Super Panget (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... More

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 2: Rui
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 4: Katapat
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 17: Maskara
SP Part 18: Kalangitan
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)
S2 NOTE
SP Part 22: Bagong Pag Subok
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 24: White Beki
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 35: Guhit
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 20: Masamang Kagandahan 2

3K 159 18
By Ai_Tenshi

Ang ganda ng trans na ito promise.. Talagang siya na ang Super Beki!

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 21, 2017

"Ito ang mang yayari sa hindi naka pasok sa banga." ang wika niya sabay Bratatatatat atatatatatat!!!

Binaril niya ang lahat ng mga pulis at mga tao sa paligid hanggang sa mamatay ang mga ito..

Ganoon kabilis ang pag hahasik ng lagim ng masamang kagandahan.

Part 20: Masamang Kagandahan 2

Bumulagta ang daan daang katao sa paligid na parang dinaanan ni kamatayan. Samantalang si Super Beki naman ay tuwang tuwa sa kanyang nakitang pag kamatay ng mga ito.

Binuksan niya ang kandado ng kulungan ng mga Miss Universe at pinalaya nila ang mga ito. Ang mga lalaking nakalutang naman ay nag simulang lumipad patungo sa kalungan na parang hinihigop ng malaking vacuum kapalit ng mga bihag.

Noong makita ko si Rui ay agad akong lumipad upang kunin ito. "Waaa. Sino ka ba?" ang gulat na tanong nito

"Wag kana mag tanong. Halika na!" ang sagot ko naman

"Hala, saan tayo pupunta? Pasok na ko sa Top 86 ng pogi eh. Bakit kukunin mo pa ko? Saka ummhh, naku wag kang mag papakita sa kapatid kong si Nai dahil galit sa pangit iyon, susunugin kana niya ng buhay!" ang wika ni Rui

"E wala akong paki sa kapatid mong super pogi, super cute, super hot at pinapatasya ng bayan. Umalis na tayo dito!" ang wika ko sabay katok sa ulo niya. Atleast naka ganti ako.

"Ha? Baka naman hindi ang kapatid ko ang tinutukoy mo. Eh mukhang chonggo yun, medyo pandak at maliit ng titi." ang pang aasar nito kaya naman muli ko siyang kinatusan. "Huwag mo nga siyang pintasan! Ipapakain kita kay Beki eh!" pananakot ko pa.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita ni Elsa ang aking ginawang pag takas kay Rui kaya naman ng alburuto ito at nagalit. "Hoy! Bakit yung pinaka gwapo ang nanakawakin mo sa akin? Ibalik mo iyan panget ka! Bading ka talaga!! Akin iyan!!"

"Hindi siya saiyo! Gago!" ang sigaw ko rin

"Bading ka talaga! Hindi ka naman babaihan! Kahilig mo sa gwapo!!!" ang sagot niya habang inilalayo ko si Rui.

Dinala ko si Rui sa isang gusali na malayo kay Super Beki. At noong makasiguradong maayos na siya ay nag tungo ako sa harap ng kanyang sasakyan para kuhanin ang iba pa. "Hoy Beki, pakawalan mo sila! Aba ang dami niyan ahh! Kaya mo ba iyan lahat?" ang tanong ko

"Oo naman, at ikaw Pangit ay huwag kang humarang sa dadanan ko kundi ay susunugin kita ng buhay. Ang sakit sakit sa mata ng itsura mo alam mo ba iyon? Tumataas ang balahibo ko kapag nakikita kita." ang sagot niya.

"Itigil mo na ang eksenang ito! Kala mo ba maganda ka? Disney Princess si Elsa at hindi cast ng perya!" ang sigaw ko

"Malay ko bang princess siya dito. Nakita ko lang ang poster nya doon sa isang gusali kaya pinanood namin sa internet ang kwento niya. Iyon ang dahilan kaya naka ganito kami ngayon. Anna!Tapusin siya!" ang utos nito

"Opo ati!" ang sagot niya sabay kuha sa isang kutsilyong naka kalat sa sahig.

Nag tatakbo ito sa akin na parang si Chucky kaya naman hinawakan ko siya sa braso at itinulak ito palayo.

Gumulong gulong si Anna pabalik sa kanilang sasakyan. Pero hindi pa siya napagod dahil muli nanaman siyang nag tatakbo para saksakin ako kaya naman apura rin ang pag tulak ko sa kanya palayo.

Ilang beses na gumugulong at sumadsad sa lupa si Anna. Paulit ulit nalang ang ginagawa kong pag push sa kanya palayo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ito basta pilit siyang tumatakbo para saksakin ako.

At dahil nga paulit ulit nalang ang eksenang iyon ay nag kape muna ang mga pulis at sundalo sa paligid. Yung mga bihag na lalaking gwapo ay nag kukuhanan na ang number ng isa't isa, mga bortang beki rin pala sila. Si Elsa naman ay umidlip muna sandali. Yung mga tao sa paligid ay nag piko at nag miryenda muna.

"Oy ano ba, napapagod na ako Anna! Tama na! Uupakan na kita!" ang banta ko

Pero tumayo pa rin siya at nag tatakbo sa akin kaya naman isang malakas na suntok ang pinawakan ko na tumama sa kanyang mukha. Tumilapon ang katawan ni Anna sa harap ni Elsa. "Ay! Anna! Anna! Gumising ka!" ang sabi nito.

"Ang kulit niya kasi. Sorry naman!" ang tugon ko

"Wala kang puso. Walang power si Anna. Isa lamang siyang ordinaryong bakla na nadaan ng space ship ko na nag tatampisaw doon sa planetang Mars! Ang sama sama mo talaga panget ka!! Inuubos mo ang pasensiya ko!" ang galit niya sigaw sabay tayo sa kanyang trono.

"Lapit! Tapusin na natin ang labang ito!" sigaw ko rin

"Ok fine! Wait! Tatransform lang ako!" ang wika niya sabay taas sa dalawang kamay.

Kumendeng kendeng ito na parang isang belly dancer. At sa kada kembot na kanyang ginagawa ay nag liliwanag ang kanyang katawan hanggang sa balutin na ito ng kakatwang berdeng sinag..

"Super Beki! Transformation Completed!!" ang sigaw niya at dito ay bumulaga sa aming paningin ang bangong anyo ni Beki. Naka lugay na ang kanyang buhok unat na unat ito. Naging fierce ang make up at ang nakak tuwa ay naka suot lang ito ng bra at panty. Kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan at ganoon rin ang kanyang magandang dibdib na kumakaldag pa na animo bilog na buko.

"Wow! Sexy!" ang wika ng mga lalaki sa paligid.

"Kalma! Makikita nyo pa ako mamaya!" ang sagot niya.

"Hala! Seryoso? Bra at Panty lang talaga ang suot mo?" ang tanong ko.

"Ang bra at panty na ito ang aking espesyal na kalasag. Ang tela nito ay katumbas ng pinaka matibay na armor sa buong galaxy. Na bibilang na ang segundo ng buhay mo!" ang wika niya sabay takbo patungo sa akin.

Hindi naman ako natinag. Hinintay ko siyang makalapit sa akin ng biglang mag salita si Sin sa aking kaibuturan "Atras Nai! Malakas ang isang iyan!" ang sigaw nito at doon ay bigla na lamang humaba ang buhok ni Beki at lahat ng iyon ay nanging matulis na animo patalim.

Umiwas ako kaya't ang natamaan niya ay ang gusali sa paligid na nagiba ng walang kahirap hirap. "Buhok niya ba iyon? Seryoso?!" ang tanong ko

"Oo, iyan ang unang bahagdan ng kapangyarihan si Super Beki! Ang kanyang buhok ay katubas ng matatalim na sandata! Mag ingat ka!" ang sagot niya

"Ang long long ng hair ko diba? Shinampoo ko lang iyan!!" ang wika niya at doon ay inatake nanaman ako ng kanyang buhok na parang may sariling buhay.

Muli kong pinindot ang bola ng enerhiya sa aking kamay at naging baril ito. Sinubukan kong asintahin ang si Super Beki ngunit humaharang ang kanyang buhok kaya ang aking pag atake ay sablay.

Patuloy akong hinabol ng napag kahaba haba niyang buhok hanggang sa mag kasira sira na ang paligid. Ang mga pulis ay nag takbuhan na gayon rin ang mga sundalo. Marahil napag tanto nila na hindi ito labanan sa mga normal na nilalang.

"Kailangan ko ng gunting! Kahit na anong maputol ng buhok!" ang sigaw ko kay Sin

"Aba e hindi naman ako parlorista hano." ang reklamo nito.

"Kahit ano, bigyan mo ako huwag lang baril!" ang sagot ko

"Anong akala mo sa akin si Doraemon? Tigilan mo nga ako Nai! Espada lang ang mayroon ako."

"Nasaan! Dali! Hayan na ang long ang straight hair niya!!" pag aapura ko

"Nakita mo ba yung hati sa gitna ng baril? Baliin mo iyan. 2 in 1 iyan e. Pwedeng espada ang kalahati at ang kalahati ay punyal. Dali na!!"

Binali ko ang baril doon sa kantong may hiwa sa gitna at dito ay naging espada ang kalahati nito. Nag liliwanag na animo cast ako ng star wars! Ang kalahati naman ng baril na aking inalis ay naging punyal. "Ayos ha."

"Syempre gamit ng Alien iyan e! Uso iyan sa Super Planet!"

"Sana kanina mo pa sinabing may ganito!" ang sigaw ko sabay sugod sa buhok ni Beki. Imagine ang cheap! Buhok lang ang kalaban ko hirap pa ako!

Sinagupa ko ang buhok ni Super Beki at mabilis ko itong pinutol na parang mga damo dahilan para mahinto ang kanyang pag atake. "Kakalbuhin kita ngayon!!!" ang sigaw ko sabay lipad patungo sa natitira pa niyang buhok

Pinutol ko ng pinutol ang kanyang napag haba habang buhok hanggang umiksi ito na mawala sa porma. Muling bumilik sa normal ang kanyang ulo at dito ay natawa ako dahil halos makalbo na pala siya ng todo. "Bakit tumatawa ka?" ang tanong niya habang rumampa suot ang swimsuit na kalasag.

"Parang hindi yata bagay sa iyo ang kalbo!" ang sagot ko

"Ah iyon lang ba? Edi pahabain natin ulit." sagot niya at dito ay muli nanamang humaba ang kanyang buhok at mabilis itong lumipad sa ere para atakihin ako. "Alam mo ba na ang buhok ang mahalaga sa isang beauty queen like me? Mabuti nalang at unlimited ang buhok ko!!"

"Queen lang! Wala kang beauty gago!" ang sigaw ko habang umiiwas sa kanyang mala sibat na buhok.

"Abat ginagalit mo talaga akong panget ka!!" pang gigigil niya at dito ay mas lalo pang kumapal ang kanyang buhok. Sa pag kakataong ito ay halos masira na ang buong paligid dahil sa mga hibla ng kanyang buhok na parang matalim na bakal sa tigas.

"Hala! Beast mode agad?" tanong ko naman.

"Hindi pa! Sigurado ka bang kakayanin mo kapag nag beast mode ako?" ang tanong niya.

"Oo naman! At pag sisisihan mo ang pag tapak sa planetang ito!" sagot ko sabay hataw ng espada sa kanyang buhok kaya't naputol ito.

Muli siyang huminto sa pag atake at napatingin ito ng matalim sa akin. Muli nanumbalik sa normal ang kanyang buhok at kasabay noon ang pag liliwanag ng kanyang buong katawan.

Berdeng berde ang kanyang liwanag. Nakakasilaw..

"Eh kasi nga bakla kaya Berde!" ang pang aasar ko.

"Nai, dumistansya ka ng kaunti. Mukhang naeexcite si Super Beki na tapusin ka kaya't nag simulang umakyat ang kanyang kapangyarihan sa ikalawang bahagdan o ang tinatawag na ad molibiria"

Isang malakas na pag tawa ang pinakawalan ni Super Beki at kasabay nito ang pag yanig ng malakas sa buong paligid..

Nag kagulo ang mga tao at nag simulang bumagsak ang mga gusali..

Isang nakaka kilabot na pakiramdam ang lumukob sa aking balat. Ang aking tingin ay nakapako sa ibaba kung saan naroon ang aking kalaban na abala sa pag papalakas.

Bago pa ako matauhan, mabilis kong isinuksok ang kalahati ng baril sa sugpuang nito at inasinta ko ang kanyang kinalalagyan. Umulan ng bala sa lupa na nag mumula sa akin..

Ngunit sa palagay ko ay hindi natinag ang kalaban..

Unti unting nawala ang liwanag sa kanyang katawan at dito ay maigi kong inaninag kung anong klaseng pag papalit anyo ang kanyang ginawa.

Nanlaki ang aking mata sa nakita..

Hindi ko inaasahan na ganito ang kanyang ikalawang anyo.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 2.2K 34
Status : completed Dahil sa covid-19, pansamantalang nagdeklara ng lockdown sa maraming lugar. Kabilang na rito ang lugar kung saan nakulong ang bi...
112K 1K 8
Muli nating samahan si Narding sa kanyang pag lipad patungo sa hamon ng mapag larong tadhana. Kasabay ng muli pag bubukas ng kanyang aklat ay ang pag...
143K 4.6K 63
Living in the house of three arrogant boys was never easy. It may sound cliché but those three fall in love with me. Ayyyyiiieeuuutttt hahaha. Aspira...