Super Panget (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... More

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 2: Rui
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 4: Katapat
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 18: Kalangitan
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 20: Masamang Kagandahan 2
SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)
S2 NOTE
SP Part 22: Bagong Pag Subok
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 24: White Beki
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 35: Guhit
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 17: Maskara

3.3K 173 18
By Ai_Tenshi

       

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 17, 2018

Part 17: Maskara

Reporter: Sa ngayon ay patuloy pa ring hinahanap ang sasakyang pang himpapawid ng alien na dumakip sa mga kandidata ng Miss Universe. Mukhang ang dayuhang ito ay galit sa magagandang babae ayon na rin sa kanyang babala noong nakaraang gabi na ang lahat ng kakabaihan sa planetang ito ay gagawing alipin at susunugin ng buhay.

Samantala nangangamba naman ang mga kompanya ng napkin at pasador na baka bumababa ang kanilang sales sa merkado sa oras na mabawasan ang kababaihan sa planetang ito. Kaya naman bilang pag hahanda sa nalalapit na krisis ay naisipan na rin nilang gumawa ng pasador para sa mga kalalakihan bilang alternatibo sa nag babadyang kalamidad.

Iyan lamang ang mga nag babagang balita sa mga oras na ito. Ako po si Liza Mae Lawit, magandang hapon.

End of news

"Naku mukhang seryoso talaga si Super Beki na sakupin ang ating mundo. May strategy ka na ba para siya ay mapuksa?" tanong ni Tex habang abala kami sa pag kain sa canteen.

"Wala nga e, basta ang kailangan ko lang gawin ay mawala ang sumpang kapangitan na ito."

"At talagang iyan pa ang inisip mo? Magugunaw na ang mundo ah."

"Lahat ng super hero ay gwapo at maganda. Ako lang ang panget! Naunawaan mo ba? Ako lang ang panget at kasumpa sumpa ang mukha!" asar kong sagot

"Oh edi mag maskara ka. Diba uso naman ang mga super hero na naka maskara. Si Spiderman, si Batman, si Ironman diba? Tapos si Kaneki ng Tokyo Ghoul ay naka maskara din. Kung hindi mo matake ang pez mo kapag super hero ka edi takpan mo ito." ang suhestiyon ni Tex dahilan para matigil ako sa pag kain.

"Alam mo may utak ka rin pala. Iyan ang pinaka matinong idea na narinig ko sa iyo."

"Ayos, bumili na tayo ng materyales ngayon. Alam mo na hindi pwedeng mag pagawa sa iba dahil ang identity mo ay mabubuking. Lahat na yata ng paraan ay sinubukan natin, sana naman ay epektib na ang isang ito." wika ni Tex.

"Yung pinaka mahal na materyales ang bilhin natin ha, ayokong mangati ang balat ko." pag iinarte ko.

At iyon nga ang set up, namili kami Tex ng mga gamit para sa pag gawa ng maskara na pag tatakip sa aking di kanais nais na mukha kapag nag papalit anyo. Sa tingin ko ay ito ang pinaka epektibo sa lahat, sana una palang ay naisip ko nang takpan ang aking mukha para walang problema.

Gumawa kami ng desenyong tribal na kulay asul ayon na rin sa awrang pumapaligid sa aking katawan kapag ako ay lumilipad o kaya ay nag lalabas ng enerhiya.

Kinahapunan, noong matapos namin ang maskara ay agad akong nag palit anyo upang subukan ito. Siyempre iniwasan kong humarap sa salamin dahil baka mag init pa ang ulo ko kapag nakita ko ang aking itsura. "Ayos naman pala itong maskara, komportable isuot at hindi mainit sa mukha."

"syempre naman Nai, mahal na ang materyales niyang upang hindi ka mag karoon ng allergy. Siguro naman ngayon ay wala nang makaka kita sa pez mo." sagot ni Tex

"Ayos! Subukan na natin!" ang excited kong tugon sabay taas ng aking kamay para lumipad..

Tahimik..

Ilang sandali rin ako sa pormang ganoon pero walang nangyari..

"Anyare? Bakit hindi ako makalipad?" ang tanong ko na may pag tataka

"Baka naman wala kang energy? Wala kang charge. Kumain ka muna kaya?" tanong ni Tex

"Hindi ah, busog ako. Bakit ganon?" ang pag tataka ko rin.

Ilang beses kong pinilit na lumipad ngunit wala pa rin. Ang ending ay nag mumukha na akong tanga. "Bakit ayaw?!" ang tanong ko sa akin sarili

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay siya namang pag sagot ni Sin mula sa aking kaibuturan. "Dahil ang kapangyarihan ko ay nag mumula sa aking mukha. Tinakpan mo ito kaya natakpan rin ang kakayahan mo."

"Ganoon ba? Hindi mo naman ako ininform. Edi ilabas natin ng kaunti ang pez para lumabas rin ang powers!" ang sagot ko sabay angat ng maskara. Kaliwang mata lang ang aking inilabas at ang malaking parte ay natatakpan pa rin.

Muli kong sinubukang lumipad..

Naipon ang enerhiya sa aking paa at umangat ito sa lupa. "Ayos! Gumagana na!!" ang sigaw ko

"Woahh nakaka lipad kana Nai!! Ang galing mo talaga!! Kaso ay bakit parang ang baba yata?" ang tanong ni Tex

At dito ay napansin kong hanggang puno lang ng akasya ang aking inabot. Sinubukan kong tumaas pero ayaw na nito. "Bakit ang baba ng lipad ko? Bakit hindi ako makataas?" tanong ko ulit.

"Dahil maliit na parte lamang ng iyong mukha ang iyong inilabas kaya maliit na pwersa lamang ang lumabas mula dito." sagot ni Sin

"Sobra namang mukha ito!" ang galit kong tugon sabay baba pa ang maskara hanggang ilong. Para na tuloy akong si Kakashi ng naruto dahil bibig lang ang may takip.

Umangat ng kaunti ang aking pag lipad ngunit hindi pa ito sapat. "Pasaway ka talaga Nai, alisin mo na ang maskara upang magamit mo ng buo ang aking kapangyarihan. Kahit takpan mo ng paulit ulit ang iyong mukha ay masasayang lamang ang pagod mo dahil hindi ito eepekto." salita ni Sin sabay tawa ng malakas na parang nang aasar pa.

Wala naman akong nagawa kundi ang alisin ang maskara at itapon ito sa malayo na may halong galit. Kasabay nito ang pag lipad kong mabilis paitaas hanggang sa makarating akong alapaap.

Tuloy pa rin ako sa pag sibat ng mabilis sa ere at dito ay tuluyan kong narating ang hangganan ng mundo. Ngayon ay nasa outer space na ako.

Madilim rito, ngunit nakaka mangha ang liwanag na nag mumula sa sinag ng araw.  Ang mundo ay kakaiba ang anyo, may parteng asul, may parteng maitim, may parteng luntian. Hindi ako makapaniwala na naka salalay sa aking kamay ang kaligtasan ng isang malaking bolang bilog na ito. Isang mabigat na responsibilidad kung tutuusin bagamat hindi ko naman talaga ito pinangarap o ninais. "Sino ba naman ang may gustong maging isang panget na super hero. Paano ipag kakatiwala sa aking kamay ang kanilang buhay kung ang aking mukha ay hindi kaaya aya at kaduda duda?" tanong ko sa aking sarili

"At paano ka pag kakatiwalaan ng mga tao sa iyong paligid kung hindi mo mapag katiwalaan ang iyong sarili? Paano ka nila tatanggapin kung ikaw mismo ay hindi tumatanggap? Nai, hindi lahat ng regalo ay maganda at parating positibo ang dala. Minsan ay bibigyan ka ng negatibo at nasa saiyo na iyon kung paano mo ito gagawing positibo. Ang pagiging perpekto ng mga bagay bagay na naka depende sa ating mga sarili, sa atin mga kasiyahan." ang boses ni Sin at sa pag kakataong ito ay nasa tabi ko na siya.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso, "Himala't nag pakita ka kaya sa akin?"

Natawa ito "Nagagawa ko lamang ito kapag nararamdaman kong lumalakas ang iyong enerhiya. Bakit magulo ang iyong pag iisip? Pati ako ay naguguluhan rin."

"Nangangamba lang ako. Tatlo ang kalaban at iisa lamang ako. Paano ako mananalo? Ang panget ko pa kaya lalo akong naisstress."

"Walang makaka gapi sa isang pusong buong ang pananalig sa kanyang sarili. Ikaw ang kinuha ko dahil alam kong makakaya mo ito. Huwag mong isiping sumpa ang nangyayari." ang tugon niya.

Napatingin ako sa aming daigdig "Sa palagay mo ba ay masisira ang mga aming mundo?"

"Kung mag sasama sama ang tatlong super enemy ay may tiyansang masira ang inyong mundo. Ngunit sa tingin ko ay malabong mang yari iyon dahil mag kakaiba rin sila ng interes. Bagamat iisa ang kanilang pakay na pananakop."

"Anong interes?" tanong ko

"Si Super Beki ang pinaka tuso bagamat hindi siya kasing lupit ng dalawa. Ang nais lamang ni Super Beki ay rumami ang kanyang planetang sakop upang kilalanin siyang reyna ng buong sansinukob.

Si Super Ganda naman ay biktima ng pang aabuso ng mga kalalakihan kaya't nilulupig niya ang mga lalaki sa buong galaxy. Doon palang ay makikita mo nang mag kaiba sina beki at ganda. Si Ganda ay isinusumpa ang kalalakihan, si Beki naman ay gustong gusto ang mga kalalakihan.

Samantala si Super Pogi naman ay nag paparami ng hukbo. Ang nais niya ay mapasailalim sa kanya ang buong kalawakan. Marami na siyang nasakop na planeta kaya't may kalupitan ang isang ito. Wala siyang kinikilalang kasarian, ang lahat ay dapat maging taga sunod niya. Sa tatlong iyan ang dapat mong layuan ay si Super Pogi dahil isa siyang crazy bitch. Nabasa ko lang ang katagang iyan sa magasin kaya ginamit ko. Iyon ang kanilang iba't ibang interes." paliwanag ni Sin

"Kung ganoon, sila sila mismo ay mag kakatunggali rin?" tanong ko

"Oo. Kaya't upang maiwasan ang pagkasira ng mundong ito ay hindi sila sabay sabay lumusob."

"Eh ikaw Sin, anong interes mo? Bakit ginagawa mo ito?" seryoso kong tanong

Napatingin siya sa kalawan at napa buntong hininga "Gusto ko ng kapayapaan. Gusto kong matapos na ang kaguluhang ito upang maging matiwasay ang pamumuhay ng lahat. Walang ibang makapipigil sa tatlong iyan kundi ako lamang."

"Bakit malakas ang loob mong pigilan sila? Eh nag iisa ka lang?"

"Malakas ang loob ko dahil buo ang pananalig ko sa aking sarili. Katulad ng sinabi ko sa iyo, walang makakagapi sa isang pusong naniniwala sa kanyang kakayahan." ang sagot niya

Natahimik ako at napatingin sa kanya.

"Eh may isa pa akong tanong."

"Ha, ano iyon Nai?"

"Tungkol doon sa ikalawang antas ng kapangyarihan. Gaano kalakas ito?" ang tanong ko.

"Anim na beses na mas malakas kaysa sa unang antas. Kaming mga naninirahan sa Super Planet ay may dalawang bahagdan ng lakas. Ang unang baitang ay tinatawag na "volibitum" ito ang orihinal na lakas ng isang mandirigma. Maaaring ito ay namana niya sa kanyang ninuno o ipinasa sa kanya ng kapwa mandirigma. May mga pag kakataon na naaabot ng isang mandirigma ang hangganan ng kanyang lakas kaya't umaakyat ito sa ikalawang baitang na kung tawagin ay "molibiria", ito ang mastery level kung saan umaangat ang kanilang kakayahan. Nag babago ang kanilang anyo at mas nagiging mapusok sa pakikipag laban. Sina Super Beki, Super Ganda at Super Pogi ay umabot na sa baitang ng molibiria kaya't hindi na mapapantayan basta basta ang kanilang kakayahan." ang paliwanag ni Sin

"Over power naman sila masyado. Eh ikaw? Umabot ka ba sa ikalawang baitang?" tanong ko naman.

"Oo, ngunit hindi ko ito ginagamit dahil masyado itong mapanganib. Minsan ang sobrang kapangyarihan ay nakakalasing o nakakalunod sa paraan na hindi mo na ito kayang kontrolin. Maraming mandirigma ang nabibigo sa pag gamit ng molibiria."

"May kakayahan rin ba akong gumamit ng ganoong bahagdan ng kapangyarihan?"

"Oo Nai, basta maniwala ka lang sa iyong kakayahan." ang tugon ko niya at doon ay unti unting nag halo ang kanyang katawan.

Naiwan akong mag isa sa ganoong posisyon kaya naman naisipan kong bumalik na sa lupa.

Minsan ay hindi ko mapigilang pag dudahan ang aking sarili bagamat batid ko na makakaya kong gawin ang isang bagay kung aking nanaisin. Kahit papaano ay may takot pa rin sa aking dibdib dahil walang nakaka alam kung anong mang yayari kinabukasan.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

61.6K 2.1K 43
(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Paano kaya kung may isang tao na nakakakita kung sino ang nagsisinungaling at hindi, gusto mo ba syang maging kaibiga...
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
74K 1.7K 38
[BxB] College life, Dito mararanasan nina Raiven at Xander ang mga kaloka-lokang pagsubok na susubok samahan at katatagan nila. Paglalaruan sila ng t...