Super Panget (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... More

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 2: Rui
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 4: Katapat
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 17: Maskara
SP Part 18: Kalangitan
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 20: Masamang Kagandahan 2
SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)
S2 NOTE
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 24: White Beki
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 35: Guhit
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 22: Bagong Pag Subok

3.1K 172 10
By Ai_Tenshi

Cover donated by Ace Hathaway. Mabuhay ka!! Maraming salamat..

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Matapos ang isang buwang pag hihintay. Narito na ang kwento ni Nai..

Super Panget

Season 2

Jan 25, 2018

"Nai, kamusta kana? Halika.. Lapitan mo ako." ang boses ng isang lalaki habang nakalutang ako sa isang malawak na kadiliman.

"Nasaan ako? Bakit ang dilim dito?" ang tanong ko naman.

"Ito ang aking mundo. Alam mo ba na matagal na akong naka kulong dito? Halika.. Tulungan mo ako, ayokong mag isa." ang wika niya

"Eh bakit ka naka kulong dito? Saka paano ako napunta dito?" tanong ko naman.

"Dinala ka rito ng iyong kalungkutan, ng iyong takot.. Halika, papawiin ko ang negatibong bagay na iyong nararamdaman." ang sagot niya.

"Nasaan ka?" tanong ko

"Nandito ako sa likuran mo Nai." ang sagot niya kaya naman agad akong bumalikwas ng tingin. Dito ay naka kita ako ng imahe ng isang lalaki, hindi ko mabanaag ang kanyang mukha bagamat batid kong naka ngiti ito.

"Nai, salamat sa pag dating mo." ang wika niya at doon ay lumutang siya patungo sa akin.

"Sino ka ba?" tanong ko

"Makikilala mo rin ako Nai. Salamat talaga sa pag dating mo." ang tugon niya sabay yakap sa akin.

Maya maya ay hinalikan niya ako sa labi na aking ikinagulat.

Noong naka sugpong ang kanyang labi sa akin ay may kung anong imahe ang nakita ko sa aking isipan.

Parang larawang nag flash sa aking paningin..

Ito ang ang itsura ng mundo. Nag liliyab, at unti unting nagugunaw. Ang mga bayan ay naging abo na at gabundok na ang bangkay na naka kalat.

Agad ko siyang itinulak dahilan para maalis ang pag kakasugpong ng kanyang labi sa aking labi.

Tumawa ito ng malakas "Mahal kita Nai, hintayin mo ako ha.." ang naka ngising wika niya at dito ay unti unting nabura ang paligid..

Bumalikwas ako ng bangon sa higaan..

Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng ospital, kulay puti ang paligid at gayon rin ang mga ilaw sa kisame. Nakaramdam ako ng kakaibang kirot ng aking ulo at ang aking dibdib ay naninikip.

Part 22: Bagong Pag subok

"Nai, kamusta ang pakiramdam mo?" ang tanong ni Rui.

Tumingin ako sa kanya "anong nangyari?" tanong ko na may halong pag tataka.

Nasa ganoong pag tataka ako noong biglang mag balik sa aking isipan ang mga eksena noong gabing nakipag laban ako kay Super Beki. Ang huli kong natandaan ay ang pag kawala sa akin ng kalasag at ang pag tutok sa akin ng kanyon ni Super Ganda.

Flash back

Tila nagalit si Beki sa kanyang narinig. "Traydor ka Anna! Nag tiwala ako sa iyo!! Traydor kaaaa!" sigaw niya at dito ay nag bago ang kanyang anyo. Naging malaki ulit ang kanyang katawan at walang ano ano ay inatake kaibigang nag traydor sa kanya.

"Excuse me, hindi ako nag traydor. Nag taon lang na bobo ka." ang wika nito at doon ay hinawakan niya ang hawak na malaking kanyon sa kamay.

Nag liwanag ang sandatang iyon parang nag iipon ng lakas..

Maya maya sumabog ito sa harapan ni Beki. "Time to shine!!" ang wika ni Ganda.

Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano nabura ang katawan ni Beki sa isang atake. Hindi ako makapaniwala na napatay niya ng ganoon kadali ang aking kalaban.

At kasabay ng pag kalaho ng katawan ni Beki ay siya namang pag landing ng isang sasakyang pandigma sa mismong pwesto ng sasakyan ni Super Beki kaya nayupi ito.

Lalong nag kagulo ang mga tao sa paligid..

Maya maya bumukas ang sasakyan ng bagong dating kalaban at dito ay lumabas ang isang babaeng may hawak na sniper gun.

Pumose ito at nag salita "Sniper Ready, Give me a target!"

"Nice one Lesley! Tapusin mo na ang lahat ng tao sa paligid!!" ang utos ni ganda

Pumwesto ang kalaban at isa isa niyang binaril ang mga taong gumagalaw. Walang patawad, bata, matanda o kahit na sino ay tinira niya.

Tumawa ng malakas si Super Ganda at marahan itong lumakad sa aking kinalalagyan.

Ako naman ay nag pumilit bumangon upang lumaban sa mga bagong dating na mananakop. Tila isang bangungot ang nagaganap ngayon sa paligid. Nasusunog ang lahat, gumuguho ang mga gusali at nag kakamatayan ang mga tao.

"Hello Handsome!" ang wika niya sabay tutok ng kanyon sa aking mukha.

Umilaw ang bibig ng kanyang sandata..

At bago pa ako kumurap, mula sa aking mata ay isang nakasisilaw na liwanag ang aking nasaksihan..

Mukhang ito na ang katapusan ng lahat..

Nabigo ba ako?

End of flash back

"Anong nangyari? Bakit buhay ako?" ang tanong ko. "Ang huli kong natandaan ay tinutukan ako ni Super Ganda. Nag liwanag ang lahat.." bulong ko sa aking isip

"Nag kagulo doon sa buong siyudad. Natalo yata yung panget na super hero at pag katapos ay mayroong lumanding na bagong kalaban. Nakipag bakbakan ang mga sundalo at pulis para maitaboy ang mga ito. Nag datingan ang pwersa ng pamahalaan, mga kanyon,, tangke at sasakyang pag himapapawid ang nakipag laban sa mga mananakop na alien. Ikaw ay dinala lang dito ng isang sundalo, kasama ka sa libo libong nasugatan at nawalan ng malay. Ang akala nga namin ay kasama kana doon sa mga binaril ng sniper na Alien." ang wika ni Rui

"Ang akala ko rin." ang tugon ko habang nakatitig sa ilaw ng kisame.

Tahimik sa loob ng silid. Walang maririnig kundi ang ingay ng aircon at telebisyon.

Reporter: Apat na araw matapos ang naging labanan sentro ng siyudad. Halos maubos ang pwersa ng pamahalaan dahil sa pananakop ng mga alien mula sa ibang mundo. Gayon pa man ay taglay pa rin ng mga tao sa siyudad ang tibay ng loob at katatagan para muling bumangon at ilagay sa normal ang kanilang buhay. Tinatayang humigit kumulang sa 800 sibilyan ang nasawi sa labanan, kabilang na rito ang ilang gwapong lalakihan na dinakip ng baklang alien na si Super Beki.

Nag iwan naman ng malaking pinsala ang digmaan sa pagitan ng pamahalaan at mga dayuhang mananakop. Walang nakaka alam kung kailan babalik ang mga kalaban kaya't ibayong pag hahanda ang ginagawa ng lahat upang sila ay maligtas.

Samantala balitang Pa-star naman tayo. Ilang imahe ang inilabas ng social media kuha ito ng pinaka bagong "superhero" ng ating mundo. Siya ay tinaguriang si Super Panget na napaka panget naman po talaga mga kaibigan hano. Kitang kita sa video footage kung paano makipag tagisan ng lakas ang mandirigmang ito upang ipag tanggol ang sangkatauhan.

Ang pag labas kaya ni Super Panget ay hudyat ng pag asa o isa lamang itong kamalsan? Isa ba siyang gabay o isang sumpa na dapat iwasan? Ako po si Susie Mae Lawit ang pinsan ni Liza Mae Lawit. At ito ang Expose sa News flash!"

End of report..

Tahimik..

"Kamusta yung bahay natin? Yung mga gusali ni papa?" tanong ko

"Dalawang gusali natin ang nawasak. Pero inaayos na ito ngayon. Hindi naman naapektuhan ang bahay natin dahil malayo ito sa labanan." tugon ni Rui.

"Mabuti naman." ang sagot ko sabay pikit sa aking mga mata. Dito ay naramdaman ko ang kamay ni Rui na humahaplos sa aking pisngi. "Huwag mo na akong iiwan ha. Dito ka lang." ang bulong niya.

Marahang gumapang ang aking kamay sa kanyang kamay at hinawakan ko ito. Palad sa palad, daliri sa daliri..

"I love you." ang bulong niya..

Ngumiti ako at mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kanyang kamay.

Makalipas ang ilang araw, agad bumuti ang aking pakiramdam. Bumalik na rin sa normal ang lahat kabilang na ang mga tao sa siyudad na walang nagawa kundi ang lumakad pasulong sa kabila ng takot at panganib na maaari nilang sapitin sa kamay ng mananakop.

Maraming namatay noong nakaraang sagupaan, siguro ay mahina nga akong superhero dahil halos nag buwis ng buhay ang lahat at wala akong nagawa kundi ang mapahiga dahil sa pag kaubos ng aking lakas. Nahihiya ako sa aking sarili..

"Nai, ayos ka lang ba? Kumain kana. Ako mismo ang nag luto niyan." wika ni Rui habang inaayos ang pag kain sa lamesa.

"Nasaan sina mama?" tanong ko

"Inuwi ni papa si mama doon sa probinsya dahil masyado itong natrauma doon sa kaguluhan. Inaasahan nila susunod tayo doon bukas." ang sagot niya

"Pwede naman, mas tahimik doon sa probinsya." naka ngiti kong tugon

Ngumiti si Rui "ayos! Aayusin ko na yung mga gamit natin!" ang excited niyang tugon.

Masayang umakyat ng hagdan si Rui ako naman ay naka ngiti lang habang pinag mamasdan ito na lumulutang sa matinding tuwa at excitement.

"Nai.." ang boses ng isang lalaki kaya naman agad akong luminga sa paligid.

Kasabay ng tinig na iyon ang pag babago ng paligid. Ang lahat ay nabura at napalitan ng kadiliman kaya naman napa balikwas ako ng tayo habang pinanonood na lamunin ng itim na kulay ang lahat. "Sino ka?" tanong ko

"Nai, mahal kita. Akin ka lang.. Hindi ako papayag na mapunta ka sa kanila." ang wika nito

"Sino ka ba? Mag pakita ka sa akin!"

"Mag kikita na rin tayo. Nasasabik na ako saiyo. Tumingin ka sa gawi roon." ang sagot niya kaya naman humarap ako sa aking kaliwat kanan.

Dito ay nakita ko si Rui na nakaluhod, sugatan at maya maya ay laking gulat ko ng bigla na lamang maputol ang kanyang ulo. "Iyan ang gagawin ko sa mga taong aagaw sa iyo. Akin ka Nai, mahal na mahal kita." ang wika ng tinig at tumawa ito malakas.

Labis akong nabigla sa aking nakita. Hindi ko maipaliwanag ngunit nakaramdam ako ng kakaibang takot at kilabot sa aking katawan. Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano humiwalay ang ulo ni Rui sa kanyang katawan. Pinatay siya ng walang kalaban laban!

Tahimik..

Unti unting nabura ang kadiliman at muling bumalik sa normal ang lahat. Noong ako ay mahimasmasan ay hindi ko na nagawa pang kumain. Agad akong umakyat sa aming silid kung saan naroon si Rui.

Patuloy sa pag kabog ang aking dibdib sabay pihit sa doorknob. Dito ay naabutan ko siya na inaayos ang aming mga bag. Naka hubad ito at nakatapis lang ng tuwalya.

Nagulat siya noong buksan ko ang pinto. "O, tapos kana kumain?" ang tanong niya

Hindi ako sumagot. Muling nag balik sa aking isipan yung pangitain kanina at labis akong natatakot para sa kanya. "Tol, ayos ka lang ba?" tanong niya

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na kanyang ikinagulat. Mahigpit ang aking pag yakap dahilan para mapaupo siya at dito ay naalis ang tuwalya sa kanyang bewang. Lumantad sa akin ang kanyang pag kalalaki ngunit wala siyang paki alam. "Anong problema?" tanong niya habang hinihimas ang aking buhok.

Umiling ako at nanatiling naka subsob sa kanyang matipunong dibdib. Halos takot na takot na pa rin ako. Kakaiba ang pangitaing iyon. At nakaka kilabot na makita mo ang kamatay ng taong labis mong pinahahalagahan.

"Nag lalambing ang baby bro ko." ang wika niya sabay angat sa aking labi at hinalikan niya ako.

Lumaban ako ng halik, dampi dampi lamang hanggang sa maging dila sa dila na ito. Naramdaman ko rin na kinuha niya ang aking kamay at inilagay ito sa kanyang matigas na pag kalalaki.

Napasinghap siya noong hawakan ko ito at pag laruan ng husto ang ulo na mayroong lumalabas na paunang katas.

Patuloy kami sa pag hahalikan habang ang aking kamay ay nag tataas baba sa kanyang katigasan.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa itinigil niya ang pag halik sa aking labi at saka ito tumayo sa aking harapan. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama at itinapat sa akin ang kanyang pag kalalaki.

Matigas, parang saging, mapula ang ulo na animo makopa, mikinis at napaka linis ng paligid. Inilapit niya sa aking bibig ang kanyang pag kalalaki kaya naman malaya ko itong ipinapasok sa aking bunganga.

Halos napapa singhap siya noong dumampi ang aking mainit na dila sa ulo ng kanyang pag kalalaki. Kitang kita ko ang kanyang pag tingala habang ninamnam ang sarap na dulot ng aking pag papaligaya sa kanya. Unti unting nawala ang pag aalala sa aking isipan at agad itong napalitan ng matinding pag nanasa.

Mahaba ang pag kalalaki ni Rui, hindi ko ito maisubo ng buo kaya naman ang natitirang katawan ay jinajakol ko na lang. Hindi naman ako nabigo dahil lalo pa siyang napapa unggol sa aking ginagawa.

Patuloy ako sa pag taas baba sa kanyang mala kahoy na sandata hanggang sa kusa nang gumalaw ang kanyang bewang upang salubungin ang aking pag ulos.

Umuungol siya at panaka nakang napapa unat ang binti sabay singhap ng malalim.

"Ayan na.." ang impit niyang salita at saka sumabog sa aking bibig ang kanyang malapot at mainit na katas.

Hindi ko maipaliwanag ang lasa kaya naman iniluwa ko ang kanyang ari at ang ibang katas ay tumalsik sa aking mukha.

Noong mailabas niyang lahat ay napatingin siya sa akin at natawa. Kumuha siya ng pamunas at pinunasan ang mga katas sa aking mukha.

Pag katapos noon ay muli niya akong ginawaran ng halik sa aking labi. Kinandong niya ako at niyakap ng mahigpit.

Ito ang unang beses na bumigay ako kay Rui bagamat noon pa man ay napapatitig na ako sa kanyang katawan. Hindi naman masama kung iyong iisipin dahil kahit papaano ay nakasanayan ko na rin na mag kasama kaming dalawa.

Siya ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko, at natatakot ako sa pangitain iyon, o kung ano man iyon.

Gayon pa man ay hindi ako papayag na masamang mangyari sa kanya. Hahadlangan ko ang kapalarang iyon, kahit ano pa ang maging kapalit.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
7.8K 431 33
Magbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ru...
171K 12.5K 124
Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilan...
237K 4.3K 55
Sa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero '...