Super Panget (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

191K 10.3K 1K

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang n... More

NOTE
SP Part 1: Ang Patakaran ni Nai
SP Part 3: Patakaran ni Rui
SP Part 4: Katapat
SP Part 5: Amanos
SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa
SP Part 7: Pitik Bulag
SP Part 8: Tatlong Bituin
SP Part 9: Sa Bisig ni Rui
SP Part 10: Ang Hiwaga ng Kalawakan
SP Part 11: Natatanging Damdamin
SP Part 12: Magnanakaw
SP Part 13: Mandaragit
SP Part 14: Sikretong Malupit
SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai
SP Part 16: Super Beki
SP Part 17: Maskara
SP Part 18: Kalangitan
SP Part 19: Masamang Kagandahan 1
SP Part 20: Masamang Kagandahan 2
SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)
S2 NOTE
SP Part 22: Bagong Pag Subok
SP Part 23: Ang Ilog ng Balrik
SP Part 24: White Beki
SP Part 25: Mundo ng Kaligayahan
SP Part 26: Bala
SP Part 27: Ad Molibiria
SP Part 28: Ang Bakal na Anghel
SP Part 29: Labanan ng Kagandahan
SP Part 30: Mahinang Puso
SP Part 31: Ordinaryong Buhay
SP Part 32: Banta
SP Part 33: Ang Koleksyon ni Rui
SP Part 34: Kasunduan
SP Part 35: Guhit
SP Part 36: Hangganan (Season 2 Finale)
S3 NOTE
SP Part 37: Dapit Hapon
SP Part 38: Nag lahong Bayani
SP Part 39: Pag subok at Katatagan
SP Part 40: Tableta
SP Part 41: Ang Luha ni Rui
SP Part 42: Dalawang Mundo
SP Part 43: Troy
SP Part 44: Ang Bagong Panginoon
SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun
SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib
SP Part 47: Mahalagang Pangako
SP Part 48: Super Pogi
SP Part 49: Ikalawang Bahagdan
SP Part 50: Alien Civilization
SP Part 51: Tanging Ala-ala
SP Part 52: Walang Katapusang Dilim
SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal
SP Part 54: Liga ng mga Anghel
SP Part 55: Ngayon, Dito at Kahit Saan (WAKAS)

SP Part 2: Rui

5.3K 221 20
By Ai_Tenshi

Credits Rui

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Dec 28, 2017

Part 2: Rui

"Master Nai, gising na po. Parating na ang kuya Rui mo. Ang lahat ay nag hahanda na para sa kanyang pag dating." ang wika ni Kohei habang inililihis ang mga kurtina sa silid.

"Akala ko ba ay tsa isang linggo pa iyan? Inaantok pa ako. Saka wala akong paki sa kanya. Hindi naman siya santo para salubungin hano."ang tugon ko naman sabay takip ng unan sa aking mukha.

"Pero iyon po ang utos ng papa ninyo."

"Edi sabihin mo kay papa siya na ang sumalubong sa ampon niya."

"Oo Nai, ako na ang sasalubong sa kuya mo. Mag handa kana bukas dahil mag sisimula kanang maging janitor doon sa kompanya bilang parusa mo." ang boses ni papa kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon. "Pa.. Hahaha. Goodmorning. Joke lang iyon. Di naman kayo mabiro. Ako pa ba? Naku excited na nga akong salubungin si Kuya Rui. Idol na idol ko siya at mahal na mahal!" ang masaya kong wika sabay lundag sa banyo para maligo.

"Kohei, bantayan mo si Nai. Siguraduhin mong nandoon siya pag dating ni Rui." boses ni papa

"Opo Old Master." ang sagot ni Kohei sabay yuko sa harap ng aking ama.

Ako naman ay patuloy lang sa pag kukuskos ng katawan. Habang pilit inaalala ang mga senaryo sa aking pag kabata kasama si Rui. Iyon ang mga memorya na paulit ulit na bumabalik sa aking isipan kahit sa pag tulog o sa simpleng pag pikit ng aking mga mata.

FLASH BACK

"Oi panget! Negro halika nga dito." iyon ang palaging tukso sa akin ni Rui. Apat na taon pa lamang ako noon at siya naman ay nasa sampu na.

Parati akong umiiyak kapag tinatawag niyang panget o kaya ay negro dahil hindi ako kasing puti niya bagamat hindi naman talaga ako maitim. "Maaa, inaasar nanaman ako."

"Rui, huwag mong asarin ang kapatid mo." pag suway ni mama

"Joke lang naman iyon e. Oh heto ang ice cream. Bati na tayo." ang wika niya sabay yakap sa akin para amuin.

Siya ang parating tumatawag sa akin ng panget, madalas niya akong tinutukso kaya naman panay rin ang aming pag aaway. Iyon nga lang ay madalas siyang kampihan ni papa dahil hindi naman lingid sa aking kaalaman na paborito niya ito ng higit sa akin. Siya ang madalas binibilhan ng latest na laruan at ang lahat ng pinag lumaan niya ay ibinibigay sa akin hanggang sa damit, medyas at sapatos upang hindi raw masayang ang mga ito.

Dahil sa matinding selos ay nag tanim ako ng galit kay Rui. Isang araw, habang pababa siya ng hagdan ay itinulak ko siya hanggang sa gumulong ito sa ibaba, pumutok ang ulo at napilay.

Paulit ulit bumabalik sa aking isipan ang eksenang iyon. Ang kanyang katawan na gumugulong pababa sa hagdan, ang dugo sa kanyang ulo at ang matinding galit sa akin ni mama at papa. Halos parang kahapon lang naganap ang lahat ng iyon. Nandito na pa rin sa aking dibdib ang takot at hindi maunawaang sakit.

At mag buhat noon ay naging iwas na ako kay Rui, hindi ko siya tinatawag na kuya o ituring na kapatid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago ang aming samahan dahil nabuhay ako na malayo ang loob sa kanya. At iyon ang mga bagay na hindi ko maaaring itanggi.

15 anyos noong umalis siya patungo sa ibang bansa at doon na nanirahan. Simula noon ay hindi ako nakipag usap sa kanya. Kahit simple greetings sa social media ay wala rin bagamat palagi niya akong kinakamusta.

end of flash back

"Master mas maganda siguro kung mag susuot ka ng necktie, mas bagay iyon sa suot mong polo." wika ni Kohei habang naka nag bbyahe patungo sa kompanya nila papa

"Huwag na, hindi naman ako empleyado, saka akala ko ba ay doon tutuloy sa bahay tutuloy si Rui? Bakit biglang doon sa kompanya?" tanong ko.

"Nais raw niyang mag pamigay ng regalo sa mga empleyado kaya't nag pasya siya na doon bumaba."

"Para gumawa ng eksena? Anong klaseng pag papasikat nanaman ang binabalak niya?"

"Hindi ko po alam master, kung ano man ang nais ng iyong ama ay mas mabuting sundin mo na lamang ito upang walang gusot."

"May magagawa pa ba ako? Kaysa naman gawin niya akong janitor doon sa kompanya ng isang linggo. Titiisin ko nalang ang araw na ito." bulong ko naman habang naka tanaw sa labas ng bintana.

Edi iyon nga ang set up, pag pasok namin ni Kohei sa lobby ng kompanya ay naka hilera na agad ang mga empleyado, lahat sila ay sinalubong ako ng masigabong pag bati bagamat batid ko na si Rui naman talaga ang inaabangan nilang dumating. Tiyak na mamaya ay ligwak na ako sa spot light ng mga mata nila kapag dumating na main cast ng palabas na ito.

Sa picture ko lang nakikita si Rui. Madalas itong modelo ng mga motor siklo at brand ng sasakyan sa ibang bansa. Nag kalat rin ang posters at billboard niya sa center ng siyudad. Yung mga kaibigan ko ay gustong gusto siya lalo na yung mga babae, lagi nila akong tinatanong kung talagang kapatid ko si Rui dahil hindi kami mag kamukha. Hindi ko nalang sinasagot dahil ayoko ng mahabang paliwanagan.

Makalipas ang ilang minuto ay isang masigabong palakpakan at pag bati ang iginawad ng mga empleyado noong mga sandaling bumukas ang pinto at pumasok si Rui dito.

Unang pag kakataon na makita ko siya ulit, matangkad palagay ko ay nasa 6 ft ito. Naka suot ng salamin at suit na mukhang mamahalin. Hindi naman maitatanggi na gwapo talaga siya at malakas ang dating. Yung mga babaeng empleyado ay kinikilig at yung iba ay parang hinimatay pa noong siya ay kamayan. Sa kanyang likuran nakatayo ang 3 lalaking parang men in black. Sa tingin ko ay mga body guard niya ito. Eh bakit ako walang ganon? Nag titiyaga ako dito sa matandang si Kohei.

Maya maya ay nag palakpakan ulit noong dumating si papa kasama ang ilang business partner.

Katulad ng inaasahan ay echepwera na ang ganap ko. Wala nang pumansin sa akin kaya't napaupo na lamang ako sa waiting area habang hinihintay na madapa at mapahiya si Rui. Kung alam ko lang ay nag dala ako ng balat ng saging at inihagis ko ito sa kanyang lalakaran para mapahiya ito ng kaunti.

"23 years of victory and we are still growing as an enterprise. We are the leader in terms of agriculture, medicine, entertainment, and technology. I am strongly hoping that we will continue to soar high in the coming years.

This is also a perfect opportunity to introduce my two sons— Rufer Igor Natchakal my eldest and. Nathaniel Ian Natchakal my youngest. They are my heirs to my empire. They will soon take over and take lead of my businesses." ang intro ni papa habang ang lahat ay masusing nakikinig.

"Cheers!"

Palakpakan ang lahat..

Maya maya ay tumabi si Rui sa aking kinatatayuan at inakbayan niya ako habang naka harap sa mga nag kikisapang camera ng press. Ngiting ngiti ito samantalang ako naman ay napapangiwi dahil sa kanyang kaplastikan o kung ano man ang publicity na ginagawa niya upang mapaniwala ang lahat sa kanyang pagiging sweet loving and care kuya bagamat ngayon lang kami nag kita matapos ang maraming taon.

Makalipas ang eksenang iyon ay nag simula nang mag pamigay ng regalo si Rui. Ang bawat empleyado ay nakatanggap ng kahon ng cellphone at pabango mula sa kanya. Star na star ang lolo mo habang niyayakap ng mga tauhan bilang pasasalamat.

Ako naman ay nakaramdam ng pag kaboring kaya naman kahit hindi pa tapos ang palabas na si Rui ang main cast ay umalis na ako sa sinehan na kanyang pag aari. Hindi literal ang ibig kong sabihin.

Lumabas ako sa kompanya at hinayaan silang mag saya ng one to sawa. Nag tungo ako sa isang bar na madalas naming tambayan kasama si Tex at ang aking mga kaibigan.

"Whoa, ang bilis naman iprint ng picture nyo sa online news. Ang gwapo ng kuya mo dito sa picture pero bakit parang naka ngiwi ka?" ang tanong ni Tex habang ipinapakita ang larawan namin ni Rui na kuha kanina.

"Obvious ba? Hindi ako happy na makasama siya. Star na star siya kanina doon sa kompanya. Halos lahat ay tuwang tuwa sa kanya." sagot ko.

"Eh anong nangyari sa iyo?" tanong ng isa kong kaibigan.

"Edi wala. Hindi nga nila alam na umalis ako. Wala naman sa akin ang atensyon ni papa e. Kaya heto naka takas ako ng ganoon kabilis."

"Pero infairness gwapo talaga itong kuya Rui mo oh. Kahit saang anggulo tingnan walang bahid ng kapangitan. E, gwapo ka rin naman Nai, kaso nga lang ay naka ngiwi ka sa lahat ng photos." puna ng kaibigan kong babae na si Mema

"Oo nga no, naligwak ka ng kuya mo frend." pang aasar ni Tex

Tawanan sila..

"Mang asar pa kayo. Bukas na bukas ay ipapatapon ko na kayo doon sa skul ng mga panget!" asar kong tugon sabay tungga sa bote ng alak.

Halos umabot kami ng alas 10 ng gabi sa loob ng bar. Marami na rin akong nainom kaya't tila ba nilukuban na rin ako ng espiritu ng kalasingan kaya naman nag pasya na akong barayan ang lahat ng bill at susuray suray na lumabas para makalanghap ng sariwang hangin.

Medyo may kadiliman sa labas na bar ngunit malinaw ko pa ring naaaninag ang paligid. Umupo ako sa bangkuan sa gilid ng pader at isinandal ko ang aking ulo, wala na rin naman akong lakas para makisayaw doon sa loob kasama sila Tex at ang mga party animal kong plastic na friend.

Malamig ang hangin dito sa labas at nakakarelax kaya naman panandalian kong ipinikit ang aking mata..

Tahimik..

Maya maya ay may naramdaman akong kumakalabit sa akin kaya naman agad akong gumising..

Noong imulat ko ang aking mata ay laki gulat ko noong bumulaga sa aking paningin ang isang lalaking pulubi na puro grasa ang katawan. Naka suot ito ng balabal na animo basahan at may hood sa ulo upang hindi makita ang kanyang mukha. "Sino ka? Umalis ka dito! Tangina!" ang gulat kong sigaw habang napapa atras sa aking kinauupuan.

"Anak, nagugutom na ako. Bigyan mo naman ako ng pag kain." ang wika nito habang naka sahod ang kamay sa aking harapan.

Tinabig ko ang kanyang kamay at saka mabilis na tumayo mula sa pag kakaupo. "Wala akong ibibigay sayo! Lumayo ka nga sa akin! Nadudumihan ang damit ko! Mamahalin ito! Leche!" sigaw ko.

"Maawa ka naman sa akin anak, dalawang araw na akong hindi nakaka kain. Kahit kaunting barya lamang upang mayroon akong maipang laman sa aking kumakalam na sikmura." ang daing nito sabay hawak sa aking damit dahilan para mag kagrasa ito.

Lalo akong nakaramdam ng pag kainis kaya naman naitulak ko siya na nasadsad ito sa lupa. Tumama ang katawan sa batuhan at nasubsob sa halamanan. Hindi ko nakontrol ang aking sarili kaya't napalakas ito.

"Sinabi nang lumayo ka! Panget mo!!" ang singhal ko.

Agad akong tumalikod para pumasok sa loob ng bar ng biglang may humawak sa aking likuran. Muli akong humarap at dito ay nakita ang pulubi na nakatayo, nanlilisik ang mata na kulay pula at maya maya ay mabilis itong nag tatakbo patungo sa akin. Parang hangin ang kanyang liksi at mabilis nya akong sinakal at hinilahod patungo sa parking lot na madilim.

Malakas ang palubi at talagang nagawa niya akong kaladkarin na parang isang laruan. Itinaas niya sa era habang hawak ang aking leeg dahilan para maramdaman ko ang pag kapatid ng aking hininga.

"Bitiwan mo ako! Sino ka ba?" ang tanong ko habang nahihirapan sa pag sasalita.

Hindi siya tumugon..

Inialis niya ang kanyang kanang kamay sa aking leeg at ang kanyang kaliwang kamay naman ay dinakot ang aking mukha. "Iyan ang gustong gusto ko, ang masamang ugali mo ang bagay bagay na regaluhan ko!" ang wika niya.

"Lumayo ka sakin! Ipapa pulis kita at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan! Bitiwan mo ko!!" ang sigaw kaya naman mas lalo pa niyang dinakot ang aking mukha kaya nakaramdam na akong ng kakaibang sakit at kirot.

Maya maya ay inihiga niya ako sa lupa at pumupo siya sa aking dibdib. Kasabay nito ang pag liwanag ng kanyang kanang kamay. Ang liwanag na iyon ay kulay asul na animo bolang bilog..

Hindi ko mawari ang nanaganap na iyon, hindi ko alam kung tao ba ito o anong nilalang dahil nag lalabas siya ng kung anong enerhiya sa katawan. At habang nasa ganoong pag mamasid ako ay inalis niya ang pag kakadakot ng kanyang kaliwang kamay sa aking mukha at walang ano ano ay hinawakan niya ang aking panga upang bumukas ang aking bibig.

Naka ngisi siya habang ako naman ay parang biktima na malapit nang mamatay sa takot.

Patuloy niyang piniga ang aking panga hanggang sa lumuwang ang buka ng aking bibig at walang ano ano ipinasak niya ang bolang asul na nag liliwanag sa aking bunganga na aking ikinabigla.

Nag liwanag ang aking mukha, pababa sa aking leeg at naipon ang liwanag aking dibdib bago ito mag laho.

Nakaramdam ako ng kakaibang init ng aking katawan at pag bigat ng talukap ng aking mata na tili hinitit ng kung ano ang aking lakas.

Maya maya umalis siya sa pag kakaupo sa aking dibdib at tumayo sa aking harapan habang ako naman ay lantang gulay na naka handusay sa lupa. "TATLONG GAWAIN NA NAG PAPAKITA NG KASAMAAN NG UGALI MO ANG MAG TUTULOY SA SUMPA."

"Sa susunod na mag kita tayong muli ay mag sisimula na ang tunay mong misyon. Ikaw ang napili ko upang gampanan ito." ang wika niya bago tuluyang pumikit ang aking mata.

"TATLONG GAWAIN NA NAG PAPAKITA NG KASAMAAN NG UGALI.."

"Huwag mong kalimutan..." tuluyang nag laho ang tinig..

Wala akong naaalala pa..

Tahimik..

Isang kalabit sa balikat ang gumising sa akin. "Hoy Nai, uuwi na tayo. Tama bang matulog ka dito sa gilid ng bar. Paano kung may masamang tao dito?" ang pag gising ni Tex

Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa upuan sa gilid ng bar kung saan akong naupo kanina.

Agad kong hinipo ang aking katawan at aking mukha na parang sinusuri kung anong nangyari. "Oi ano yan? May nawawala ba sayo?" tanong ni Tex

Ako naman ay patuloy lang sa pag kapa sa aking katawan. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o totoo. "Nasaan yung pulubi? Saan siya nag punta? Lumapit siya kanina dito at sinakal ako patungo doon sa parking lot!"

"Sir, wala pong lumalapit sa inyo. Nakita ko nga po kayong nakatulog dyan sa gilid kaya binantayan ko na kayo. Wala pong pulubi sir. Baka po nananaginip lang po kayo." ang wika ng bouncer

Inilinga ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala rin naman akong nakita. "Yung pulubi na nababalutan ng grasa, naka suot ng maduming hood na kakaiba ang kanyang anyo."

"Hay nako frend, tama na nga iyan. Marami ka lang nainom kaya kung ano anong nakikita mo. Ang mabuti pa ay umuwi na tayo." pag yaya ni Tex at doon inalalayan nila ako papasok sa sasakyan.

Aminado ako na lasing ako at masakit ang aking ulo, pero ang naganap kanina ay kakaiba talaga dahil parang totoo ito at malayo sa isang panaginip. Hanggang sa mga oras na ito ay naalala ko pa rin ang bawat katagang sinabi sa akin ng pulubing iyon. Dapat ko ba itong ikabahala o hayaan na lamang dahil hindi naman totoo ang lahat?

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

25.5K 1.2K 41
Magandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-inter...
6.9K 470 44
Ito ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay ng mga bidang tauhan. Dito magbubuk...
126K 7.3K 49
Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto a...
21.9K 195 2
I'M NOT GAY!!! (ONGOING/UNDER REVISION) BY: PLASTICKYUKI Si Kitsume (Kit/Kwatro) Manalo ay isang graduating senior high school student. Siya ang...