S2 NOTE

2.5K 177 14
                                    

Mag kwentuhan muna tayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mag kwentuhan muna tayo..

Maraming salamat sa mga bumasa sa season 1, katuwaan lang talaga ang pag likha ko kay Super Panget, gusto ko lang baguhin ang mukha ng mga super hero kasi karamihan talaga ay gwapo at maganda. Syempre yung mga trademark natin pag dating sa BXB ay hindi pa rin mawawala. 2017 noong una kong maisip ang konsepto ni Super Panget dapat ilalabas ko ito kaysa kay Ace, kaso ay tinamad akong gawin dahil baka sumablay lalo't ayaw ng mga tao sa panget na bida.

Ang layunin ko lang dito ay mag bigay ng saya, lalo na sa mga natatrabaho na stress, mga mag aaral na sumasakit ang ulo sa dami ng quiz at exam. Goodvibes lang, sa panahon ngayon hindi natin masyadong kailangan ng kwentong masakit sa puso. Ang gusto ko ay naka ngiti kayo pag nag simula na kayong basahin ang gawa ko. Kapag lumipad ang karakter ay lilipad rin kayo, kapag nasaktan sila ay nasasaktan rin kayo, at kapag masaya sila ay kasama nila kayong tumatawa.

Para sa akin, ang pinaka madaling isulat ay romcom kaya kong tumapos ng maraming chapters sa loob isang linggo, iyon nga lang pag romcom kasi ay nagiging palasak na sa ibang mambabasa lalo na kapag common ang concept. Sa dinami rami ba naman ng kwento dito sa wattpad, milyon ang options mo at milyon rin maaari mong basahin, tiyak na may kamukha kana pag dating sa konsepto. Lalo yung ibang mga mambabasa mahilig mag compare sa mga napapanood nila sa tv o nababasa sa isang books.

Fantasy ang aking forte, nandito na kasi ang lahat, drama, comedy, horror, matinding aksyon at kakaibang konsepto. Pero ito ang pinaka masakit sa ulo, mayroong nakapag sabi sa akin na ang "husay ng isang manunulat ay nakikita sa pag gawa ng fantasy" katulad raw ng mga writer ng Harry Potter, Twilight Saga etc. Masaya naman gumawa, kaso ay maraming anime at maraming fantasy na programa sa telebisyon, marami ring fantasy writer kaya hindi rin pwedeng maging orihinal ang konsepto.

Wala akong hinihingi na kahit ano sa inyo, huwag ninyo ako ifollow, huwag kayo mag paramdam, ako yung tipo ng writer na hindi nag papasikat. Kahit wala akong followers o wala akong matanggap na vote o comments ay ayos lang. Maging silent reader na kayo lahat basta masaya kayo sa pag babasa ng gawa ko ay masaya na rin ako. Ganyan ko kayo kamahal..

AiTenshi

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon