SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal

2.3K 159 12
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 26, 2018

"Hindi Nai, tatapusin natin itong dalawa. Kahit 1 porciento nalang ang natitirang pag asa ay mayroon pa rin kahit katiting. Minsan ang tunay na milagro ay nagaganap kapag wala nang pag asa ang lahat." ang wika niya at nasa ganoong posisyon ako noong maramdaman kong hinuhugot ni Rui ang sibat na nakatarak sa aking dalawang kamay.

"Nai! Gumising kaaaa!" ang sigaw nito

Ang walang katapusan dilim ay nag simula na. At ngayon ang mundo ay unti unti nang nasisira.

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na rin akong lakas upang makagalaw ng maayos. Sa dami ng pinsalang aking itanamo ay imposible nang makapag ligtas ako ng buhay ng iba.

Patuloy pa rin ang pag kasira ng paligid. At kawalan ng pag asa ang lumukob sa aking buong pag katao..

Part 53: Kislap ng Pag mamahal

Patuloy ang pag kawasak ng buong paligid sa pamamagitan ng enerhiyang sinasabog ni Tex sa buong alapaap. Ang enehiryang iyon ay nag mumula sa negatibong emosyon ng mga tao na siyang nag bibigay ng ibayong lakas sa kanya.

Samantalang ako naman ay nanatiling naka dapa, duguan habang inaalis ni Kuya Rui ang naka tusok na sibat sa aking kamay. Matindi ang pag kakabaon nito kaya't mahirap sa isang ordinaryong ang hugutin gamit ang kanyang kamay ngunit pilit pa rin itong ginagawa ni kuya.

Makalipas ang ilang minuto ay naalis niya ng tuluyan ang naturang mga sibat at agad niya akong ibinabangon. "Nai! Sumagot ka!" ang wika nito na hindi maitago ang matinding pag aalala.

Patuloy pa rin sa pag bukas ang lupa kaya't napaka delikado na kung mananatili pa rin siya dito sa aking tabi. "Kuya, naubos na ang lakas ko. Umalis kana. Iligtas mo ang sarili mo." ang wika ko habang patuloy sa pag durugo ang bibig.

"Hindi ako aalis." ang wika niya sabay hubad sa kanyang suot na damit at marahang pinunasan ang aking mukha na puro dugo.

Habang ginagawa niya ito ay unti unting gumuhit ang luha sa kanyang mga mata. At sa bawat pag haplos niya sa aking sugat ay ramdam kong ibayong sakit ang kanyang nararamdaman. "Kuya, iligtas mo ang sarili mo, umalis na kayo sa lugar na ito dahil unti unti nang nawawasak ang mundo." ang wika ko naman at hindi ko na napigilan ang mapaiyak.

"Hindi ako aalis. Mawawasak ang mundong ito pero may matitira pa rin sa akin. Ikaw ang mundo ko Nai, ayokong umalis sa iyong tabi. Kung mamatay ka ay mamatay na rin ako. Gusto ko ay mag kasama tayo kahit sa huling pag kakataon. Please. Payagan mo kong samahan kita dito." ang sagot niya.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon