A House With A Brown Tape (Ro...

Por itsmepaet

874K 19K 2K

Nagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito na... Más

Chapter 2: Asaran to the Max
Chapter 3: Pati Ba Naman sa Trabaho?
Chapter 4: Nang Dahil sa Kaarawan
Chapter 5: Alam na!
Chapter 6: Surprise Revelation Party?
Chapter 7: Alam na naman!
Chapter 8: Ang Bagong Lalaki sa Buhay ni Asra?
Chapter 9: Ang Pagtatapat at Paglipat
Chapter 10: Unang Araw na Magkalayo
Chapter 11: Usapang Lalaki sa Lalaki
Chapter 12: Ang Pagtibok ng Puso ay Di Mapipigilan
Chapter 13: Ang Paglabas ng Mapagpipilian
Chapter 14: Ang Pagsisimula ng Plano
Chapter 15: Paano Ba Sasabihin?
Chapter 16: Brown Tape, Andyan Ka na Naman?
Chapter 17: Akala ko ba Walang Iwanan?
Chapter 18: Ang plano ni Mr. Cheng
Chapter 19: Ang Pagka-ungkat ng Nakaraan
Chapter 20: Malaya na ba ang Puso?
Chapter 21: 'Til We Meet Again
Chapter 22: Ang Lihim ni Asra
Chapter 23: Ang Ipinangako at Ang Kalabaw?
Chapter 24: Ang Katotohanan at Ang Bagong Kalaban
Chapter 25: Ipaglalaban Ko Ang Aking Pag-ibig
Chapter 26: Bagong Umaga
Chapter 27: Ang Pagbabalik
Chapter 28: Ang 'Di Inaasahan
Chapter 29: Here Comes Avery
Chapter 30: Is It Misunderstanding Or What?
Chapter 31: Another Heartbreaking Moment
Chapter 32: Sinusukat Na Pag-ibig
Chapter 33: Nababaliw na Karibal
Chapter 34: Bagong Pagsubok
Chapter 35: Imposibleng Plano
Chapter 36: Pagkakilanlan sa Ama
Chapter 37: Pagtanggap
Chapter 38: Unang Hakbang Papuntang Altar
Chapter 39: Ang Inaakalang Ordinaryong Araw
Chapter 40: Kaalaman sa Pag-iisa'ng Dibdib
Chapter 41: Heto Na Ang Ulan
Chapter 42: Malapit Na Ang Araw ng Kasalan
Chapter 43: Hey Monday
Chapter 44: He Who Gives Up & He Who Comes Back
Chapter 45: Hindi Mapakali'ng Puso
Chapter 46: Mahuhulog ba'ng Muli Ang Puso?
Chapter 47: Oh No! Asra?
Chapter 48: Goodbye Superhero
Chapter 49: Ang Pagkikita't Pagtatapat
Chapter 50: The Choice
Chapter 51: Love Will Find A Way
Chapter 52: Ang Paglayo ng Isa ay Ikakapamahak ba ng Isa?
Chapter 53: Bagong Babae sa Buhay ni Kari?
Chapter 54: Ang Hindi Inaasahang Halik
Chapter 55: She's A Girl Like Asra
Chapter 56: Napamahal Na Ba?
Chapter 57: Hangga't Maaga Pa
Chapter 58: The Painful Surprise
Last Chapter: Will There Be Forever?
Teaser

Chapter 1: Ang Paglipat ng Tirahan

147K 1.8K 372
Por itsmepaet

Bago namaalam ang lolo ni Kari, pinaalam niya sa kanyang apo na hindi nila pagmamay-ari ang tirahan'g tinutuluyan nila. Kukunin ito ng bangko sa oras na mamayapa na ang lolo Sander niya. Pero nagwika pa ito bago pumanaw na nakabili siya ng bahay sa kabila'ng bayan. Pero kalahati lang ang nabayaran niya. Naki-usap rin ito sa may-ari ng bahay na kahit kalahati lang ang nabayaran nito ay bigyan ng pagkakataon'g makatira ang kanyang apo sakaling mawalan na siya ng hininga. Nagbilin din ang lolo niya na sana ipagpatuloy niya ang kanyang buhay at mabayaran ng buo ang nabiling bahay. Nangako naman si Kari sa lolo nito na babayaran niya ang kulang na bayad sa bahay na nabili nito.

Isang waiter si Kari sa isang coffee shop. Hindi man siya lumaki kasama ang kanyang mga magulang, busog naman siya sa pagmamahal ng lolo't lola nito.

Maaga'ng nawala ang lola ni Kari, pero nung nawala na rin ang kanya'ng lolo ay medyo nawalan na siya ng gana'ng mabuhay. Gayunpama'y dapat niya'ng tuparin ang kanyang ipinangako sa kanyang pinakamamahal na lolo na babayaran niya ang kulang sa bahay.

Ilang araw na ang lumipas matapos ilibing ang lolo niya ay nagsipunta na ang mga tauhan ng bangko sa bahay na kinatitirhan niya para palayasin siya. Hindi na rin siya humingi ng palugit dahil naisipan niya'ng tumira na lang sa bahay na nabayaran ng kalahati ng kanyang lolo sa kabilang bayan.

Hawak niya ang isang papel na nagsasabi ng lokasyon patungo sa malilipatan niya'ng bahay.

Lumipas ang isang oras at ilang minuto ay natunton na rin ni Kari sa wakas ang bahay na sinasabi ng kanyang lolo.

Lumapit siya sa pintuan ng bagong matitirhan at agad na kumatok.

Kasama niya ang alaga niya'ng aso na si Bougart at bitbit niya ang isang bagahe na naglalaman ng kanyang mga magagamit na damit.

Ilang minuto pa'y pinagbuksan na siya ng pintuan. Nagtaka siya sa nakita'ng brown tape sa gitna ng sahig ng bahay. Pag-angat ng kanyang ulo ay nagulat siya ng agad na sumulpot ang mukha ng isang babae sa harapan niya.

"Kaw ba si Kari Julio", tanong ng babae.

"Oo, ako. Ito ba yung...".

"Oo, ito. Pasok".

At agad niya'ng sinunod ang anyaya ng babae, agad siya'ng pumasok ng bahay.

"Hoy! Hoy! Hoy", galit na wika ng babae.

"Bakit", tanong ni Kari.

"Nakikita mo ba yang linya ng bahay"?

"Ito'ng kulay brown na tape", tanong ni Kari.

"Korek", sagot ng babae, "Hindi ka pwede'ng lumagpas sa parte ko. Paglumagpas ka, kakasuhan kita ng trespassing. Naintindihan mo", dagdag pa ng babae.

At agad na pumagilid si Kari sa parte niya.

"Diyan ka. Diyan ang parte mo", wika ng babae. "Well, sabi ng lolo mo, oras na may kumatok na Kari Julio ang pangalan dito, ibig sabihin wala na siya sa mundo. At!!! Nakikiramay ako. Ako nga pala si Asra. Ikinagagalak kita'ng makilala".

Si Asra ang nag-iisa'ng anak ng may-ari ng bahay. Wala na ang mga magulang niya. Mas nauna pa sa lolo ni Kari. Siya ang nilapitan ng lolo ni Kari para paki-usapan na patirahin ang apo nito sa bahay kahit kalahati lang ang kanyang nabayaran.

Maaliwalas ang mukha ni Asra, maputi, pero may katarayan nga lang. Kung ano man ang pinagdaanan ng babae'ng ito, siya lang ang nakaka-alam.

"Ako si...", magpapakilala sana si Kari pero agad na nagsalita si Asra.

"Kari Julio nga. Diba binanggit ko na ang pangalan mo kanina? Bingi ka rin noh? O makakalimutin"?

"Pwede ba'ng magtanong", tanong ni Kari.

"Nagtanong ka na, pero sige. Bilisan mo dahil manonood pa'ko ng favorite TV show ko", sagot ni Asra na nakataas ang kilay.

"Ahm... nakikita ko hong may kusina sa banda ninyo. Meron din'g mesa kung saan uupo ang tao para kumain. Nakita ko pong wala rito sa parte ko, so..."

"So... ano"?

"Pwede po bang..."

"Hindi! Hindi ka pwedeng lumagpas sa parte ko, uulitin ko, hindi ka pwedeng lumagpas sa parte ko. At wag mo akong hino 'ho, opo, 'po dahil palagay ko magka-edad lang tayo. Ilang taon ka na?"

"22 ho".

"Kita mo na? Mahiya ka naman, 21 palang ako hinoho mo na ako."

"Eh kasi ho, kung makaasta kayo, para kayong ale."

Sasapakin sana ni Asra si Kari.

"Wag po"!

"Anong wag po! Wag ka ngang O.A! Baka sabihin ng mga kapitbahay na niri-rape kita. Bueno, kung may problema ka sa parte mo, eh di bayaran mo na ang kulang sa bahay para ikaw na ang maghari rito. Kung wala ka pa namang ipambabayad, pwes... magtiis ka", wika ni Asra pero nag-lockjaw ang kanyang bunganga. "A---a---arhay... Arhay... talangan ma 'ka (tulungan mo 'ko)".

"Hay... Mabunganga kasi", at tinulungan ni Kari ang dalaga para ma-ibalik sa normal ang bunganga.

"Salamat. Pero wag ka paring lalagpas ng parte ko. Naiintindihan mo"?

"Yes ma'am".

"Yes ma'am ka diyan. Isa pa, pasalamat ka at nagtira ako ng upuan sa parte mo. Okay? Manonood na 'ko ng TV. Bahala ka na diyan".

Lumakad na papuntang sala si Asra pero bumalik. "Teka, heto pala ang susi mo sa bahay. At isa pa, cute ng aso mo".

"Siyempre. Kamukha ng amo eh", biro ni Kari.

"Che! Aso lang ang sinabi ko. Puro ka sabat. Makanood na nga ng TV".

Ilang saglit pa'y nanonood na ng TV si Asra, habang nakaupo na rin si Kari sa iisang upuan niya at hinuhubad ang kanyang sapatos.

Habang nanonood ng palabas si Asra ay napansin niyang tawa ng tawa si Kari sa likuran niya. Nang nilingon niya si Kari ay nakikinood ito sa TV niya. Kaya agad niya'ng sinapawan ang panonood ng binata sa pamamagitan ng paglipat ng upuan.

"Ha", at lumipat ng pwesto si Kari para makapanood ulit sa palabas ng telebisyon ni Asra.

Narinig na naman ni Asra ang tawa ng binata kaya sinapawan niya ulit ito. Lumipat na naman ng pwesto si Kari. Nang marinig ulit ni Asra ang tawa ng binata ay napatayo siya at hinarap ito ng may nakatagpong kilay. Napayuko naman si Kari.

"Nanonood ka ba sa TV ko", tanong ni Asra sa nakayuko'ng binata.

"Nakikinood lang, ang damot mo naman. Hindi naman ako lumagpas sa parte mo ah".

"Anong hindi? Lumagpas ang paningin mo sa parte ko!"

"Eh lumagpas din naman ang bunganga mo sa parte ko ah".

"Subukan mong lumapit sa borderline at ipapakain ko sa'yo 'tong kamao ko sa bunganga mo! Bwesit! Bumili ka ng sarili mo'ng TV", inis na wika ni Asra.

"Madamot".

"Che". Agad na pinatay ni Asra ang TV at pumasok na ng kanyang kwarto pero hindi masyadong sarado ang pinto.

"Damot ng babae'ng ito. Lolo naman. Bakit ito pa yung bahay na binili mo. Higit pa sa multo ang nakatira rito."

"Apo... pagtiyagaan mo na'yan... magandang bahay yan at tama lang ang presyo."

"Lo? Bakit parang boses babae kayo? Lo? Kaw ba talaga yan? Lo", pagtataka ni Kari na nanindig ang mga balahibo sa takot.

Lumabas naman ng kwarto si Asra na may dalang papel na ginawang hugis torotot. "Haha! Galing ko'ng mag voice over noh".

"Ikaw babae ka... Kung ganyan ka lagi, magiging bakla ako... at ang una ko'ng gagawin, tatanggalin ko isa-isa ang buhok mo sa ulo", inis na sabi ni Kari habang nanggigigil sa galit.

"Eh ngayon pa nga lang bakla ka na. Takot sa multo? Hahaha", tukso ng dalaga at pumasok ulit sa kanyang silid.

"Babae'ng ito! Makapagpahinga na nga lang", at humiga nalang si Kari sabay talikod.

Lumipas ang ilang oras ay dumalaw na ang gabi. Ang bilis ng panahon noh?

Umaga na. Ang bilis ulit ng panahon noh?

Nang magising si Kari, ang una niya'ng napansin ay wala ng TV sa sala ni Asra. Habang hinahanap ng paningin niya ang telebisyon ay sakto'ng kakalabas rin ng dalaga sa comfort room nito.

"Oh? Anong hinahanap mo? TV ba", tanong ni Asra. "Hindi ka na makakapanood kasi nasa kwarto ko na. Bumili ka ng TV mo. Okay", dagdag pa nito.

"Ang sungit naman talaga nito", wika ni Kari sa mahina'ng boses.

"Hoy hoy hoy! Ano yang binubulong bulong mo diyan sa sarili mo? Wala akong paki-alam kahit murahin mo pa ako. Matuto kang tumayo sa sarili mo'ng mga paa. Magtrabaho ka para magka TV ka, hoy! Hindi yang puro ka na lang higa diyan. At isa pa, usapan namin ng lolo mo na magbabayad ka ng 3000 kada buwan para naman after 50 years, mapasayo na'tong bahay".

"Teka, magkano ba ang kulang ni lolo?"

"Tumatagingting na 2.5 Million Pesosesoses".

"Ano? Saan naman kukuha ang lolo ko ng 2.5 Million pang-una niya sa bahay", tanong ni Kari sa dalaga.

"Aba'y ewan ko. Ba't di mo hukayin ang lolo mo sa sementeryo nang matanong mo"?!?

At agad pumasok si Asra sa kanyang silid.

Habang si Kari sa kanyang upuan ay nag-iisip. "Bakit di nalang niya ibinayad sa utang namin sa bangko ang 2.5 million? Siguro hinulog-hulugan niya lang ito. O kaya gusto niya akong mabuhay malayo sa alaala niya. Hmmppp... si lolo talaga. Mmm... Kailangan kong maghanap ng bagong trabaho. Yung mas malaki ang kikitain. O maghahanap ako ng part time job. Makabili nga ng newspaper".

Ilang minuto ang lumipas ay nakabalik na ng bahay si Kari at ang alaga nito na may dala'ng newspaper. Agad siyang umupo sa kanyang upuan at nagbasa sa classified ads. Tiyempo namang lumabas ng kwarto si Asra at nakita niya ang binata.

"Aba aba aba! Classified Ads? Haha! Natauhan ka rin. Yang pag-uupo mo kanina kung ibinili mo pa ng dyaryo kanina pa eh di..."

"Pwede ba'ng tumahimik ka kahit isang oras lang? Okay", reklamo ni Kari.

"Anong paki-alam mo? Lumagpas ba ako sa parte mo? Andito ako nakatayo sa parte ko kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko", sagot ni Asra at pumunta na ng banyo para magbawas.

Sa inis ni Kari, gumawa siya ng paraan. Nagsuot siya ng headset at kumanta ng napakalakas.

"Oooooh... Yeah..... Ooooohhh.... Yeah...... Hey! Hey! Ohhhh....", malakas na kanta ng binata.

Nagmadaling maglinis si Asra sa sarili, nagtapis ng tuwalya, binitbit ang tabo at lumabas. Pagkalabas niya ay agad niya'ng ibinato ang tabo kay Kari.

"Aray! Ano ba", sabay tanggal sa kanyang headset ng tamaan ang ulo niya ng tabo ni Asra.

"Ang ingay ingay mo! Hindi naman kagandahan 'yang boses mo", inis na sabi ni Asra.

"Anong paki-alam mo? Lumagpas ba ako sa parte mo? Nakatayo ako sa parte ko kaya lahat ng gusto kong gawin, magagawa ko".

"Teka teka! Ako ang nagsabi niyan kanina ah".

"Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng magsalita ng ganun"?

"Ahhhh!!! Bwesit ka! Sana hindi ako pumayag sa paki-usap ng lolo mo!!!"

At isinuot muli ni Kari ang headset, "oooohhh... yeah.... ohhh..... hey! hey! go go....", kanta pa ni Kari.

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!! Mababaliw ako sa'yo", sigaw ni Asra dahil sa inis nito sa binata.

Papunta na sana si Asra ng kanyang silid ng maalala niya ang tabo'ng ibinato niya, kaya bumalik siya para harapin ang binata.

"Kari! Yung tabo ko".

"Oooohhh.... Yeah.....", patuloy na kanta ng binata.

"KARI!!!!! YUNG TABO KO!!!!!!!"

At tinanggal uli ni Kari ang kanyang headset. "Ano na naman ba", tanong ni Kari.

"Yung tabo ko", sagot ni Asra.

"Ah. Ito ba", sabay pulot sa tabo ni Asra. "Kanino kaya ito? Hindi masyadong kagandahan pero magagamit ko 'to pangligo", dagdag pa ng binata.

"Akin na 'yan. Akin yan".

"Ha? Sa iyo ba'to? Eh, dito ko nakita 'to sa parte ko eh. Kung gusto mong magkatabo, magtrabaho ka! Hindi yung nasa kwarto ka, nanonood ng pinagdadamot mong TV".

"AAAAAAHHHHHH!!!", at umalis na si Asra pabalik ng kanyang kwarto na inis na inis, habang tawa ng tawa naman si Kari.

Matapos ang inisan ng dalawa'y nagpatuloy sa paghahanap ng part-time na trabaho si Kari sa hawak niya'ng dyaryo.

"Wanted part-time dog trainer. Ayos! Marunong ako nito. 50 pesos per hour. 4 hours a day. So nasa mga 4000 a month lang 'to. Okay na'to", at binilogan niya ang trabaho sa classified ads. "Wag kang mag-alala Bougart, isasama kita dun. Siyempre baka kailangan ng example, di ba", wika niya sa kanyang aso.

Ilang minute ang lumipas, sumakay na ng jeep si Kari kasama ang alagang aso papunta sa aaplayan'g part-time job.

Kalahati'ng oras ang lumipas narating na niya ang lugar kung saan may naghahanap ng part-time dog trainer. Agad niya'ng pinatunog ang doorbell ng isang malaking bahay, hindi pala, mansiyon. Ilang minuto pa'y pinagbinuksan siya ng kasambahay.

Isa'ng napakalaki'ng bahay ang pinasukan niya. Doon naghihintay ang isang magandang binibini na hawak-hawak ang alaga nito'ng aso.

"Hi I'm Timber", pakilala ng dalaga. "And my dog, Ashley".

"Ang ganda ho ng pangalan niyo, parang sayaw lang", biro ni Kari.

"Haha! Thanks. And you are".

"Kari ho. At ang alaga ko naman'g aso, si Bougart".

"Kari Ho", tanong ng dalaga.

"Hindi ho, Kari lang ho".

"Aaah... Akala ko half chinese ka. Wow, Mabuti may alaga ka'ng aso, mas mapapasaya ang Ashley ko dahil mayroon na siya'ng kalaro. Yehey".

Ngumiti naman si Kari.

"Umpisahan mo na ang pagpapakita'ng gilas kasama ang aso mo. So that I will know kung magaling ka ba talaga'ng mag-train".

"Sige ho".

"Tigilan mo na yang ho. Malakas maka ate para sa'kin".

"Ay, sorry ho", paumanhin ni Kari.

"Last na ho na yan ha".

"Op..."

"Opo na naman. Umpisahan mo na nga lang ang pagpapakitang gilas".

Sinimulan na ni Kari ang eksibisyon kasama si Bougart.

Tuwa'ng tuwa ang binibini sa pinapakita'ng eksibisyon ni Kari at ng alaga nito'ng si Bougart.

Matapos ang ila'ng tricks.

"Tanggap ka na", wika ng binibini.

"Salamat ho, este, salamat".

"Okay lang. Payag na'kong i ho mo ako o i opo. Baka kasi sabihin mo'ng iniiba kita sa pagiging ikaw. Well, you may start this weekend", sabi ng binibini'ng si Timber, "anyway,I assume may isa ka pa'ng job", dagdag pa nito.

"Oho. Server po sa isa'ng coffee shop".

"Wow. Ano'ng name ng coffee shop".

"Strabrooks po".

"Oh! I haven't been there. Anyhow, what time ka pwede'ng magturo".

"After po ng shift ko. 5:30 po ng hapon pero sa ganitong araw at ang araw bago ito, dayoff ho ako, so mga 7:30 ng umaga, pwede ho ako".

"Good".

"Pero sure ho kayo'ng 4 hours a day ang gusto niyo'ng haba ng oras sa pagtuturo sa aso niyo".

"Bakit may reklamo".

"Wala naman ho. Baka kasi tamarin ang aso ninyo. O di kaya mapagod ng husto".

"4 hours, pwede kayong magpahinga ng isang oras. O di kaya mga basic na pwede'ng gawin'g routine ang ilang oras. Basta ma consume ang 4 hours. Wag mo siya'ng bigyan ng tricks na sobrang hirap ha".

"Oho. Syempre ho. Nagsisimula pa lang ho ang alaga ninyo".

"Good. So, let's call it a day".

"Ahm... 5:30 pa po ng hapon ang available time ko".

"Alam ko. I mean, let's call it a day. Tapos na tayo, maari ka ng umuwi".

"Ah... Thank you po".

"Goodluck this weekend. and bye Bougart".

At lumakad na siya paalis kasama si Bougart.

Matapos ang pag-apply ni Kari sa trabaho ay dumiretso siya sa isang grocery store na di kalayuan sa bahay na tinitirhan niya. Iniwan niya si Bougart sa isang pet booth sa loob ng grocery shop kung saan tumatanggap sila ng pet para iwan at alagaan habang nagsa-shopping ang mga kustomer.

Pagpasok niya ay agad siya'ng pumunta sa may kart. Paghawak niya ng kart ay meron din'g humawak nito. Nagulat nalang siya nang makita niya ang mukha ng humawak rin sa kart na hinawakan niya, si Asra.

"Ikaw na naman", sabay wika sa isa't isa.

"Hanggang dito pa naman sinusundan mo'ko", inis na wika ni Asra.

"Excuse me po, galing ako sa inaplayan ko'ng part-time".

Hinila ni Asra ang kart pero hinila rin ito ni Kari.

"Ano ba? Akin 'to", galit na wika ni Asra.

"Ano ka siniswerte? Akin 'to".

"Akin ito! Akin".

Lumapit ang gwardiya habang nag-aagawan ang dalawa. "Excuse po ma'am, sir. Marami pa po'ng kart". At binitiwan ni Kari ang kart pero malakas ang hila ni Asra kaya tumilapon ito kasama ng kart na hawak niya.

"Aray"!

"Uy! Miss, mahilig ka pala'ng mag dive? subukan mo naman sa pool minsan", pang-iinis ni Kari na natatawa dahil tumilapon si Asra at napahiga sa sahig.

Tumayo agad si Asra na tinulungan ng gwardiya. "Baliw!!! Baliw", at umalis na ang dalaga na inis na inis na naman. Dinala na ni Asra ang kart na pinag-aagawan nila kanina ni Kari papunta sa isang seksyon ng grocery store. Kumuha na rin ng kart si Kari.

Pumunta sa may mga inumin si Kari para bumili ng fresh milk. At tama ang hinala mo, kung naghinala ka, doon rin papunta si Asra.

Hinawakan ni Kari ang huling fresh milk na naka-display at hinawakan rin ito ni Asra.

"Hanggang dito ba naman", inis na wika ni Asra.

"Ako yata nauna rito", inis na sabi ni Kari.

"Bakit? Sa iyo ba 'to'ng mall? Akin na 'to", sabay hila sa fresh milk.

"Anong sayo? Akin 'to".

"Akin".

"Akin".

At binitiwan ni Asra ang gatas at tumilapon si Kari. Pumutok ang gatas at tumalsik sa mukha ng binata.

"Hahaha! Ang bilis ng karma noh"?

Inis na inis na rin si Kari.

"Sa'yo na yang gatas. Para sa batang ages 1-3 lang yan. Haha", pang-iinis pa ni Asra.

Ipinagpatuloy na ni Asra ang pagsa-shopping niya. Naghanap na siya ng ibang gatas na pampalit sa bibilhin niya sana'ng gatas na pinag-aagawan nila kanina ni Kari.

Tumayo na si Kari at pinunasan ang mukha gamit ang kanyang suot na damit. Sa pagpupunas niya ay may nakita siya sa gilid, ito ay mga tsokolate'ng naka-display malapit sa mga de latang inumin. Kumuha siya ng tatlo at dahan-dahan'g inilagay sa bulsa ni Asra. Hindi ito pansin ni Asra dahil busy ito sa pamimili kung ano'ng gatas ang ipapalit niya.

Lumabas na ng grocery si Kari kasama ang alaga matapos makabili. Sumakay na rin siya ng jeep kahit basa'ng basa ng gatas.

Ilang minuto pa'y papalabas na rin si Asra. Paglabas ni Asra ng exit area ay bigla'ng tumunog ang alarm. "Excuse me po ma'am. Meron po yata kayong hindi nabayaran", wika ng lalaki'ng gwardiya.

"Ha? Wala naman ho", sagot ni Asra pero kinapkapan pa rin siya ng gwardiya.

Natagpuan sa bulsa ni Asra ang tatlo'ng pakete ng tsokolate na inilagay ni Kari kanina habang namimili siya ng gatas. "Magnanakaw pala 'to", wika ng gwardiya sa kasama niya'ng gwardiya.

"Ano? Hindi. Hindi", sagot ng dalaga ngunit hindi naniwala ang mga gwardiya. Dinala pa rin siya pabalik sa loob ng grocery store.

Ang ginawa ni Asra ay binayaran na lang niya ang mga tsokolate na ti-tig 100 pesos.

Matapos mabayaran ay nakalabas na siya ng grocery store pero namumula ang kanyang mukha sa hiya. Habang tinitingnan siya ng mga tao ay tinatakpan ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang hindi makangiti'ng mukha.

Nang makalayo na ay ibinuhos niya ang inis niya kay Kari sa pamamagitan ng panggigigil.

"Humanda ka sa'kin pag-uwi ko, Kari". Bigla siya'ng may naisip nang may makita siya'ng isang tindahan sa may di kalayuan. "Hmmp... May mabili nga", dagdag pa niya at lumakad na papunta sa tindahan'g nakita niya.



-For continuation please proceed to Chapter 2, thank you very much for reading :)


Seguir leyendo

También te gustarán

317K 5.4K 38
Not all Maldita's are born. Sometimes they are made.
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
77.1K 5.3K 31
The body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfi...