SP Part 5: Amanos

3.7K 196 25
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 2, 2018

Naramdaman kong humiga rin siya sa aking tabi at pinatay ang ilaw sa silid.

Tahimik..

Maya maya ay naramdaman kong inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking tiyan at idinikit ang mukha sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga na dumadampi sa aking mukha na nag bibigay sa akin ng ibayong kiliti.

Humigpit lalo ang kanyang yakap sa akin at saka nag wika "AKIN KA LANG."

Part 5: Amanos

"Dapat ay hindi kayo nag bibisyo, ang babata nyo pa para mag pakalasing sa bar. Alam ba ng mga nanay ninyo ang gingawa ninyo? Gusto nyo ba ay isumbong ko kayo?" ang wika ni Rui noong ipatawag niya ang aking mga kaibigan para kilatisin. Talagang sineryoso niya ang kanyang mga sinasabi kaya isa isang pinasundo ang aking mga kabarkada upang dalhin dito sa isang pribadong kainan.

Syempre ay hiyang hiya ako sa kanyang pakiki alam pero ang mga kaibigan ko naman ay kilig na kilig lalo na yung mga babae. "Papicture naman kuya Rui. Ang gwapo gwapo mo pala. Nakaka inis ka naman Nai, ang sabi mo sa amin ay panget at bansot ang kuya mo sa personal." ang wika ng mga ito.

"Oo nga, ang sabi mo pa ay photoshop lang lahat ng pictures niya sa magasin pero hindi naman pala. Ang gwapo gwapo oh. Winner na winner!" ang sabad pa ni Mema

Ako naman ay napakunot noo habang naka tingin sa kanila ng masama. "Mga balimbing, parang kung sino magaganda e mga panget rin naman kayo." ang sagot ko.

"Huwag na ninyong pansinin ang mga sinabi ni Nai, kumain na kayo. Ubusin ninyong lahat ang inorder ko." ang naka ngiting wika ni Rui. Syempre pa star nanaman siya pati sa mga kaibigan ko.

"Buti pa itong si kuya ang gwapo na nga sobrang galante pa." ang wika mga ito habang sabay sabay na sumusunggab sa pag kain.

"Nai, bakit hindi ka kumain?" ang tanong ni Rui

"Busog ako." ang simple kong sagot.

Nangiti si Rui at maya maya ay tumayo na ito. "Enjoy lang, kung may order pa kayo ay sabihin nyo lang doon sa waiter at ako na ang bahala. May lakad pa ako ngayon, salamat sa oras ninyo. Im hoping na iwasan ninyo ang bisyo at mag focus sa pag aaral."

"Opo, ang gwapo gwapo niya talaga. Sobrang bait pa."

"At naniwala naman kayo?" naaasar kong tanong

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon