Super Panget (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... More

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 2: Rui
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 17: Maskara
SP Part 18: Kalangitan
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 20: Masamang Kagandahan 2
SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)
S2 NOTE
SP Part 22: Bagong Pag Subok
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 24: White Beki
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 35: Guhit
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 4: Katapat

3.9K 210 29
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Dec 31, 2017

"Aba e trip ko lang na makasama ang baby bro ko. Saka bakit parang ayaw mo sa akin e hindi naman ako panget diba? Kung lahat ay kaya mo, pwes ako ay hindi. Alalahanin mong mas mayaman, mas makapangyarihan ako sa iyo. Lahat ng aksyon mo ay kaya kong ibaligtad. Kapag sinabi kong gawing kang Janitor doon sa plaza ay magiging janitor ka. Kapag sinabi kong ipatapon ka sa probinsya at ipapatapon ka. 18 ang kompanyang pag aari ni papa. 9 doon ay sa akin.. Ano hahabol ka? Ilan ang sayo? WALA DIBA? Umaasa ka lang sa yaman namin na ibinibigay sa iyo or should i say YAMAN KO na ibinibigay sayo. Kaya kapag sinabi ko dito ako sa kwarto matutulog at mag sstay ay iyon ang mangyayari." ang wika niya sabay hagis ng isang magasin sa aking harapan. "Baka hindi mo nabasa ang issue na iyan." ang naka ngisi niyang wika

Tiningnan ko ang magasin at dito ay nakita ko ang picture ni Rui. Number 8 most powerful entrepreneur ng taon. At isa rin sa pinaka mayaman at the age of 20's.

"Ano, palag? Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo baby brother." wika pa niya

Part 4: Katapat

"So hindi ka naka palag? Mali ka naman kasi ng binangga. Kung payamanan lang e mas mayaman yung kuya Rui mo. Hindi mo siya kaya." ang wika ni Tex

"Ako pa rin ang tunay na anak kaya wala siyang habol doon. Saka biruin mo doon nag enrol si mokong sa pinaka malaking campus dito sa siyudad. So cheap, kasama ng middle class at mahihirap."

"Pinaka malaking campus dito sa siyudad, ang students doon ay middle class at mahihirap pero pinaka maganda ang turo doon. Ang lahat ng student doon ay matatalino, mga top natcher sa board exams at doon nag graduate ang mahuhusay na scientist, entrepreneurs at mga doctor ng bansa. Lahat ng propesyonal ay doon galing. Nag entrance exam nga ako doon e kaso hindi ako pumasa sobrang taas ng standard nila." ang wika ni Tex

"Kung sa bagay, okay na rin na nandoon siya. Kaysa naman dito pa siya pumasok tiyak na hindi titino ang buhay ko."

"Pero sa tingin ko mahal ka naman ng kuya mo. Siguro ay gusto ka lang talaga niyang makasama."

"Hindi ko alam, basta malakas ang kutob ko na may binabalak siyang hindi kanais nais."

"Napapraning ka lang Nai, ang mabuti pa ay umuwi na tayo dahil kanina pa tapos ang klase natin. Wala naman akong balak maging best student sa pamamagitan ng pag tambay dito sa hallway at pakikipag chismisan sayo. Oy, ingat ka ha. Yung isang classmate natin na gwapo ay binugbog ng mga panget na estudyante sa kabilang bayan, baka maya maya ay ikaw na ang isunod nila. Malaki pa naman ang galit nila sa iyo." pananakot ni Tex

"Subukan lang nila isayad ang kanilang mga daliri sa aking damit. Malilintikan sila sa akin."

"Aba tapang ah."

"Ako pa ba? Wag ako Tex." ang pag yayabang ko habang naka taas noo.

Alas 6 ng gabi noong makauwi ako sa bahay. Pag pasok ko palang sa sala ay bumulaga na sa akin ang mga cabinet ko sa kwarto na naka labas sa ikalawang palapag. Pati ang aking higaan, tokador, at study table ay naka labas rin. "Bakit nakalabas yung mga gamit ko? Bakit may mga tao sa kwarto ko?!" ang entrada ko.

"Magandang gabi master, ipinapa ayos po ni Master Rui yung silid ninyo, pinalalakihan niya ito at pinapapalitan ng mga gamit." sagot ni Kohei

"Eh bakit hindi siya sa akin nag sasabi? Sira ulo ba siya? Paki alamero!!!!" ang sigaw ko habang pumapanhik ng hagdan.

"Hala, bumalik na tayo doon sa kusina. Beast mode nanaman iyan." ang bulungan ng mga kasambahay.

Pero hindi ko sila pinansin..

"Nasaan si Rui? Gusto ko siyang maka usap." ang tanong ko.

"Eto ako kupal, anong problema ng bansot at panget na katulad mo?" pang aasar nito.

"Ikaw ang problema. Mag buhat noong umuwi ka dito ay nagulo na ang buhay ko. Umalis kana nga, bumalik kana sa pinanggalingan mo! Mas kupal ka!!" sagot ko naman.

Hinatak ako nito at kinaladkad papasok sa isang bakanteng silid. "Halika nga dito, una, ikaw kupal matuto kang rumespeto dahil mas matanda ako sa iyo. Ikalawa, huwag mo akong sisigawan dahil kaya kitang ipatapon sa kahit saan ko naisin at ikatlo, simula ngayon ay ako na ang hari dito sa bahay na ito. Ikaw ay isang bansot lang na panget na alaga ko. Bukas na bukas ay pupunta ang mga kaibigan mo dito para makilatis ko sila, kapag mayroon akong hindi nagustuhan ay ipapako ko sila sa krus at susunugin ng buhay sa rooftop. Naunawaan mo ba ako kupal na maliit ang titi?" ang wika nito habang naka hawak sa panga ko at pinipiga piga ito.

"Sira ulo ka!! Gago kaaaa!!!" ang sigaw ko na hindi maitago ang galit

Ang aking pag sigaw na iyon ay eksaktong pag daan ni mama kaya nakita niya ang lahat. "Nai!! Bakit sinisigawan mo ang kuya mo? Hindi mo dapat ginagawa iyan, para kang hindi nag aaral sa mga salitang lumalabas sa bibig mo."

Maya maya ay humarap si kuya sa akin at ngumisi. Agad na nag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha na parang isang tutang inapi sa kalye. "Ma, narinig mo pala iyon, ang totoo noon ay galit na galit sa akin itong si Baby brother dahil pinaayos ko at pinalakihan ang silid niya. Gusto ko lang naman na makasama siya dahil halos 9 years kaming mag kahiwalay. Sabik na sabik ako sa kapatid dahil palagi akong mag isa sa ibang bansa." ang wika ni kuya na maluha luha.

Bakas na bakas ang awa sa mukha ni mama dahil ang paborito niyang anak ay umiiyak sa kanyang harapan. "Nai! Hindi kaba nahihiya sa kuya mo? Dapat ay iginagalang mo siya! Makakarating ito sa papa mo at sasabihin ko sa kanya na huwag kang biglang ng allowance para mag tanda ka." ang sermon ni mama.

Nag punas ng luha si Rui at maya maya humarap ito sa akin saka ngumisi na parang isang asong nang aasar. "Palag?" ang bulong niya sabay lakad palayo sa akin. Ako naman naka pako lang sa aking kinatatayuan habang nanginginig ang buong kalamnan sa matinding galit lalo na noong ilagay niya ang kamay niya sa likod na naka sign ng letter L na ang meaning ay Loser.

At dahil sa matinding inis ko sa kanilang lahat ay hindi ako sumabay mag hapunan, umalis ako sa bahay at nag iinom sa bar na madalas kong tambayan. Sukdulang matulog ako sa garahe o sa kusina basta hindi ako makikihati ng silid kay Rui. Napaka yabang niya, parang kung sinong mahusay e sipsip lang naman siya kina mama at papa. At ang ikinagagalit ko ay bata palang kami ay paborito na siya, parating pinag tanggol, pinapaburan at lahat ng lumang damit niya ay pinapa gamit sa akin. Kahit ngayong lumaki kami ay siya pa rin ang bida. "Its all about him, sana hindi na siya bumalik dito!" ang galit kong salita habang umiinom ng alak.

"Alam mo kaya ka ganyan ay naipon na ang galit mo sa kuya mo. Pero siguro ay sincere naman siya na talagang gusto ka niyang makasama." wika ni Tex

"Gusto niya akong makasama para pahirapan, parusahan at putulan ng pakpak. Siya ang biggest karma ko, sana hindi na ako nabuhay kung siya lang ang makakasama ko sa bahay. Pwede bang doon nalang muna ako sa inyo tumira?" ang wika ko naman na may halong pag papa awa.

"Eh gusto ko nga sana doon ka nalang dahil mukhang malaki na ang stress mo sa kuya mo pero hindi maaari dahil maliit lamang ang share ni papa sa kompanya ninyo. At isa pa ay tauhan lang ng kuya Rui mo si Papa, mahirap pumasok sa gusot ninyong dalawa baka pag initan pa kami." ang nag aalalang wika ni Tex

"Kung sa bagay panget ka na nga tapos mawawalan pa ng trabaho ang tatay mo. Saan ka pupulutin? Sige na nga sa iba nalang ako titira." ang sagot ko sabay tungga.

"Grabe ka naman, ako na nga lang kaibigan mo dito sa mundo nilalait mo pa ako. Isa nalang talaga iuunfriend na kita sa real life. Maging mabuti kana kasi para hindi ka nakakarma." inis na wika ni Tex

"Sorry naman. Hindi ko lang talaga mapigilan."

Inabot kami ni Tex ng ala 1 ng hating gabi sa bar. Labis kaming nag enjoy sa bandang nag peperform dahil sadyang mahuhusay ang mga ito. Hindi naman ako nag pakalasing ng todo bagamat amoy alak nga ako.

Tinahak namin ang daan pauwi sakay ng taxi at pag dating ko sa bahay ay patahimik akong umakyat sa hagdan upang matulog sa kabilang kwarto.

Nasa bungad ng hagdan ang aking dating silid na sinakop ng bandidong si Rui kaya naman pag tapat doon ay marahan ako humakbang ng walang kahit anong ingay. Nag desisyon ako na doon na lamang sa dulong silid matutulog kahit na may kaliitan iyon ay ayos lang basta walang mag iinvade ng privacy ko.

Tahimik..

Maingat ako sa aking ginagawang pag hakbang ng biglang may humatak sa aking buhok. "Arekupp!"

"Tatakas ka pang kupal ka." ang wika ni Rui sabay hila sa akin papasok sa aking dating silid. "Saan ka galing at bakit ka amoy alak? Loko ka ah." ang wika niya sabay katok sa aking ulo.

"Bitiwan mo nga ako! Wala ka naman paki kung saan akong lupalop nang galing. Buhay ko ito kaya huwag kang mang hihimasok!"

Kinatukan nanaman ako ni Rui sa ulo. "Pasalamat ka nga at nang hihimasok ako sa buhay mo dahil kung hindi ay baka matagal ka nang itinapon nina papa sa probinsya. Ang mga pasaway na bansot na katulad mo ay dapat pinarurusahan ng malupet, pasalamat ka sa akin. At iyang mga damit mong isinusuot alam mo ba kung kanino galing iyan? Sa akin lang naman, ako ang nag papadala sa iyo ng allowance kada buwan, naka pangalan lamang kay mama o kay Kohei. Ano papalag ka pa? Sa dami ng perang pinadala ko sa iyo, dapat ay AKIN kana, naintidihan mo ba iyon bansot na kupal?" ang hirit niya na halong pag yayabang.

"Hindi totoo iyang sinasabi mo. Mayabang!" sigaw ko dahilan iiwas niya ang kanyang mukha at nag takip pa ng ilong na parang nabahuan.

"Ang baho.. Shit!!! Itikom mo iyang bibig mo at huwag mo akong sisigawan dahil pag itong kamao ko ay tumama sa mukha mo at sa ilong mong pango "BANG! Basag iyan."

"Tigilan mo nga ako! Yabang mo!! Isusumbong kita kay mama, sasabihin ko lahat ng pananakot mo sa akin!"

"Iiyak na yan. Kahit mag tago ka sa loob ng palda ni mama ay lagot ka pa rin sa akin. Tiyak na ako ang kakampihan dahil ako yung matalino, achiever at paborito nila."

Nag pumiglas ako sa kanyang pag kakahawak sa akin. Ngunit hindi siya natinag, isinandal niya ako sa pader at inilagay kamay sa aking leeg. "Sa susunod na umuwi kang lasing at ginabi ka ay makakatikim sa akin. Naintindihan mo ba iyon?"

"Rui, bakit sakal sakal mo si Nai? Anong bang ginagawa ninyong dalawa?" ang wika ni mama dahilan para magulat siya. Mabilis niya niyakap ang aking katawan at tinakpan ang aking bibig. "Wala maaa, nag kakaladyaan lang kami. Miss na miss ko na kasi itong kapatid kong makulit. Ang kulit kulit kulit..." ang wika niya na parang gigil na gigil, ginusot pa ang aking buhok.

Samantalang ako naman ay nag pupumiglas at pilit na inaalis ang kanyang kamay sa aking bibig upang makapag sumbong.

Nangiti si mama "natutuwa akong makita na mag kasundo kayong dalawa. Buti na lang at umuwi kana dito Rui, alam kong sabik na rin sa kuya iyang si Nai. O, siya matulog na kayo. Goodnight." masayang wika ni mama sabay balik sa kanilang silid ni papa.

"Nakita mo na? Kung hinayaan kitang mag salita ay baka nabuking ni mama na lasing ka at uminom. Utang na loob mo sa akin ito naunawaan mo ba?"

"Kaya mo tinakpan ang bibig ko ay para hindi ako makapag sumbong kay mama tungkol sa kasamaan mo sa akin!" sigaw ko dahilan para takpan niya ulit ang aking bibig

"Huwag kang sumigaw, uupakan na kita e. May utang na loob ka sa akin kaya bukas ay pag babayaran mo iyon. Matulog na muna tayo." wika niya.

Natahimik ako at lumayo sa kanya. "Baliw!! Bangungutin ka sana!" sigaw ko ulit sabay labas sa kanyang silid..

Nasa ganoong pag labas akong ng bigla niyang hablutin ang aking buhok. "At saan ka pupunta?"

"Edi matutulog doon sa kabilang kwarto."

"Dito ang kwarto natin kaya dito ka matutulog." ang wika niya sabay hila sa akin sa kama.

"Doon nalang ako sa sofa." tugon ko habang nag pupumiglas.

"Subukan mong gumalaw at umalis dito sa kama, lalo kang malilintikan sa akin. Pasalamat ka nga kahit mabaho ka ay nag pupumilit pa akong tumabi sa iyo."

"Bakit ako mag papasalamat e ayaw naman kita katabi sa pag tulog. Saka saan mo dinala yung kama ko?"

"Edi pinatapon ko na. Maliit ang kama mo, matigas at amoy tamod dahil maya't maya ka nag titikol. Hindi ko kayang mahiga sa higaan mong puno ng natuyong similya." ang pang aasar nito dahilan para makaramdam ako ng pag hiya.

"Eh aalis na ako dito! Doon nalang ako sa lapag matutulog." bumalikwas ako ng tayo ng bigla nanaman niya akong hilahin. "Isang alis mo ay lagot kana sa akin. Bibingo kana at sisiguraduhin kong hindi ka makakapasok bukas dahil mag kaka black eye ka."

"Ano ba kasing gusto mo? Tahimik naman ang buhay ko noong wala ka dito!"

"Tahimik ang buhay mo? Ginagago mo ba ako? Alam mo ba na isang kahong listahan ng kasamaan ng ugali mo ang natatanggap ko mula kay Kohei? Umuwi ako dito para ituwid iyang ugali mong pang gremlins! Ngayon HIGA!!" mataas na boses nito

Hindi ako humiga..

Sumigaw siya ulit "HIGA!!!" sa pag kakataong ito ay may halo nang pang gigil ang kanyang salita punong puno ng otoridad at batas.

Wala akong nagawa kundi ang humiga at huwag nalang umimik.

"Ayan, very good. Susunod ka rin pala e dami mo pang palabok."

Tumalikod ako sa kanya na bumaluktot na parang isang fetus..

Naramdaman kong humiga rin siya sa aking tabi at pinatay ang ilaw sa silid.

Tahimik..

Maya maya ay naramdaman kong inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking tiyan at idinikit ang mukha sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga na dumadampi sa aking mukha na nag bibigay sa akin ng ibayong kiliti.

Humigpit lalo ang kanyang yakap sa akin at saka nag wika "AKIN KA LANG."

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
74K 1.7K 38
[BxB] College life, Dito mararanasan nina Raiven at Xander ang mga kaloka-lokang pagsubok na susubok samahan at katatagan nila. Paglalaruan sila ng t...
237K 4.3K 55
Sa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero '...
104K 3.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...