Super Panget (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... More

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 2: Rui
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 4: Katapat
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 17: Maskara
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 20: Masamang Kagandahan 2
SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)
S2 NOTE
SP Part 22: Bagong Pag Subok
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 24: White Beki
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 35: Guhit
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 18: Kalangitan

3.2K 179 13
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 18, 2018

Part 18: Kalangitan

"Ma, bakit ikaw ang gumagawa dito sa kusina?" ang tanong ko sa aking ina noong makita ko siyang nag pupunas ng lababo.

"Namimiss ko ang ganitong gawain. Nag luto ako ng almusal. Ang akala ko ay dito kakain ang kuya mo pero nag aapura siyang umalis."

"Saan daw siya pupunta ma?"

"Sa bagong girlfriend daw niya. Niligawan daw niya iyon noong nakaraang araw. Tapos napasagot niya kaya ayun pinuntahan na. Kung hihintayin mo siya ay magugutom ka lang. Kumain kana." ang wika ni mama.

Ako naman ay natahimik lang. Ewan ngunit para akong nainis na hindi ko mawari. Noong nakaraang araw ay hinalikan lang niya ako sa labi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimot ang pakiramdam na iyon. Tapos ay may nililigawan pala siya? Nag "i love you" pa sa akin ang gago! Nakakainis talaga!!

"Nai, bakit ganyan ang hawak mo sa kubyertos? Mananaksak ka ba? Ayusin mo nga ang pag kain mo. Batang ito." ang wika ni mama. Hindi ko namamalayan na sinasaksak ko na pala ang omelet na kanyang ginawa.

Kaya naman pala naging busy si Rui nitong nakakaraang araw at hindi niya pineperwisyo ang buhay ko dahil abala na siya sa panliligaw ng iba. Ang ibig sabihin ay wala na sa akin ang focus niya. Mabuti iyon, ngunit nakaka inis rin kapag naiisip kong may niyayakap siyang ibang tao.

At dahil nga wala naman akong gagawin ngayon araw, nag desisyon nalang ako na mag lakad lakad sa bakanteng lote dito sa loob ng subdivision. Maluwang ang lupang iyon at may malawak na bukirin kaya't napaka presko ng hangin. Ito lang yata ang tanging lugar dito sa siyudad na may berdeng kulay. Dito na ako lumaki, sa pag tambay sa lugar na ito.

Naupo ako sa harap ng sirang clubhouse paharap sa bukirin. Dito ay maigi kong pinag masdan ang maaliwalas na panahon. Kulay asul ang kalangitan, berde ang paligid, malakas ang hangin at tahimik. Parang hindi ko yata maaatim na masira nalang ng ganoon ang isang magandang lugar na ito.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan..

Nalalapit na ang pananakop.

Natatakot ako, ngunit wala naman akong mapupuntahan dahil sa huli ay sarili ko lamang rin ang aking masasandalan. Natatakot nga ba talaga ako? O natatakot ako para sa mga tao sa paligid ko? para sa aking mga magulang at kapatid, para sa aking mga kaibigan. Hindi ko yata kayang makita silang natatakot o nasasaktan.

Tahimik ulit..

Ilang minuto rin akong naka tanaw sa kawalan bago muli bumalik sa aking isipan ang eksenang pag didikit ng mga labi namin ni Rui, iyon ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat. Parang hindi ko siya kuya noong mga sandaling iyon. Parang isang malambing na kasintahan. Yung tipong nakasanayan kong mag damag kaming mag kayakap at mag damag akong naka unan sa kanya. Minsan ay nakakalimutan ko kung ano at sino kami talaga.

"Nai, anong ginagawa mo dito? Mukhang malalim ang iniisip mo ah." ang boses ng lalaki sa aking likuran.

Agad akong humarap sa kanya at dito ay nakita ko si Gun na kaibigan ni papa at Rui. Yung may ari ng malaking museyo dito sa siyudad. "Ikaw pala, anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko

"Galing ako doon sa bagong clubhouse, tiningnan ko kung maaari akong pag lagay ng exhibit sa mga bakanteng lugar." naka ngiti niya tugon

"Exhibit? Tungkol sa mga aliens at ibang planeta?" tanong ko ulit

Natawa siya at saka tumabi sa akin "Oo naman. Dapat ay maging aware na ang mga tao na hindi tayo nag iisa sa mundo. Na hindi lang ang bible theory at scientific theory ang pinag mulan ng tao. Na ang tao ay maaari ring nag mula sa kalawakan. Hindi naman ako satanista para hindi maniwala sa theory of holy creation sadyang nakakatuwa lamang isipin na may iba pang nilalang doon sa kalangitan, sa kalawakan." ang wika niya habang naka tingala.

"Nilalang sa kalangitan katulad ng mga anghel? O ng mga kaluluwang ligaw na bumabagsak sa lupa para mag hasik ng lagim?" biro ko naman.

"Naniniwala ako sa mga anghel, mga nilalang na may pakpak na bumababa mula sa kalangitan. Pero saan ba nag mula ang mga anghel? Diba sa ating mga ninuno noong sinaunang panahon, mga libo libong taon na ang nakalilipas kung saan ang ating mga ninuno ay naninirahan sa mga kuweba at puno. Sila ay naka saksi ng pag baba ng mga lumilipad na anghel mula sa kalangitan.

Ang sabi ng ating mga ninuno ay naka kita sa mga anghel sa kalangitan, lumilipad pababa sa lupa at ang iba naman ay bumaba mula sa mga hagdan sakay ang nag liliwanag na karwahe. Iyon ang pag lalarawan ng atin mga ninunong nakatira sa mga kweba at kagubatan noong sinaunang panahon. Ngunit naisip mo ba na ang mga iyon ay maaaring hindi anghel kundi mga nilalang na galing sa ibang planeta? Sila ay mga naka suot ng high tech na space suit, lumilipad at bumaba sa kanilang mga sasakyan na nag mula sa kalawakan?

Salat sa kaalaman ang ating mga ninuno, para silang mga batang paslit na walang muwang noon, kaya't kapag naka kita sila ang nilalang na bumaba sa kalangitan ay sinasabi nilang anghel ito bagamat ang totoo noon ay maaaring mga nilalang sila mula sa ibang planeta na tumutulong para maging maunlad ang ating mundo." ang wika ni Gun dahilan para mapatingala rin ako sa kalangitan.

"Pwede, lalo ngayon na nalalapit na ang pananakop sa atin ng mga aliens." ang wika ko naman

"Oo nga e, na excite nga ako noong makita ko ang sasakyan ng alien na kumidnap sa mga miss universe. Lalo ko lamang napatunayan sa aking sarili na tama ang mga teoryang sinasabi ko. Diba? Ang mga aliens ay kakaiba ang mga sandata. Kaya minsan ay naisip ko rin na ang mga Diyos katulad nila Zeus at Poseidon ay mga alien rin. Ang mga sandatang kidlat, mga sibat na nag mamanipula ng panahon at karagatan. Iyan ang frustration ng mga militar sa buong mundo, pinag aaralan nila ang pag gamit sa panahon para maging ultimate weapon katulad ng ginawa ng mga diyos noon sa kasaysayan." tugon pa niya.

"Kung ganoon, posible ba ang may ganoon ring kapangyarihan yung alien na nag babanta sa atin?" tanong ko

"Oo naman, at kung suswertehin ay baka mas higit pa. Alam mo ang ating planeta ay kulang sa teknolohiya, mas maunlad sila kaysa sa atin. Isipin mo nalang na madali silang nakakarating dito kahit na milyong milya ang layo ng ating mundo sa kanilang planeta. Pero tayo? Ilang buwan bago makarating sa moon o sa karatig planetang Mars. Kung minsan ay palpak pa ang mga ito." natatawa niya sagot.

"May nakapag sabi rin niyan sa akin. Kaya naniniwala ako." ang sagot ko. Sinabi rin sa akin iyon ni Sin dati pa.

Flash back

"Oo ako nga iyon, at tungkol sa mga kalaban ay malayong milya pa ang kanilang kinaroroonan, hindi ninyo makikita na ito ay mga sasakyang pandigma dahil masyadong mababa ang inyong teknolohiya. Hindi katulad sa amin na mabilis umunlad ang sibilisasyon. Kung kayo ang mag lalakbay sa aming mundo ay aabutin kayo ng milyong taon gamit ang inyong sasakyang pang kalawakan, iyon ay kung makaka survive ito sa mga kometa at batong galing sa araw. Ngunit kami ay may kakayahang libutin ang inyong daigdaig sa loob lamang ng ilang buwan gamit ang worm hole at time travelling. Ganyan ka yabong ang aming teknolohiya." ang paliwanag niya.

End of flash back

Tahimik..

"Nga pala nasaan yung kuya mo? Iniinvite ko sila sa dinner kaso ay mga busy yata." pag basag niya sa katahimikan.

"Nandoon sa gf niya." tugon ko

Natawa ito "Babaero talaga ang kuya mo. Kahit noong nakatira kami sa ibang bansa ay kung sino sinong babae ang inuuwi niyan. Lahat yata ng lahi doon ay natikman na niya."

"Halata naman sa mukha niya e." pag suporta ko naman sabay tawa ng malakas.

"Hala ka, isusumbong kita sa kuya mo."

"Wala kang kapatid?" tanong ko naman.

"Wala. Solong anak lamang ako." sagot niya na may halong lungkot.

"Mas masarap nga kapag solo lang. Kesa naman mayroon kang kapatid na bwiset at parating kinakampihan nina mama at papa."

"Bakit naman? Bwisit ba si Rui?" natatawa niyang tanong

"Minsan kapag pinag ttripan ako." sagot ko naman na may halong pang hahaba ng ngunit.

"Woah, kawawa naman ang baby bro ko." ang wika niya sabay pang aamo sa akin.

Inakbayan niya ako at dito ay kapwa kami naka tanaw sa kalayuan. Ninanamnam ang malamig na hanging umiihip sa bukirin na nag bibigay ng preskong pakiramdam.

Tanghali na noong makabalik ako sa aming bahay. Hinatid ako ni Gun at inabutan pa ako ng isang kahong tsokolate bago ako bumaba sa kanyang sasakyan. "Mag lunch ka muna sa bahay." pag yaya ko

"Busog ako tol, saka mukhang nag aabang na yung kuya mo doon sa terrace ninyo." ang wika niya sabay turo kay Rui na naka upo sa terrace habang inaabutan ng inumin ng kasambahay.

Ibinaba pa ni Gun ang salamin ng kanyang sasakyan at kinawayan pa si Rui dahilan para mas umasim ang mukha nito.

"Salamat kuya." naka ngiti kong pag papaalam.

"Pag may time ka, bumisita ka sa museum ha. Maraming bagong bituin sa langit." ang naka ngiti rin niya sagot sabay start sa sasakyan.

Hawak ko ang isang kahong chocolate, mabilis akong pumasok sa gate at lumakad sa bakuran patungo sa terrace kung saan naroroon si Rui na sinusundan ako ng tingin. "Paki alam ko ba sa kanya. Nakipag date siya sa babae tapos ay may susungit siya? Bwisit eh!" ang sigaw ko sa aking sarili

Pag tapak ko sa terrace ay hindi ko siya pinansin. Mabilis akong pumasok sa sala nang bigla niyang hilahin ang aking buhok.

"At saan ka pupunta?" tanong niya

"Arekup, sa kwarto. Gusto mo ng chocolate?" sagot ko naman.

"Ayoko! Iaalok mo sa akin yang binigay ng boyfriend mo? Lalandi ka lang sa harap ko pa." ang gigil na salita nito.

"Hindi ko siya boyfriend at hindi ako nalalandi. Baka ikaw ang nag lalandi. Ikaw ang galing sa date e." ang sagot ko

"Abat mag dedeny ka pa. Halika nga dito!" gigil na sagot niya at muli nanaman akong hinila sa buhok.

"Maamaaa sinasaktan ako ni Rui!!!" ang sigaw ko

"Wala to ma, nag kakaladyaan lang!" ang sagot niya.

"Nai, nag lalambing lang ang kuya mo. Huwag kang masyadong masungit!" pag bawal ni mama kaya naman na ngisi ang kupal.

Binuhat niya ako na parang isang sakong palay at saka binitbit paakyat sa kwarto. "Ang aga mong lumandi, hindi ka man lang nag pagabi!"

"Malas daw kasi pag gabi!" ang sagot ko

"At talagang sumagot ka pa!" pang gigigil niya at agad akong ibinalibag sa kama. Nag hubad siya ng damit at saka mabilis na pumatong sa akin. Pinigil niya ang aking dalawang kamay at saka ako siniil ng halik sa leeg na parang isang reypist.

Ini angat niya ang kanyang ulo at muli ako susunggaban ng halik sa labi ng bigla akong umiwas. "Ayan kana naman eh." tugon ko

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko? Hindi ba masarap?" tanong niya.

"Gusto, kaso ang lahat ay hinahalikan mo, hindi ko alam kung ano ang espesyal doon. Saka bakit ba natin ito ginagawa? Bakit sobrang lambing mo sa akin? Pero kaliwat kanan naman ang panliligaw mo sa ibang tao. Laruan lang ba ako? O natural lamang ba ito?" ang tanong ko habang naka titig sa kanyang mata.

"Wag mo sabihing naiinlove kana sa akin kaya ganyan ang tipo ng salita mo? Tell me.. Inlove kana ba sa kuya mo?" ang wika niya sabay dikit ng labi sa aking ilong.

"Siguro ay nakasanay ko nalang na parati kang nandito sa aking tabi. Kuya kita, mag kapatid tayo.. Hindi magandang nag hahalikan tayong dalawa."

"Hindi tayo totoong mag kapatid. Ampon lang ako tol. Saka ano naman? Kung gusto natin ang isa't isa at masaya tayo sa ating ginagawa. Bakit iisipin mo na mali? Ngayon, masaya ka ba?" tanong niya

Napa isip ako. "Oo, masaya ako. Pero natatakot rin dahil baka mawasak ako sa oras na bumigay ako sa iyo. Mawasak ang aking puso at kaligayahan." pag lilinaw ko.

Niyakap niya ako ng mahilig at muling hinalikan sa labi. "Mahal kita, mag buhat noong nakaligtas tayo mula sa tiyak na kapahamakan ay isinumpa ko na sa aking sarili na aalagaan kita at hindi iiwan."

"Anong kapahamakan? Tayong dalawa?" tanong ko naman

"Actually, tayong mag anak. Batang bata ka pa noon. Nag ddrive si papa ng bigla itong nawalan control. Dapat ay tatalon sa bangin ang ating sasakyan, ngunit bigla itong sumabit sa malaking puno dahilan para tayo ay maligtas. Takot na takot ako noon ngunit hinawakan mo ang aking mukha at binigkas mo ang unang salita sa iyong bibig "Kuya". Pinawi mo ang aking takot at napalitan ito ng ibayong saya. Mag buhat noon ay ipinangako ko na aalagaan kita at mamahalin." ang wika niya habang hinahaplos ang aking buhok.

"Hindi ko na maalala, ngunit salamat dahil naka ligtas tayo. Natatakot lamang ako na ang pag mamahal mo ay biglang mawalan at maiwan akong nakabitin sa ere."

"Hindi mang yayari iyon. Hinding hindi." ang bulong niya at muli akong sinunggaban ng halik sa labi. Mas matagal ang kanyang halik ngayon, mas mapusok at mas mainit. Lalo na noong maramdaman kong gumagalaw ang kanyang dila at ginagalugad ang aking bibig.

Napahawak ako sa kanyang likuran at hinamas ko ito.. Siya naman ay naka hawak sa aking hulo at pilit idinidiin ang kanyang pag halik sa aking labi na para bang gigil na gigil.

Tumagal ng ilang minuto ang aming halikan hanggang sa bumitiw siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Huwag kana mag isip ng kahit ano. Basta tandaan mo na mahal kita." ang bulong pa niya.

Isang mahigpit na yakap ang aking itinugon sa kanyang sinabi. Hindi ko man masyadong maunawaan kung anong klaseng pag mamahal ba ang tinutukoy niya ay hindi pa rin mapapantayan ang aking kaligayahan sa kanyang mga yakap at halik.

Sa tingin ko ay magiging malinaw rin lahat kung ano man talaga ang mayroon sa aming dalawa.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

237K 4.3K 55
Sa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero '...
143K 4.6K 63
Living in the house of three arrogant boys was never easy. It may sound cliché but those three fall in love with me. Ayyyyiiieeuuutttt hahaha. Aspira...
636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
21.9K 195 2
I'M NOT GAY!!! (ONGOING/UNDER REVISION) BY: PLASTICKYUKI Si Kitsume (Kit/Kwatro) Manalo ay isang graduating senior high school student. Siya ang...