong ikinubli ang lungkot at pangamba na aking nararamdaman. Hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang pag ka guilty dahil maraming napahamak sa aking kahinaan. Kung tutuusin naman talaga ay wala akong naipanalong laban, kahit saang anggulo tingnan ay lumalabas na nandaya pa rin ako ag hindi lumaban ng patas. Ngunit noong mga sandaling iyon, ang tanging nasa isip ko lang ay matapos na ang kaguluhan kaya't iyon ang kilos na aking ginawa.

"Master Nai, may dumating po kayong imbitasyon." ang wika ni Kohei sabay abot sa aking kamay ng naka sobreng papel.

"Kanino galing?" ang tanong ko naman.

"Hindi ko po alam master." sagot ni Kohei

Agad kong binuksan ang sobre at binasa ang laman nito ng biglang hablutin ni Rui ang papel. "Galing kay Gun ito ah. Ang gago inilipat sa ibang lokasyon ang kanyang museum. Siguro ay nasira ito doon sa sentro ng siyudad dahil sa kaguluhan."

"Kung ganoon opening ulit iyan?" ang tanong ko naman

"Oo, mamayang gabi." sagot niya

"Sige! Ayos pupunta ako! Marami akong gustong malaman tungkol sa kalawakan!" ang excited kong salita kaya naman bigla niyang hinablot ang aking buhok dahilan upang ako ay matumba. "Tayong dalawa ang pupunta. Eto ang pangalan ko oh, imbitasyon ito para sa ating dalawa. Saka bakit parang excited na excited kang makita ang gagong iyon?" tanong niya na parang nag seselos.

"Uy nag seselos! Selos alert! Selos alert!" ang pang aasar ko kaya naman hinila niya ako at kinatukan. "May karapatan akong mag selos dahil akin kana! Ibinigay mo na ang sarili mo sa akin kaya hindi kana pwedeng lumandi. Maliwanag ba? Ha? Ha?" ang wika niya na parang gigil na gigil

"Opo." ang sagot sabay gawad ng isang halik sa kanyang labi.

Nangiti si Rui at niyakap ako ng mahigpit. "I love you baby bro." ang bulong niya at sinuklian niya ang aking halik.

Alas 7 ng gabi, gumayak kami ni Rui. At dahil nga opening iyon ay tiyak na naroon ang mga business partner nila kaya't kapwa kami naka suot ng corporate attire. Lalong siyang gumwapo sa kanyang suot na body fit na tuxedo at tie. Kitang kita ang hubog ng kanyang katawan habang naka harap sa salamin. Ako naman ay naka suot din ng ternong pants at suit na inayos naman ni Kohei.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon