Danica's Point of View.
Tahimik lang ako nakatingin sa labas. Habang nagmamaneho naman si Jacob. Matapos kasi yung nangyari na eksena kanina sa may parking lot, nanahimik na siya.
Saka ang awkward-Teka. "Jacob...Di ito yung daan papunta sa village?" tanong ko. Bigla kasi siyang lumiko. Kinabahan ako.
"Makikita mo din, pag nandun na tayo." Saad niya.
"Huh?"
"May gusto kasi akong puntahan.." naka- ngiting paliwanag niya. "Dapat kasi ang dadalhin ko, si Thalia..kaso ayun nga nasa trabaho." napatango-tango ako."Ang ganda kasi doon e."
Tinignan ko ang oras. 5:00 PM May oras pa naman. Nahalata ata iyon ni Jacob.
"May hinahabol ka ba?" tanong niya.
"Wala naman...Mamaya pa naman ako aalis." saad ko.
"San punta mo?" tanong niya.
"May ime-meet akong dating kaibigan." saad ko.
"Really? That's great...." saad niya.
Pagtapos...Tumahimik na naman. Naiilang pa din ako. Oo, nakasakay na ako dito, na ako lang, pero hindi na ganto kalayo at katahimik. Ewan ko ba, parang gusto kumawala nung puso ko.....Hindi ko alam.
Napa kunot ang noo ko, parang pamilyar ang lugar na ito...
"Malapit na tayo." Di ako sumagot. Dahil mas lumilinaw saakin ang lahat.
.
.
.
.
.
O_O ETO YUN?!
Bakit ganto?
Bakit lagi nalang nangyayari ito?
Ano bang problema?
Akala ko ba wala na?
Bakit eto?
"D-Dito?" tanong ko.Bakit sa dinami-dami na puwede puntahan, dito pa?
"Yup. Tara, mas maganda pag gabi dito." nakangiting sabi niya. Una siya lumabas.
Lumabas na ako. Di ako nagkakamali. Eto nga yun.
Eto yung lugar kung saan kami pumunta noon.
Naalala ko pa, dito namin sinulat ang gusto namin sabihin.
Andito pa kaya iyon?
"Maganda diba?" ngumiti ako.
"Sobra."
Niyaya niya ako umupo doon sa kaisa-isang bench.
Bumalik na naman lahat. "Natuklasan ko ito, nung panahon, na badtrip ako." panimula niya. Nakatingin lang ako sakanya. Noon, nakita mo to dahil naghahanap ka lang ng treasure.
"Parang dinala ako ng mga paa ko dito, ewan ko nga e. Para pamilyar na ito saakin. Siguro nakita ko na dati ito." Oo, nakita mo na to. Ikaw din ang mismo nakahanap nito.
Napatingin ako sa gilid ng bench.
~~FLASHBACK~~
"May naisip ako!"
"Bili tayo ng papel! Yung pangletter! Tara saka bote!"
"Anong gagawin natin dito?"
"Magsulat tayo, letter natin sa isat-isa."
"Tapos ilalagay natin sa bote. Then, next year natin basahin."
"Sige, walang tinginan."
"Tapos ka na?" Tumango ako. Ni roll namin at nilagay doon sa malaking bote.
"San mo balak ilagay?"
"Dito, dito natin ibabaon. Yung malalim para walang makakita."
"Okay na."
"Magpromise tayo!"
"Psh! Akala ko ba ayaw mo ng ganyan"
"Op! Akin na braso mo!" O_O
"Okay!"
"Agh!"
"Hahaha! Ayan ah! Walang back out ah!" umirap lang ako.
"Mag promise na kasi tayo!"
"Promise na babasahin natin to next year!"
"Promise, corny mo"
~~End Of FLASHBACK~~
"Danica.. " napatingin ako kay Jacob.
"Huh?" May mainit na likido ang naramdaman ko sa mukha ko.
"U-Umiiyak ka.."
"Ako? Umiiyak?" kinapa ko ang pisngi ko. Tama nga. May luha.
Napaiyak ako. Bakit kasi minahal ko siya?
Bakit kailangan di niya ako maalala. Bakit?!
BAKIT GANTO?
Naramdaman ko ang init ng katawan niya. Nakayakap ako sakanya. "Hushhh, Huwag ka ng umiyak, kung ano man yan, andito ako."
Mas lalo ako napaiyak. Niyakap ko siya, mahigpit. Ayoko siyang pakawalan. Takot ako, pagtapos ng gabing ito, babalik na naman ang dati. Ayoko naaa. Ayoko na mawala siya saakin.
Mahal na mahal pa din kita, Jacob.
Sana maalala mo na ako.
--------------------
So eto na.. Nakapagupdate na ako.
May sakit kasi ako, as in. Di ako nakapasok sa school. Kaya di ako nakapagupdate kahapon.
So kahit may sakit ako. Sinikap ko na makapag-update ngayon. So eto na nga.
Don't forget to Vote, Comment and FOLLOW *^▁^*
~Lovelots!
-Littlegirlost.