SP Part 49: Ikalawang Bahagdan

2.2K 153 16
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 21, 2018

Ngunit bigo siya dahil gumulong ako, mabilis kong hinawakan ang aking espada at hinataw ito sa kanyang harapan.

Tumilamsik ang kanyang dugo sa aking mukha..

Napa hinto siya at dito ay hinawakan niya ang kanyang mukha na nakaroon ng malaking hiwa..

Halos nabigla siya sa pang yayari..

Ako naman ay agad tumayo at dumistansya sa kanya. Naalala ko tuloy ang madalas kong ginagawa kay Rui kapag nag papanggap akong tulog. Hindi ko akalaing magagamit ko ito sa labang ito.

"Nai, umatras ka. Nasugatan ng husto ang kanyang mukha. Hindi natin magugustuhan ang susunod ang mangyayari." ang wika ni Sin at dito ay nakita kong nanginginig ang katawan ni Troy. Ang kanyang mata ay naka mulagat na animo masisiraan ng bait.

Part 49: Ikalawang Bahagdan

Nanlaki ang mata ni Troy, kitang kita ko ang mga galit na ugat nito habang naka dakot ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha na may sugat. Ang kanyang katawan nanginginig na animo gigil at natatakot na hindi ko maipaliwanag.

Wala ring akong ibang naririnig sa kanya kundi ang halinghing at impit na unggol na animo nababaliw. "Sinugatan mo ako.. Sinugatan mo ang aking pinaka mamahal na mukha. Mag babayad ka sa akin ng malaki." ang wika nito na may nanginginig ring boses.

"Hala, gasgas lang yan ah. Hindi kaya nagiging OA ka?" ang tanong ko naman.

"Nai, dumistansiya ka sa kanya. Sabi ko naman sa iyo diba? Crazy bitch iyang si Super Pogi." ang wika ni Sin

At habang nasa ganoong posisyon kami ay nag simulang lumabas ang kulay pulang liwanag sa katawan ni Troy. Para itong si Naruto na mag ttransform bilang kyubi. Ganoon ka OA ang naging reaksyon niya sa pag kaka galos sa kanyang mukha.

"Bakit mo sinugatan ang aking mukha? Papatayin kita!!" ang galit na sigaw niya at maya maya ay bigla itong nawala sa kanyang kinalalagyan.

"Nai, baliw iyang si Pogi, nawawala siya sa control kapag napipinsala ang kanyang mukha! Umiwas ka!" ang sigaw ni Sin ngunit huli na ang lahat dahil nagulat nalang ako noong dakutin niya ang aking mukha at isinubsob ako pabangag sa lupa saka mabilis na hinilahod.

Pag katapos noon ay nag paulan ito ng suntok, lahat ay sa aking mukha tumama, walang patid at talagang desidido na siyang wasakin ako sa kanyang sunod sunod na pag atake.

Tama nga si Sin dahil nawala na ito sa katinuan. Nag aapoy ang kanyang katawan at bawat mahawakan niya ay nagigiba na parang isang kastilyo na gawa sa buhangin. "Papatayin kita! Papatayin kitaaaa!" ang sigaw nito at dito ay isang nag aapoy na suntok ang tumama sa aking mukha dahilan para akong bumulusok pabagsak sa lupa at dito ay mapakat ang aking katawan.

Pinilit kong bumangon ng mabilis ngunit ang aking paningin ay tila lumalabo at ang aking pag hinga ay para bang mapapatid na. Hindi ko akalain na mag wawala siya ng sagad para lang sa isang kapirasong galos sa kanyang pinaka mamahal na mukha. "Baliw talaga ang isang ito!" sigaw ko sa aking sarili habang tumutukod patayo.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon