SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

5K 243 56
                                    

Sariling Avengers ni Ai Tenshi!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sariling Avengers ni Ai Tenshi!

******

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Author's note:

Ginawa ko ang kwentong ito hindi para mag bigay ng tuwa sa mga panget at hindi kaaya aya ang anyo. Ang layunin ko ay iparating sa lahat na tayo espesyal, maging sino o ano pa ang ating mga anyo. Sa huli ay hindi naman mahalaga ang pisikal na aspeto ng tao. Ang pinaka mahalaga pa rin ay ang iyong pusong mapag mahal, maunawain at mapag bigay..

Mula kay Nai at Rui.. Maraming salamat sa inyong lahat..

Hanggang sa muli!!

Thank You AiTenshi for sharing your stories!

*************

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 27, 2018

Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan

Reporter: Nag tapos na nga ang isang masamang bangungot sa buhay ng lahat. Nag iwan ito ng pinaka malaking pinsala sa kasaysayan at hanggang ngayon ay hindi pa alam kung paano mababawi ang mga ito. Ang dating pinaka maganda at pinaka maunlad na siyudad ng South City ay nag laho na sa mapa kaya't napilitan ang mga taong naninirahan dito na lumipat na lamang ng lugar upang makapag simula muli.

Gayon pa man, nag papasalamat ang mga tao sa kabayanihan ni Super Panget na siyang nag salba sa ating buhay. Tunay ngang darating ang mga bayani sa oras ng kagipitan. Panget man sa inyong paningin, may mabuting puso pa rin! Waley! Mema lang! Ako po si Liza Mae Lawit ang inyong super dedicated at hard working news caster! Nag uulat!

At nais kong mag pasalamat sa ating mahal ng pangulo sa pag bibigay ang award sa akin. Pinaka masipag na reporter sa buong kalawakan. Kahit sa oras ng kalamidad o kahit end of the world pa ay mag uulat ako ng buong puso!! Ching!

Cut!

"Oi ikaw itulak mo itong wheel chair ko! Aruyy ang sakit sakit ng legs ko! Putang ina talaga!" ang reklamo nito

"Mam Liza naka air pa po tayo." ang wika ng cameraman

"Ay! Bakit di mo pinatay? Shungaers ka naman eh!" reklamo ni Liza

*Turn off TV

Katulad ng pag sikat ng araw sa kalangitan, dumating ang bagong umaga sa buhay ng lahat. Ang bangungot ay nag tapos at ang panganib ay nag wakas. Sa ngayon ay bumalik sa normal ang buhay ng mga tao, iyon nga lang ay wala kaming pamimilian kundi ang lisanin ang siyudad at lumipat ng ibang matitirhan dahil imposible na itong makapabangon pa o siguro ay aabutin ng maraming taon upang maging maayos ulit.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon