SP Part 9: Sa Bisig ni Rui

3.6K 195 21
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 6, 2018

Part 9: Sa Bisig ni Rui

"Pati sa science museum ay nag landi ka pa. Wala kang pinipiling lugar. Kaya pala di mo sinasagot ang mga tawag ko dahil kasama mo ang gagong iyon." ang sermon ni Rui noong makapasok kami sa silid.

"Hindi ako lumandi doon, nag invite lang siyang mag dinner kaya ginabi kami. Saka bakit ba nag kaka ganyan ka?" ang pang uusisa ko.

"Dahil naiinis ako kapag may ibang lalaking lalapit sayo. Akin ka lang! Naintindihan mo ba yon?" ang gigil niya sagot habang naka hawak sa ulo ko na parang mananabunot.

Maya maya ay bumitiw ito at lumabas ng silid. Binagsak pa niya ng malakas ang pintuan na parang hindi maitago ang labis na pag kainis. Ako naman ay nanatiling clueless sa kanyang mga galaw na weird at kakaiba.

"Bakit ba may sanib nanaman iyang si Rui?" ang tanong ko kay Kohei noong makalabas ako ng kusina.

"Ang totoo po nun ay nagalit rin sa akin si Master Rui noong nalaman niyang may kasama kang ibang lalaki. Sadyang seloso lamang talaga ang kuya mo kahit ganoon ang kanyang reaksyon. Kahit noong bata ka pa, nagagalit siya kapag nilalapitan ka ng ibang tao, ang gusto noon ni master Rui siya lang ang bukod tanging lalapit sa iyo. Wala nang iba." ang naka ngiting wika ni Kohei.

"Eh bakit ngayon parang pinag ttripan niya ako?" tanong ko naman.

"Siguro po ay natutuwa lang sa iyo si Master Rui hindi niya kasi akalain na lalaki kang gwapo rin katulad niya."

Natawa ako at napatingin sa sala kung saan naroon si Rui na abala sa pag lipat ng telebisyon. Nakaupo ito ngunit parang malalim ang iniisip bagamat naka tingin siya sa monitor ng tv ay mababatid mong wala pa rin siya sa katinuan.

Maya maya ay nag bitiw siya ng isang malalim na buntong hininga. At kasabay nito ang pag ring telepono sa sala.

Nilapitan ito ni Kohei para sagutin..

"Hello. Natchakal." ang bungad niya at saka humarap sa akin.

"Master Nai, phone call po. Si Mr. Gun Sentinel ng Biju Corp." ang wika nito kaya naman agad akong tumayo upang kuhanin ang phone call ng biglang humarap si Rui sa akin at siya mismo ang sumagot nito. "Hello Pare, wala si Nai ngayon. Tulog pa.. Suminghot kasi siya ng katol kagabi." ang bungad niya.

"Ah sige pare. Mukhang malaki tama mo sa kapatid ko ah." ang wika pa nito

"Hindi pwede pare na virgin ko na ito. Ako naka una dito e." ang wika pa ni Rui habang naka ngisi kaya agad kong kinuha ang telepono sa kanya.

Ibinigay niya ito ngunit wala ang call. "Bakit sinabi mo iyon?" paninita ko naman

"Alin yun na virgin kita?" ang tanong niya

"Oo!" ang galit kong sagot

"Joke lang iyon. Pero totoong sinabi kong suminghot ka ng katol. Teka, bakit gusto mo bang siya ang maka una sayo? Gago ka ba? Ang tagal kitang iningatan tapos sa kanya ka lang bibigay? Subukan mo dahil papatayin kita." ang wika nito sabay kutos sa akin at saka mabilis na umakyat sa hagdan pabalik ng aming silid.

"Master Nai okay lang po ba kayo?" ang tanong ni Kohei

"Sabog ba si Kuya?!" ang tanong ko

"Nag seselos po siya master."

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon