SP Part 8: Tatlong Bituin

3.8K 198 20
                                    


Full Credits: Chanon Santinatornkul as Gun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Full Credits: Chanon Santinatornkul as Gun

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 5, 2018

Part 8: Tatlong Bituin

"Break fast in bed baby bro." ang bungad ni Rui kinaumagahan.

Hindi ako bumangon o umimik bagamat malinaw ko siyang naririnig.

"Ako ang nag handa nito, special fried rice, sunny side up, at hotdog. Mahirap ihanda iyan. Bangon na." ang wika nito habang pilit akong kinakalabit.

At para hindi lang masira ang moment ng magandang umaga ay agad akong bumangon at napatingin sa kanya na nag tataka. "Bakit? Baka naman ay lason iyan o pampapurga?" tanong ko naman.

"Wala ah, hindi ko naman gagawin sa iyo iyon dahil love na love kita." ang wika nito.

"Bakit parang nag bago yata ang ihip ng hangin? Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na." ang wika ko naman.

"Wala ah, gusto lang talaga kitang ipag luto ng breakfast. Tikman mo na." ang naka ngising wika niya.

"Ayoko baka may kung ano dyan e."

"Wala, mabait na ako. Sige kakain ako para malaman mong walang halo iyang pag kain mo." ang wika nito sabay subo ng pag kain.

Pinanood ko lang siya at maya maya ay biglang nanlaki ang mata nito at napahawak sa kanyang leeg na parang nalalason..

"Ayan na nga sinasabi ko, balak mo pa akong lasunin!"

Bigla siyang natawa "Joke lang. Sarap nga e. Kain kana." hirit niya sabay lapit sa akin ng tray.

Maayos naman ang pag kakaluto niya, may design pa nga at halatang pinag hirapan ng husto kaya naman nag simula na akong kainin ito.

"Masarap." ang sambit ko sa unang subo dahilan para mangiti siya at maya maya ay tumabi sa akin saka umakbay.

May kinuha siyang kahon sa kanyang drawer at inabot ito sa akin "Surprise!"

"Ano naman iyan?" tanong ko

"Buksan mo." ang wika niya habang naka ngiti.

Binuksan ko ang regalo, ito ay nag lalaman ng kahon ng isang mamahalin brand ng cellphone. "Ayan ha, pinalitan ko na yung sinira kong cellphone mo, mas mahal iyan, mas maganda kaysa dati."

Binuksan ko ng cellphone at dito ay natawa ako sa wallpaper na larawan naming dalawa, siya ay naka ngiti habang ako naman ay natutulog at may tulo laway pa. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon