Super Panget (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... More

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 2: Rui
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 4: Katapat
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 17: Maskara
SP Part 18: Kalangitan
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 20: Masamang Kagandahan 2
SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)
S2 NOTE
SP Part 22: Bagong Pag Subok
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 24: White Beki
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 35: Guhit

2.3K 166 7
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

Feb 8, 2018

Nakita ko kay Rui ang matinding pag tutol noong mga sandaling iyon. Ako naman ay nakaramdam ng kakaibang sakit noong malaman na mayroon pala siyang karelasyon doon at nag bunga pa ito. Ang ibig sabihin ay mag kakaanak si Rui at hindi na maaaring mag tuloy ang aming masayang relasyon. Ngayon ang masayang panaginip ay halos tapos na.

Hindi ko na alam ang aking gagawin..

Part 35: Guhit

Napatingin sa akin si Rui kaya naman sinuklian ko rin siya ng isang matalim ka tingin. Ibayong sakit ang aking naramdaman noong marinig ko ang mga sinabi ng matanda. Para isang sumpa iyon sa aking isipan at ang salitang "nag bunga" ay hudyat na ng pag tatapos ng malinaw na guhit para sa aming dalawa.

Talo kung talo. Nahulog ako sa kanya at sa huli ako pa rin ang luhaan. Bakit kasi nakasanayan ko pa ang parating naka siksik sa kanyang tabi. Paano ko ngayon sasanayin ang aking sarili kapag wala na siya sa aking paningin?

"Bakit natahimik ka Hijo? Inaasahan ng pamilya ni Rossete na kayo ay ikakasal. Pag nangyari iyon ay mas magiging maunlad ang Natchakal. Alalahanin mong malaking isda ang babaeng iyon. Huwag mo akong bibiguin." ang wika ng matanda.

"Bakit hindi natin hayaan si Rui na mamili ng taong mamahalin niya? Hindi ako sang ayon sa nais mo dad." ang tutol ni papa

"Amir, kailangan natin ang mas malakas na pwersa dahil habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang kompetisyon sa merkado. Kung hindi ito gagawin ni Ruffer ay tiyak na pupulutin tayong lahat sa kangkungan. Saka isa pa ay lalaki naman ang iyong anak. Gamitin niya ang titi niya para maging makapangyarihan. Huwag tanga tanga!" ang sermon ng matanda at sa tono niya ay siya ang batas.

"Hayaan nyo akong mag desisyon para sa sarili ko." ang wika ni Rui sabay tayo sa kanyang kinauupuan. "Excuse me." wika pa niya sabay labas sa silid.

Ako naman ay tumayo rin at agad siyang sinundan.

"Bakit di mo sa akin sinabi?" ang paninita ko

"Tol, please huwag ngayon." ang wika niya sabay lakad palayo sa akin.

Hinabol ko siya. "Bakit hindi? Bakit huwag? Natatakot ka dahil buking kana! Ginamit mo lang ako! Bakit hindi mo sa akin sinabi na may kasintahan ka doon sa ibang bansa? At nag bunga pa ang inyong pag sasama!" ang sigaw ko habang hinahabol ito sa parking lot.

"Matagal na kaming wala noon! Hindi ko alam na pati ang bagay na iyon ay pang hihimasukan ni Lolo!"

"Sana hindi ka nalang umuwi dito! Sana ay pinatahimik mo nalang ang buhay ko! Edi sana ay hindi ako nasasaktan ngayon!" ang sigaw ko

"Nai please. Umuwi na tayong dalawa. Halika na. Mag usap tayo sa bahay." ang pang aamo niya pero nag pumiglas ako. Nag tatakbo ako palayo sa kanya at mabilis na sumibat ng lipad sa ere kung saan hindi niya ako mahahabol pa.

Halos hindi ko mapigil ang pag bugso ng aking emosyon habang lumilipad patungo kung saan. Parang may kung anong nakatusok sa aking puso dahil kumikirot ito at ang sakit ay mas higit pa sa pisikal na natatamo ko sa pakikipag laban sa mga dayuhan. Ibang klase ang sakit na ito, nakakapang hina ng buong pag katao sa paraan na hindi ko na kayang lumaban pa.

Napahinto ako sa pinaka taas ng isang gusali at dito ay napaiyak nalang ako habang pilit na inaalala kung paano nag simula ang lahat. Parang kanina lamang ay maayos kami pero ngayon ay biglang nag bago ang lahat. Hindi ako pabor sa pag papakasal at pag papatali ni Rui sa ibang tao dahil ang gusto ko ay sa akin lamang siya. Pero anong laban ko kung nag bunga ang pakikipag relasyon niya doon sa babaeng iyon ayon na rin sa kwento ni Lolo na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip at matanggap.

Tahimik..

Sa kabilang banda ay hindi ko rin maiwasang magalit kay Rui dahil pakiwari ko ay ginamit lang niya ako at pinag laruan. Sana ay tinapos muna niya ang obligasyon niya sa ibang tao bago niya ako pinakitaan ng pag mamahal. Ako naman itong si tanga, bumigay agad at nag pagamit. Sana ay may lakas pa ako para sisisihin ang aking sarili dahil hindi ako naging matalino pag dating sa pag mamahal.

"Nai, wala naman talagang matalino pag dating sa pag mamahal. Puso kasi ang pina iiral kaya't hindi tayo nakakapag isip ng maayos. Tayo ay bubulag sa kaligayahan at nalulunod sa magagandang bagay na nagaganap sa atin. Ganyan talaga ang taong nag mamahal." ang wika ni Sin na nakatayo sa aking likuran.

Humarap ako sa kanya at nag punas ng luha. "Mabuti naman at nag pakita ka sa akin ngayon."

"Pasensiya kana Nai, ngunit nahirapan akong abutin ka nitong mga nakaraang araw dahil binabalot ka ng itim na pwersa. Natatalo nito ang aking kapangyarihan makausap ka ng maayos." ang wika niya

"Itim na kapangyarihan? Ano iyon?"

"Mga negatibong pag iisip katulad ng pag alala, takot, kalungkutan, pangamba. Lahat ng iyon ay lumilikha ng itim na pwersang pumipigil sa akin para abutin ka. Nai, huwag kang nag papadaig sa mga negatibong bagay sa iyong kaibuturan."

"Tao lang naman ako! Natural sa akin ang matakot, ang malungkot, ang mangamba at maging negatibo pa minsan minsan. Iyon ang mga emosyon na hindi ko maaaring takasan!"

"Nauunawaan kita Nai, iyan ang mga bagay na hindi ko maaaring ialis sa iyong pag katao. Ngunit kapag sobra kang nalungkot o binalot ng negatibong pag iisip ay hindi kita nagagawang abutin at nag lalaho ang aking kapangyarihan sa iyong katawan." paliwanag niya

"Eh nasasaktan ako! Ano kapag super hero hindi na pwedeng ma broken heart? Nag mahal lang naman ako! Anong masama doon? Alangan namang tumawa pa ako at mag isip ng masayang bagay e masakit na masakit na!" ang sigaw ko naman

Natawa si Sin at tumabi ito sa akin. Kapwa kami naka upo sa tutok ng gusali, naka lawit ang paa sa ere habang dinadama ang malamig na hangin ng paligid.

"Katatagan ng puso at tibay ng loob ang sikreto upang mapag tagumpayan mo ang lahat ng sakit at pag subok na darating sa iyo. Iyan lang ang pinang hahawakan ko mag buhat noon. Hindi lang sa pag ibig kundi mismong pati sa hamon ng buhay.

Maraming planeta na rin ang naikot ko sa iba't ibang galaxy at solar system. Pero ang lahat ng iyon ay nasisira at nabibigo ako sa aking misyon ng paulit ulit. Nakakaramdam ako ng sakit ngunit pilit kong tinatatagan ang aking loob upang makayanan ang bawat pagsubok na ibabato sa akin ng tadhana. Bagamat habang tumatagal nga ay pahina ng pahina ang aking kapangyarihan. Pero heto pa rin ako, buong tatag na tumatayo at pinipilit maging matatag kahit paminsan minsan ay nanginginig na aking tuhod dahil sa pagod at takot." ang wika ni Sin habang nakatanaw sa kalayuan.

"Naunawaan ko, ngunit bakit mo ito sinasabi sa akin?" ang tanong ko

Humarap siya sa akin at ngumiti "dahil nais kong maging matatag ka rin katulad ko. Walang problema o pag subok o sakit ang makakatibag sa isang pusong matatag at may malakas na paniniwala. Naniniwala ako sa iyo Nai, kaya ang dapat mong gawin ay maniwala rin sa iyong sarili." ang tugon niya sabay ngiti.

Napabuntong hininga ako at muling napatanaw sa kalayuan. Maya maya ay muli kong ibinaling ang aking tingin kay Sin ngunit wala na ito sa aking tabi.

Malalim na rin ang gabi kaya nag desisyon akong tumalon na sa gusali at lumipad pabalik sa aming bahay.

Pag pasok ko palang sa gate ay nakita ko nang naka upo sa Rui sa balkunahe. Alam kong nag aabang siya sa aking pag dating hawak ang kanyang cellphone at susi ng kanyang sasakyan. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap." ang bungad nya.

Humarap ako sa kanya at sumagot ng kaswal. "Diyan lang sa tabi tabi. Bakit gising ka pa?"

"Hinihintay kita." sagot niya

"Bakit mo ako hinihintay?"

"Nais lang kitang makausap." ang tugon niya dahilan para matawa ako. "Anong pag uusapan natin? Yung ipapakasal ka ni Lolo sa London dahil naka buntis ka ng babae?" ang sarcastic kong tanong

"Wala kabang tiwala sa akin? Sa halip na suportahan mo ako ay parang mas itinataboy mo pa ako! Akala ko ba ay mahal mo ako?" tanong niya

"Iyon na nga, mahal kita kaya ako nasasaktan ng ganito."

"Gusto mo ba akong ikasal ha?" tanong niya

"Ayoko." sagot ko naman

"Aalis tayo rito bukas! Mag sasama tayong dalawa at wala akong pakialam kung anong mangyari sa akin. May tiwala ka ba sa akin?" ang tanong niya at doon ay isinandal niya ako sa pader.

Tumingin ako sa kanyang mata "Oo, may tiwala ako sa iyo."

"Kung ganoon ay lalayo tayong dalawa sa lugar na ito. Mag sasama tayong dalawa at papasayahin kita sa abot ng aking makakaya. Hindi ko kailangan ng kayamanan dahil ang mahalaga sa akin ay ikaw. Tayong dalawa." ang bulong niya at dito ay napatitig rin siya sa aking mata.

Maya maya unti unti niya akong hinalikan sa labi. Ako naman ay napa pikit nalang habang ninamnam ang kanyang halik na hindi mapapantayan. Tila ba ang lahat ng galit sa aking dibdib ay nabura nalang na parang bula.

Ang halik ni Rui ay ang pinaka masarap na halik sa buong mundo. Ang pag dampi ng kanyang malambot na labi sa aking mga labi ay talagang nakakabaliw.

Nag patuloy kami sa aming halikan na tila naka limutan namin ang mundo..

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at dito ay narinig namin si papa na sumigaw. "Rui! Nai! Anong ginagawa ninyo?!"

Napabitiw si Kuya sa akin at ako naman ay nakaramdam ng kakaibang takot. Kitang kita ko sa mukha ni papa ang pag kabigla at si mama naman ay napaupo nalang sa sofa.

"Mag kapatid kayo. Bakit ninyo ito ginagawa?" ang tanong ni Papa

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

31.6K 1.4K 26
Sikat na school ang Fredstone University, hindi dahil sa maganda at mayayaman ang nakakapag-aral kundi dahil NAKAKATAKOT. Marami nang studiyante ang...
105K 3.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
74K 1.7K 38
[BxB] College life, Dito mararanasan nina Raiven at Xander ang mga kaloka-lokang pagsubok na susubok samahan at katatagan nila. Paglalaruan sila ng t...