SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui

2.4K 154 6
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

Feb 7, 2018

Report: Ngayon po ay nasasaksihan natin ang ginawang pag paparusa ni Super Panget sa mga kidnappers na dumukot kay Rui Natchakal. Kitang kita natin ngayon ang mga ito na naka hubad at naka bitin sa itutok ng kompanya ng Natchakal Group! Ako po si Liza Mae Lawit! Reporting!

"Ang jutay naman ng mga patotoy nila!" ang dagdag pa ni Liza

"Mam Liza naka air pa po tayo ng Live! Narinig po ng lahat yung sinabi ninyo" ang wika ng cameraman

Napasigaw nalang si Liza..

Iyon ang huli kong narinig bago muling bumalik sa lumang gusali para iligtas si Rui. Pag pasok ko doon ay nag kamalay na ito. Agad kong kinalagayan ang kanyang katawan at saka ito inilipad sa himpapawid.

Part 33: Ang Koleksyon ni Rui

"Waaa, anong nangyari?" ang tanong ni Rui noong magising ito.

"Eh diba dinakip ka nga ng masasamang loob. Iniligtas kita." ang sagot ko

"Teka, nasaan yung kapatid ko? Nag kita ba kayo?" tanong niya habang nakapansan sa akin.

Lumilipad kami sa itaas ng siyudad.

"Sino? Yung kapatid mong cute, super gwapo, mukhang super model at pinapantasya ng lahat? Eh hindi ko siya nakita." ang pag dedeny ko

"Yung kapatid kong bansot, maitim ang siko at tuhod, maliit ang titi at mukhang unggoy." ang pang aasar niya

"Gusto mo ihulog kita dito?"

"Biro lang.. Yung kapatid ko na iyon ay ang pinaka mahalagang bagay sa buhay ko. Kahit mawalan ako ng kayamanan basta kasama ko siya ay masaya pa rin ako." ang seryoso niyang wika

"Talaga?" ang naka ngisi kong tanong na nakaramdam ng kakaibang kilig.

"Oo naman. Ganoon ko siya kamahal." ang sagot niya

Natuwa ako sa aking narinig kaya naman humarap ako sa kanya at ngumiti. "Kumapit ka ng mahigpit!" ang wika ko sabay lipad pa itaas

Napasigaw siya at napayakap ng mahigpit sa akin habang umaakyat kami paitaas. Dinala ko si Rui sa pinaka mataas na parte ng kalangitan kung saan makikita niya ang kabuuan ng siyudad. "Ang ganda.. Ang sarap sa pakiramdam." ang wika ni Rui

"Ito ang pinaka magandang parte ng kalangitan, kung saan makikita mo ang sentro ng siyudad. Dati ay mas maganda ito kaso nag simulang masira sa dami ng dayuhang dumarating." tugon ko

"Masakit ba?" tanong niya

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Masakit ba kapag nakikipag laban ka para sa mga taong hindi mo naman kaano ano?" tanong niya.

"Hindi, bale wala ang sakit kapag naiisip kong marami akong taong dapat protektahan. Kahit mamatay ako ay ayos lang basta makita ko lang silang maayos at buhay. Masakit kapag nasusugatan ako ngunit iyon ay pisikal lamang, mas masakit ang puso ko kapag nakikita kong nasusugatan kayo, nasasaktan o natatakot." ang seryoso kong wika habang naka tanaw sa pinaka ibaba ng siyudad.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon