SP Part 38: Nag lahong Bayani

2.4K 161 8
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

Feb 10, 2018

Part 38: Nag lahong Bayani

Reporter: Tunay ngang nag simula na ang katapusan. Ang ating siyudad ngayon ay nag sisimula nang magunaw at ganoon rin ang iba pang parte ng ating bansa. Ang mga sunod sunod na pag sabog ay hudyat nga ba ang pag wawakas ng ating buhay.

Nasaan na ba ang ating mga bayaning taga pag tanggol? Nasaan na si Super Panget? Hindi kaya't nag sawa na siya sa paulit ulit na pag liligtas sa ating siyudad at wala tayong ginawa kundi ang asarin siya at pintasan dahil sa kanyang pisikal na anyo.

Sino ang ating masasandalan sa oras ng kalamidad? Sapat ba ang kakayahan ng ating militar para ipag tanggol ang ating mga mamamayan? Nasaan na ang nag lahong bayani? Buhay pa nga ba siya o tuluyan nang nabura sa ating kasaysayan.

Ako po si Liza Mae Lawit! Nag uulat!

*Turn off TV

"Ang laki ng suso ni Liza Mae pare." ang wika ng mga kasamahan ko sa site

"Kaso baka may Lawit iyan! Patay tayo diyan!" ang sagot ng isa

"Ayos lang pare. May pwet naman dun nalang natin tirahin!" ang sagot ng isa

Tawanan..

Ako naman ay naka upo lang sa sulok habang ininom ng maligamgam na kape. Halos lumipas na rin ang init nito dahil tira lang ito ni Kulas. Kaysa naman walang laman ang aking tiyan.

"Hoy kayo diyan, tapusin niyo na ang pag hahalo ng mga semento doon!" ang utos ng taga bantay.

Agad kaming tumayo ni Kulas at kumuha ng pala. "Inaapura na nila ang pag gawa dahil bibisita yung may ari ng gusali mamaya." ang wika ni Kulas

"Oo at mag bibigay panigurado ng bonus sa mga mang gagawa kaya tiyak na tiba tiba naman tayo sa alak mamaya." sagot ng isa.

"Ikaw Ian, hindi kaba mag papadala sa pamilya mo sa probinsya?" tanong ni Kulas

"Wala naman akong pamilya. Mag isa nalang ako sa buhay." ang tugon ko

"Kung wala kang pamilya, gumawa ka nalang ng sarili mong pamilya. Mag asawa kana Ian, gwapo ka naman at mukhang hindi ka construction worker katulad namin" ang biro ng isa tapos ay tawanan nanaman sila.

"Ikaw kasi ang pinaka bata dito kaya ikaw lagi ang napapag tripan." ang bulong ni Kulas

Parang naging pamilya ko na ang kasama ko dito sa trabaho. Dumami ang aking mga tatay at kapatid. Halos lahat sila ay itinuturing akong anak, kapag wala akong makain ay iniimbita nila ako sa kanilang bahay ay doon ako pinapasalo. Kapag nag kakasakit ako ay binibigyan nila ako ng gamot at hindi na pinag gagawa pa ng mabibigat na gawain katulad ng pag bubuhat ng sako ng semento at mga bakal.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon