SP Part 12: Magnanakaw

3.5K 186 20
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 10, 2018

Part 12: Magnanakaw

"Field trip? Sasama ako." ang wika ni Rui noong malaman ang upcoming event namin sa campus.

"Hindi pwede, event iyon ng campus. Hindi ka naman estudyante doon e."

"Kahit na, baka nakakalimutan mong malaki ang share ko sa campus na iyan. Hindi kita pwedeng pasamahin kung hindi ako kasama."

"Master Rui hindi po kayo maaaring lumiban sa kompanya dahil sa susunod na linggo na ang dating ng iyong ama. Maraming trabaho at gawain doon na kailangan tapusin." ang wika ni Kohei.

Tumingin sa akin si Rui kaya naman mas lalo ko pa siyang inasar. Dinilaan ko ito at ininis ng sobra. "Mag outing nalang kayo ng mga classmate mo sa ibang araw."

"Puro pag aaral ang inaatupag ng mga iyon dahil school iyon para sa mga propesyonal. Huwag kang mag saya dahil gagawa pa rin ako ng paraan para makasama sa iyo."

"Eh hindi ka nga raw pwede sumama diba Kohei?"

"Opo. Hindi maaaring lumiban ang master Rui sa kompanya ngayong linggo." ang sagot ni Kohei dahilan para mapangiwi si Rui.

"Okay ganito nalang, pwede kang sumama sa field trip na iyan pero hindi ka pwedeng matulog doon."

"Hala hindi pwede kuya. Mag cacamping kami doon, mag tatayo ng tent at mag gagawa ng camp fire. Iyon ang pinaka high light ng aming mga moments."

"Hindi pwede! Malamok doon at maraming insekto. Sobrang alaga ko saiyo tapos ay mag papa kagat ka lang sa mga insekto doon, kung saan man iyon!"

"Master Rui, nasa kabilang linya po ang inyong ama." singit ni Kohei kaya naman padabog na bumalikwas ng bangon si Rui mula sa hinihigaang sofa.

Natawa nalang kami ni Kohei. "Talagang mahigpit ang kuya mo master Nai, simula noong may mangyari masama sa iyo mas lalo itong naging bantay sarado." wika ni Kohei

"Kaya nga mas lalo akong nasasakal. Hindi ako mag eenjoy doon sa camping kung kasama ko iyang si kupal. Basta tambakan mo siya ng trabaho, paper works, meetings at kung ano ano pa para hindi siya makasama. Ililigaw ko rin siya ng location para kahit sumunod siya ay hindi niya ako mahahanap. Para siyang isang kuting na nawawala." ang naka ngisi kong sagot.

"Tuso ka talaga master Nai."

Kinabukasan, maagang umalis si Rui patungo sa kompanya. Ako naman ay nag handa na rin para sa pag alis namin. Ang camping ay gaganapin sa kabilang probinsya, sa bundok ng berdeng tralala.

Iyon ang pinaka malaki at pinaka berdeng bundok sa buong pronbisya, hitik ang mga puno at siguradong mapapalapit ka sa kalikasan.

Halos apat na oras ang byahe patungo dito sakay ang aming service. At apat na oras na lakaran naman paakyat sa bundok. Ito ang pinaka exciting sa lahat, at ito rin ang parating lokasyon ng mga pelikulang aksyon kung saan nakikipag laban ang bidang lalaki o babae habang nag tatago o nag kukubli sa mga malalaking puno.

"Oy mga bata, mukhang galing kayo sa malaking siyudad ah. Kung mag c-camping kayo ay diyan lamang kayo sa bungad. Huwag kayong lalagpas doon sa ilog dahil delikado." ang wika ng mama na pababa sa bundok.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon