Super Panget (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... More

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 2: Rui
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 4: Katapat
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 17: Maskara
SP Part 18: Kalangitan
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 20: Masamang Kagandahan 2
SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)
S2 NOTE
SP Part 22: Bagong Pag Subok
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 35: Guhit
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 24: White Beki

3.1K 166 12
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 27, 2018

Part 24: White Beki

Reporter: Samantala, isa nanamang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang lutang sa ilog ng Balrik. Ito na ang ika anim na katawang namamatay ngayong taon. Ayon sa paniniwala ng mga taong naninirahan sa naturang lugar ay protektado raw ng isang magandang engkanto ang ilog at ito ay nang aakit ng mga kalalakihan. Para sa iba pang kaganapan, ifollow nyo lamang ako sa twitter at chat chat tayo! Ito po si Liza Mae Lawit at ito ang chaka minute!

End of report

"Wow si Liza Mae! Live na live ang news flash niya!" ang wika ko noong makita ang reporter na nakikisiksik sa mga tao para kuhanan ng video footage ang bangkay ng lalaki.

"Tol, huwag kang masyadong lumapit at baka maging zombie yung lalaki una kang sakmalin." pananakot ni Rui

"Hay nakaka boring naman, walang magandang footage eh! Bababa ang rating ko nito! Eh ano kaya kung itapon natin ulit yung bangkay doon sa ilog at kunan natin para mas madarama tapos ikaw misis doon ka iiyak habang kinukuha ang bangkay ng mister mo." ang wika ni Liza

"Tse! Layuan niyo nga ako! Di na kayo naawa sa asawa kong si Baldo!!" ang iyak ng asawa niya.

"Epal talaga iyang si Liza Mae. Mahilig umeksena." ang bulong naman ng mga nakiki usisa.

Noong mga sandaling iyon ay pilit kong pinag mamasdan ang naturang ilog, ngunit wala namang kahit ano dito maliban sa malinaw na tubig at mabilis na daloy. Sa gilid nito ay mababaw lang kaya't parang imposible yata na may malulunod.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay napansin ko ang isang mahabang tulay sa gawing itaas ng bundok. Hanging bridge ito at mukhang nakaka akit pag masdan. "Oy, bumalik na tayo sa bahay." ang pag hatak ni Rui sa akin.

Sumama ako sa kanya bagamat ang aking tingin ay nakapako sa naturang tulay. Tila ba may nakikita akong isang babaeng naka puting damit, mahaba ang buhok na itim. Lumalakad ito ng marahan sa tulay at maya maya ay huminto.

Nanatili siya sa ganoon posisyon ng ilang sandali saka biglang tumalon. Nabigla ako sa aking nakita kaya naman napa bitiw ako kay Rui. "Oy ano ba?" tanong nito

"Sandali lang kuya, mauna na kayo doon sa bahay. Mag papa picture muna ako kay Liza Mae tapos ay ipopost ko sa fb!" ang pag papa alam ko.

"O sige, bilisan mo ha. Nag hahanda ang pag kain si Mama, baka malate ka tiyak na magagalit iyon." ang salita niya

"Okay kuya!" ang wika ko sabay takbo patungo kay Liza Mae bagamat noong makita kong nakatalikod na si Rui ay mabilis akong nag tatakbo sa itaas ng bundok sa di kalayuan kung saan naroroon ang tulay.

Ilang minuto rin ako sa ganoong pag takbo bago ko marating ang aking pakay na lugar. Marahan akong nag lakad lakad dito habang pinag mamasdan ang magandang paligid..

Mahingin..

Malamig, tamang tama ang suot kong long sleeve..

Tahimik..

Hinawi ko ang aking buhok at napako ang aking tingin sa kalayuan..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may nag salitang lalaki sa aking tabi. "Mukhang malalim ang iniisip mo Nai." boses ni Sin

"Sin"

"Kamusta kana?" naka ngiti niyang tugon

"Ang akala ko ay nawala kana. Mag buhat noong mag kamalay ako ay hindi ko naramdaman ang prisensiya mo sa aking katawan. Pakiwari ko ba ay bumalik ako sa pagiging normal na tao. Nawala ang aking lakas at nawala rin ang aking kakayahan."

"Hindi naman nawala ang aking kapangyarihan sa iyong katawan sadyang nahihirapan lamang akong makagalaw dahil binabalot ako ng kadiliman, tila ay isang nilalang na pumipigil sa akin kaya't pansamantala akong nawala sa ere."

"Anong pumipigil?" tanong ko

"Hindi ko alam Nai, ang mahalaga ay kaka balik na ako." ang wika niya

"Maging ako ay naguguluhan rin, kamakailan ay may nakikita akong imahe, sinasabi niya na nasasabik na siyang makita ako, mahal raw niya ako at wawakasan niya ang lahat ng taong mahal ko. Sino ba sa super enemy ang may kakayahang gawin iyon?" ang tanong ko

"Wala, sa tingin ko ay hindi super enemy ang may kagagawan noon. Sa tingin ko ay ibang nilalang ito." ang wika niya.

"Pero hindi pa rin ako nakatitiyak, siguro ay dapat iwasan ko ang pag iisip ng mga negatibong bagay upang maging payapa ang aking isipan."

"At kung ano man iyon Nai, kailangan mong mag handa. Ngayon ay napasok na sa mundo si Super Ganda at sa tingin ko nag pplano na itong sumalakay ano mang oras."

"Teka, bakit ba kasi pumapanget ako? Dati ba ay pumapangit ka rin kapag nag papalit ka ng anyo?" tanong ko

"Oo, pero iyan talaga ang kapangyarihan ko kaya wala na akong magagawa. Okay naman diba? Okay naman maging isang pangit na super hero. Diba?"

"Wala namang may gustong maging panget no. Lalo na ako!" pag mamaktol ko dahilan para matawa ito.

"Maiba ako Nai, bakit nandito ka?" ang tanong niya

"Dahil may nakita akong isang babaeng nakaputi dito. Siguro ay may kinalaman siya sa misteryong bumabalot sa ilog Balrik at kung bakit maraming nag bubuwis ng buhay dito." ang wika ko

"Ah siya ba ang hinahanap mo?" ang tanong ni Sin sabay turo sa isang babaeng lumalakad ng mabilis sa gitna ng tulay.

"Oo siya nga!" ang wika ko naman sabay takbo para habulin ito.

"Sandali! Miss!!" ang pag tawag ko

Napahinto siya sa pag lakad. Hinahangin ang kanyang puting damit at gayon rin ang kanyang buhok na napagka itim at napagka haba. "Sandali Miss White Lady, ano bang ginagawa mo dito?" ang tanong ko

Nanatili siya sa ganoong pag kakatikod ng ilang sandali bago siya humarap sa akin. "Ako ba ang tinatawag mong miss?" ang tanong niya

Pag harap niya sa akin ay nagulat ako dahil hindi pala ito isang babae kundi isang binabae. "Sorry, akala ko ay white lady ka. White beki pala." ang tugon ko.

"Paano mo akong nakikita?" tanong niya

"Ewan, basta nakita lang kita. Ano bang ginagawa mo dito sa tulay? At bakit ka tumatalon doon sa ibaba? Saka anong kinalaman mo sa mga nagaganap na pag patay doon sa ilog ng Balrik?" ang sunod sunod kong tanong

"Dahan dahan ka nga sa pag tatanong no, multo ako at hindi google search! Saka bakit interesado kang malaman e hindi ka naman taga rito."

"Gusto ko lang tumulong upang matigil na ang sumpa o kung ano mang kamalasan ang bumabalot sa ilog na iyon."

"Pwes mag papatuloy ang sumpa. At habang may lalaki dito sa bayang ito ay hindi ito titigil over my dead sexy body!" ang galit nyang sagot

"O, e bakit biglang nag bago ang mood mo? Saka bakit ba dito nag mumulto sa tulay na ito e wala namang tao dito."

"Gaga, pag gabi nandoon ako sa ilog no, doon ako kumokota."

"Huli ka! Edi ikaw pala may kagagawan ng mga pag kamatay doon sa ilog? Naku white beki hindi ka makaka akyat sa langit dahil dumodoble ang kasalanan mo dito sa lupa." pananakot ko

"Hindi ako aakyat sa langit at lalong wala akong balak gawin iyon. Hindi pa ako nakaka ganti sa mga ginawa nila sa akin! At sisiguraduhin kong mag babayad sila, lalong lalo na si Sergio! Hay pulgoso!"

"Sino ka si Marimar? Tigilan mo nga ako. Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka ba namatay? At bakit ganyan nalang ang hugot mo?" tanong ko ulit.

"Kaya ako namatay ay dahil ginahasa ako ng mga gwapong lalaki. Ginangbang ako at hindi ko kinaya ang marami." ang wika niya dahilan para mapataas ang kilay ko. "Weh? Yung seryoso na kasi. Pati ba multo ay nag ddrugs na rin?" pang aasar ko

"Fine! Hindi talaga ako ginahasa ng mga gwapong lalaki. Fantasy ko lang iyon." sagot niya

Tumingin si White Beki sa kalayuan at maya maya ay humarap ito sa akin. "Doon ang flash back." ang wika niya sabay turo sa ilog.

At dito nga ay kinuwento niya ang pang yayari noong siya ay namatay.

Flashback

Year 1995

Kapapanalo ko palang sa miss gay dito sa bayan. Ako ang pinaka maganda sa lahat, ligwak ang mga kabaklaan sa beauty ko. Kapag umentrada na ako sa stage ay matatakot na ang mga kalaban ko at mag uuwian na sila. Ganyan katindi ang kagandahan ko. Pero wala itong kinalaman doon sa kwento ko.

So tumalon tayo sa 1996..

Alas 6 ng hapon noong umuwi ako galing sa aruba ng barkada. Nag lalakad ako diyan sa tabi ng ilog. Syempre careful ako sa pag wawalk lalo na maputik, lundag dito, iwas doon, kendeng kendeng, dapat poise pa rin. O may tae pa ng kalabaw kaya umiwas rin ako. Alam mo na mahal ang high heels, priority ang outfit of the year.

Pag dating sa bahay ay agad kong binuksan ang pinto ng malakas so nasira ang pinto kaya kinumpuni ko pa. Dito ko naabutan si Itay lasing siya at talagang galit na galit sa akin.

"Itay, bakit po." ang wika ko habang natatakot.

"Bakit ngayon ka lang umuwi Mario? Bakit ganyan ang itsura mo? Halika nga dito!!!" ang galit na entrada niya sabay hablot sa aking buhok.

Kinaladkad niya ako patungo sa kwarto at dito ay ginawa ni Itay ang kanyang maitim na balak. "Itay huwag po! Anak nyo po ako!! Huwaaag itay!! Plit!!!" ang sigaw ko pero talagang lasing si Itay wala siyang marinig dahil batid kong nilukuban na siya ng matinding pag nanasa na maisagawa ang kanyang nais sa aking katawan.

Halos mag sisigaw ako dahil hindi ko kaya ang ginagawa sa akin ng aking sariling ama..

Hawak pa rin niya ang aking buhok at aking dalawang kamay kaya hindi makalaban. Nang hina nalang ako at wala akong nagawa kundi ang pumikit at mag paubaya nalang sa ginagawang pag nanasa ng aking sariling ama.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos si Itay sa kanyang ginagawa sa akin. Nakaraos si Itay kahit lasing siya.

Tahimik..

Noong imulat ko ang aking mata ay laking gulat ko noong makita ng bago na ang aking buhok. Straight na ito at ang ganda ng pag kaka unat. Inayos rin ni Itay ang aking kilay at nilagyan pa ako ng kaunting blush on. Ang ganda ko.. Iba talaga ang pag nanasa ni itay sa aking buhok, mahaba kasi ito at natural ang pag kaka unat.

Napatingin ako kay Itay at dito ay nag iyakan kami. Magaling pala talagang mag rebond si Itay, hindi ako naniwala sa kakayahan niya noon. Ngayon ay bilib na ako sa kanya." ang maingiyak ngiyak na wika ni White Beki

End of flashback

(Author's Note: Matagal na jokes na ito. High school pa ako Lol)

"Hala, kaya pala ang ganda ng buhok mo." ang wika ko naman. "Kaso parang nabasa ko na iyan sa mga lumang jokes noon." ang pag basag ko pa

"Sa amin nag mula ang kasaysayan na iyon. Touching no? Pero hindi ko alam na dito mag sisimula ang pinaka malaking kalbaryo sa aking buhay." ang seryoso niya salita.

"Intro pa lang ba iyon?" ang tanong ko

"Oo naman. Eto palang ang dahilan ng lahat. Tingin ka ulit sa ilog, naroon ang flash back!" ang wika niya kaya kapwa kami humarap sa direksyon kung saan nakaturo ang kanyang kamay.

Flashback

At dahil nga sa ginawa akong maganda ni Itay, nag pasya akong rumampa sa bayan. Simpleng damit lang ang suot ko para umangat ang ganda kong mala diyosa at ang buhok kong sumusunod sa galaw ko. Kaunting hawi lang ng kamay ay unat na ulit.

Syempre nag pa cute ako sa mga boys, nag papansin ako sa crush kong si Sergio hanggang sa ma notice na nga niya ng beauty ko.

Naka suot si Sergio ng body fit na sando at maiksing short, bukol na bukol ang kanyang ari, inaakit pa niya ako dahil sinasadya niyang ipakita sa akin ang buhok niya sa ibaba tapos ay ilalabas niya ang dila niya na parang libog na libog talaga.

Kinindatan ako at sinabing sumunod ako sa kanya sa tabing ilog. Syempre sino ba naman ako para tumanggi? Hindi ko kayang tumanggi dahil crush na crush ko siya. Kaya naman agad ko siyang inundan sa tabing ilog.

"Marie, halika dito." ang pag yaya niya.

Agad akong lumapit sa kanya mula sa kadiliman at dito ay nakita kong nakapasok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang short kaya naman mas lalo pa akong nanabik.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla na lamang may narinig akong nag tatawanan. Iyon pala ang mga kabarkada ni Sergio na amoy alak at amoy na amoy ang ipinag babawal na gamot sa kanilang hininga.

"What? Anong ginagawa niyo dito? Balak nyo ba akong gahasain ng sabay sabay? Gang bang ba ito?" tanong ko

"Bakit ayaw mo ba? Malalaki ito!" ang wika niya

"Game na!!" ang wika ko naman

Nag tawanan sila..

"Penge munang pera Marie. Para ganahan kami!" ang wika ni Sergio

"Marie? Eh si Mario iyan pare ah!" ang natatawang tanong ng isa

Tawanan ulit sila..

"Marie akin na ang pera mo!" pag pupumilit ni Sergio

"Eh wala akong pera ngayon, ganda lang talaga ang dala ko!" ang sagot ko

"Ah ganon ba! Edi mainam pang bugbugin ka nalang namin!" ang wika ni Sergio kaya naman napaatras ako at nag tatakbo patungo sa paanan ng bundok.

Takbo ako ng takbo kahit naka high heels, syempre sanay na sanay ako dahil beauty queen nga ako diba. Kahit bato bato pa iyan ay kering keri ng beauty ko!

Patuloy pa rin sila sa pag habol sa akin.

"Help! Tulungan nyo ko! Help!!" ang sigaw ko pero walang nakaka rinig sa akin.

"Hoy Marie bumalik ka dito!" ang sigaw ni Sergio

"Ayoko masasama kayong tao! Mga bwisit!!" ang sigaw ko at doon ay nag tatakbo ako patungo sa tulay.

Patuloy pa rin nila akong hinabol hanggang sa gitna ng hanging bridge at noong mapunta ako sa gitna ay napahinto ako. "Maawa kayo sa akin! Please huwag nyo akong saktan!"

Pero patuloy pa rin silang lumapit sa akin kaya't napaatras ako.

Wala akong kamalay malay na marupok pala ang kahoy na aking natapakan kaya nasilat ako at nahulog mula sa itaas..

Alam kong katapusan ko na iyon kaya naman habang bumabagsak ang aking katawan ay isinumpa ko ang lahat ng kalalakihan dito sa paligid ng ilog Balrik. Lahat sila ay mamatay at malulunod." ang may galit na salaysay niya

Noong bumagsak ang aking katawan sa lupa ay nagawa ko pang pumose nang naka pamewang katulad ni Janine Tugonon bago lagutang ng hininga.

End of flash back

"Eh kasalanan mo naman pala. Kaengotan ang ginawa mo! At kalandian ang tawag doon." ang pag basag ko

"Imbyerna ka naman. Dapat ay kinakampihan mo ako!" ang pag mamaktol niya

"Bakit kailangan mong idamay ang mga lalaki dito? Wala naman silang kasalanan sa iyo. Bakit mo sila pinapatay?" tanong ko

"Excuse me, hindi ko sila pinapatay no. Lahat ng lalaking namamatay sa ilog Balrik ay nalulunod. Katulad nalang ni Baldo. Alam mo ba na lasing iyan, kaya nung nag pakita ako sa kanya kagabi ay natakot ito at nasubsob doon sa tubig. Iyon ang pumatay sa kanya. Lahat ng mga lalaki ay lasing o kaya ay naka singhot ng katol kaya nalulunod sila!" ang wika ni White Beki

"Pero kahit na, hindi mo dapat sila tinatakot."

"Gusto ko lang na maalala nila ang tungkol sa akin. Ang tungkol sa trahedyang nangyari sa akin noong gabing iyon. At tungkol kay Sergio, buong angkan niya ay itutumba ko!" ang galit niyang wika

Patawarin mo sila at patawarin mo rin ang sarili mo. Panget na ito!" wika ko naman

"Imbyerna ka naman. Pero infairness okay iyang third eye mo ha. Ang tagal ng bisa."

"Nakaka kita talaga ako ng mga ganyang bagay. Kaya nasanay na rin ako." ang tugon ko

Tahimik ulit..

Kapwa kami napatingin sa kalayuan..

"So anong plano mo ngayon?" tanong ko

"Edi tuloy ang pananakot ko." ang sagot niya

"Hindi ka titigil?" tanong ko ulit

"Aba e hindi. Ganda ko lang! Saka nasa akin pa rin ang sakit." maaarte niyang sagot

"Kaya pala paulit ulit kang tumatalon dahil dito ka nahulog?" tanong ko

"Oo, ganyan naman talaga ang mga kaluluwa, nanatili ang mga huling ala ala sa kanila at iyon ang paulit ulit nilang ginagawa. Katulad ng mga kaluluwang paulit ulit na tumatawid sa kalsada, o ang lumalakad sa madilim na lugar. Iyon ang pinaka huling gawain na ginawa nila bago sila mamatay."

"Naunawaan ko na ngayon. Hindi kaba napapagod na paulit ulit kang tumatalon dito?"

"Napapagod, ngunit hindi ko iyon mapigilan." ang sagot niya at habang nasa ganoong posisyon ako napatingin ako sa sirang bahagi ng tulay kung saan nahulog si White Beki. Dito ay may napansin ako isang papel naka ipit sa sirang kahoy.

Agad ko itong nilapitan. Luma na ang papel at naninilaw na ito. Bagamat hindi talaga masisira dahil naka tabing sa tulay, siguridad na hindi ito mababasa.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni White Beki

"May papel dito." ang sagot ko sabay kuha sa papel na nakatupi.

Marahan ko itong binuksan..

"May katagalan na ito. Halos bulok na ang papel pero buo pa rin." wika ko habang marahang inaalis ito sa pag kakatupi.

"Isang sulat!" ang wika ko

"Sulat? Kanino naman iyan?" tanong niya

"Para kay Marie, galing kay Sergio." ang wika ko at doon ay binasa ko ito.

Narito ang nilalaman ng sulat.

Marie,

Patawarin mo ako sa aking ginawang kasalanan sa iyo. Hindi ko naman intensyon na takutin ka at ilagay sa panganib ang iyong buhay. Alam mo ba na hindi ako nakakatulog ng maayos dahil sa pang yayaring iyon. Kaya naman halos masiraan ako ng bait kapag sumasagi ka sa aking isipan. Maging sa aking panaginip ay ikaw ang aking nakikita.

Marie, patawarin mo ako. Hindi ko sadya ang aking nagawa noon. Kung saan ka man ngayon, sana ay maging masaya ka.

P.S

Noong gabing pinapunta kita sa tabing ilog ay nais ko sanang mag paalam sa iyo kung pwede akong manligaw. Ang totoo noon ay set up naming mag kakabarkada iyon, kunwari ay tatakutin ka namin at pag umiyak kana ay yayakapin kita at mag popropose ako sa iyo. Alam mo ba ikaw ang pinaka magandang dilag sa aking paningin at matagal na kitang nagugustuhan, sinusundan kita ng tingin at parati kitang pinag mamasdan sa malayo.

Patuloy kita hinabol sa tulay ngunit huli na ang lahat. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. At patawarin mo rin ako kung naging torpe ako.

Mayroon pa pala akong sikretong nais sabihin sa iyo. Kamakailan ay nadiskubre ng doktor na ako ay may malubhang sakit at may taning na ang aking buhay. Sa mga oras na mabasa mo ito ay tiyak na wala na ako sa mundo. Ngunit kung nasaan ka man ay hahanapin kita. Mag kita tayo sa langit.

Nag mamahal

Sergio

Tahimik ulit..

Napatingin sa akin si White Beki "Totoo ba iyan? Wa aring?" ang tanong niya

"Totoo nga, o ayan oh." ang sagot ko sabay pakita sa kanya ng sulat.

Napaluhod si White Beki at napatitig siya sa sulat na ginawa ni Sergio.

"Lumuhod talaga? Mahal ka rin pala si Sergio kaya umakyat kana sa langit hanapin doon si Sergio. Itigil mo na ang pananakot sa mga tao dito."

Natahimik si Marie at napa titig sa sirang parte ng tulay kung saan siya nahulog.

Tango lang ang kanyang isinukli sa akin..

Niyakap niya ang sulat at nag liwanag ang kanyang katawan. "Tama ka, hahanapin ko si Sergio doon sa langit. Salamat sa iyo." ang wika niya.

"Mag lakbay ka kung saan mo nais makarating. Mag kakasama rin kayong dalawa pag dating ng takdang panahon." ang naka ngiti kong sagot

Isang malakas na liwanag ang lumukob sa katawan niya bago ito mag laho sa aking paningin.

Napa buntong hininga nalang ako habang pinag mamasdan ang kumikinang na liwanag na umaakyat patungo sa itaas.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

105K 3.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
237K 4.3K 55
Sa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero '...
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
74K 1.7K 38
[BxB] College life, Dito mararanasan nina Raiven at Xander ang mga kaloka-lokang pagsubok na susubok samahan at katatagan nila. Paglalaruan sila ng t...