SP Part 41: Ang Luha ni Rui

2.6K 163 28
                                    


PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 11, 2018

Part 41: Ang Luha ni Rui

"Kumuha kayo ng pinaka mahuhusay ba doktor. Gamutin ninyo ang kapatid ko!" ang wika ni Rui. Kausap niya mga mang gagamot sa ospital kung saan ako dinala.

Natagpuan ko ang aking sarili sa maayos na silid, malamig at maaliwalas ang paligid. "buti gising kana, huwag kang mag alala dahil gagawin ko ang lahat upang gumaling ka." ang wika ni Rui

"Gusto ko na umuwi. May trabaho pa ako." ang tugon ko.

"Tol, hindi kana mababalik sa trabaho dahil inalis kana namin doon. Kailangan natin manatili dito upang gumaling ka." wika ni Gun

Tumingin ako sa kanya ng masama "traydor ka! Ang akala ko ay kaibigan kita?!" ang sigaw ko

"Tol, gusto kong malaman mo na hindi lang ako ang nag iisang traydor. Lahat ng kaibigan mo sa construction ay traydor din dahil sila mismo ang kumontak sa kuya mo upang ituro ka. Akala mo ba ay naniniwala ang mga kasamahan mo na Ian ang pangalan mo? Kilala ka nila at kilala nila ang mga Natchakal. Nais kong sabihin na hindi kami traydor, mahal ka namin kaya't nais ka naming malagay sa mabuting sitwasyon. Kung hahayaan ka namin na mamatay dahil sa hirap, iyon ang hindi namin maaatim." ang wika ni Gun

Naramdaman kong hinawakan ni Rui ang aking kamay at maigi niyang hinaplos ang mga paltos sa sugat dito.

Bumitiw ako at inialis ang aking kamay sa kanyang pag kakahawak. "Umalis kana at iwan mo na ako. Tahimik na tayo diba? Ilang buwan ang lumipas ni hindi mo man lang ako sinubukang hanapin ng personal."

"Hindi ako naka uwi agad dito dahil marami akong problemang inayos doon sa ibang bansa. Wala kang ideya kung gaano ako nanabaliw na puntahan ka at hanapin." ang sagot niya.

"Sinong maniniwala sa sinasabi mo? Sinong maniniwala sa inyo? Ilang taon ninyo akong niloko. Pinaniwala nyo ako na ikaw ang ampon at ako ang tunay na anak. Ang lahat pala ay kabaligtaran!"

"Ginawa ko lang iyon dahil ayokong dumating ang araw na lumayo ka sa akin at hanapin mo ang pinag mulan mo. Ayokong nakikitang tutuksuhin ka ng mga kalaro mo kaya't iyon ang parati kong sinasabi. Na hindi ikaw ang ampon kundi ako. Mga bata pa tayo noon at wala pa sa hustong isip para maunawaan ang lahat."

"Sinungaling ka pa rin at hindi mababago iyon! Sinungaling at mang gagamit. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko!" ang sagot ko pa.

"Mahal kita kaya ko ginawa ang mga bagay na iyon. Hindi kita ginamit at hindi ko magagawa iyon sa iyo. Paki usap buksan mo naman ang puso mo, huwag kana mag matigas." ang wika ni Rui

"Kung ayaw mong lumayo sa akin ay ako mismo ang lalayo sa iyo. Hindi ko na papayagan ang aking sarili na maloko mo ulit!" ang wika ko sabay hugot sa mga swero sa aking kamay. Agad akong bumaba sa higaan dahilan para pigilan nanaman nila ako

"Nai! Ano ka ba? Nandito kami para tulungan at iligtas ka. Ibaba mo na ang pride mo. Huwag kana magalit sa kuya mo dahil wala naman siyang kasalanan, kapwa kayo biktima ng pag kakataon. Bakit kailangan mong kamuhian ang taong nag alaga at sumuporta sa iyo? Bakit kailangan mong talikuran ang pamilya mo? Hindi naman sila nag kulang sa iyo. Pinalaki ka nila ng tama, binigyan ng maayos na tirahan at ibinigay lahat ng luho mo. Ang taong itinataboy mo ay walang ibang intensyon kundi ang mahalin ka at iligtas ka sa madalim na daang tinatahak mo." ang sermon ni Gun at hinila niya ako pabalik sa higaan dahilan para mag wala ako.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon