Last Chapter: Will There Be Forever?

12.8K 753 113
                                    

*Wew! Wew! Wew! (Siren ng sasakyan ng mga pulis)

Pinasok agad ng mga awtoridad ang luma'ng bodega ngunit wala na sila'ng naabutan, maliban sa nakahiga at madugong si Asra.

Ilang minuto pa'y nasa ambulansya na si Asra, sakay sina Leonora at Coritha.

"Anak ko", sabi ng mga ina na nag-iiyakan.

Dumating na sila sa pinakamalapit na ospital at agad na dinala si Asra sa emergency room.

"Ma'am diyan po muna kayo", sabi ng nurse kina Leonora at Coritha.

"Huhuhuh...", iyak ng iyak ang dalawa habang nagyayakapan.

Hinanap pa rin ng mga pulis ang salarin sa pananakit at paghostage  kay Asra. Ang iba naman ay naghanap ng ebidensya sa loob ng lumang  bodega.

Habang sa sinasakyang kotse nina Timber, Kari, Emily, at Tarhatta,  "bilisan mo ang pagpapatakbo mo", utos ni Timber sa lalaki'ng driver  nito.

"This is what I am most afraid of, when the police are looking at us,  especially when they are chasing at us", sabi ni Tarhatta na naiiyak na  sa takot.

"Shut up", bulyaw ni Timber kay Tarhatta.

"Bakit mo hininaan ang takbo", inis na tanong ni Timber sa kanyang driver.

"Ma'am, paubos na po ang gasolina. Kailangan po'ng ma-refillan", sagot ng driver.

At sinapak ito ni Timber, "e bakit hindi mo siniguro kanina kung puno  'to. Sana sa kabila nalang kami sumakay. Saan na ba nagpunta yung ibang  mga gunggong na yun", inis na inis na sa sabi at tanong ni Timber,  "maghanap ka ng malapit na marerefillan, bwesit", dagdag pa ng dalaga na  naiinis sa drayber nito.

Sa loob ng kotse ay nasa gitna si Kari ng dalawang lalaking alalay ni  Timber, at nakatali ang kanyang mga kamay. Sa likuran naman niya ay  sina Emily at Tarhatta, habang sa harapan naman niya ay ang driver at si  Timber.

Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan nila sa may gasoline station.

"Naiihi ako", sabi ni Kari.

"Pigilan mo", sabi ni Timber.

"Naiihi ako. Masakit na ang pantog ko", sabi pa ni Kari, "isa pa di  naman ako makakatakas kasi may tali ako oh, tapos may alalay ka pa",  dagdag pa ng binata.

"Samahan niyo, at magmadali kayo", pagsang-ayon ni Timber.

Lumabas na ng kotse sina Kari at ang dalawang alalay ni Timber.  Habang papasok si Kari ng banyo ay nakamasid ang kanyang mga mata sa  nakatalikod na mga alalay ni Timber.

Maya-maya'y bumalik siya sa labas para may hingin'g pabor sa mga  alalay ni Timber, "ahm, excuse me mga bossing, hindi ko mabuksan ang  zipper ng pantalon ko, nasa likod kasi ang mga kamay ko, nakatali", sabi  ni Kari sa mga alalay.

"Buksan mo pare", sabi ng isang alalay.

"Ikaw na pare", sabi naman ng isa.

"Ikaw na sabi e".

"Ikaw na".

"Ikaw".

"Ikaw na nga".

"Buti pa kalagan niyo na lang muna ako, kasi naiihi na'ko e. Andiyan naman kayo e, hindi ako makakatakas", suggestion ni Kari.

"Buti pa", sabi ng isang alalay at sinubukan nito'ng tanggalan ng  tali si Kari, "mahirap e, napakahigpit ng tali", dagdag pa ng alalay.

"May kutsilyo ho ba kayo", tanong ni Kari.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now