Chapter 17: Akala ko ba Walang Iwanan?

13.5K 262 27
                                    

Wala ng tao sa loob ng bahay na may brown tape. Wala na nga si Asra, at na sa workshop pa rin si Kari. Tahimik na ang dating napaka-ingay na bahay. 'Sing lamig na ng panahon ang paligid ng looban.

Tatlo'ng oras ang lumipas, narating na ni Asra ang bahay na pansamantalang tutuluyan niya. Doon ay nakilala niya si Aling Linda, ang tagapangalaga ng bahay na tinitirhan niya.

"Magandang gabi po", bati ni Asra kay Aling Linda ng makaharap.

"Ikaw ba si Asra"?

"Oho".

"Tuloy, tuloy", anyaya ng matanda. Pumasok naman si Asra.

"Ito ang bahay na pansamantala mo'ng matutuluyan. Ahm... nagbilin pala si Sir Gary..."

"Sino po'ng Gary"?

"Ah... oo nga pala, si Mr. Lonely, nagbilin siya na kunin ko raw sa iyo ang mga papeles ng negosyo mo at ng bahay mo. Kung ano man raw ang mga legal na aksyon para malipat ang pag-aari ng mga ari-ari-an mo, pwede na raw kung kailan pwede. Basta yun ang sinabi niya. Ang importante daw ay maka-alis kayo ng maayos papuntang Canada".

"Ganun ho ba? Sige ho. Salamat".

"Ang ganda mo'ng bata".

"Salamat ho".

"Naalala ko tuloy ang kabataan ko sa'yo. Ganyan din ako kaganda".

"Ah, ganun ho ba? Salamat ho".

"Bata, marami na akong karanasan sa pag-ibig. Kung ano man ang rason ng pag-alis mo, mapa-pag-ibig man yan o mapagkakakitaan, sana hindi'ng hindi mo pagsisihan".

Natahimik ng bigla si Asra.

"Oh siya, siya, alis na ako. Pag may kailangan ka puntahan mo lang ako sa katabing bahay na'to, kulay green ang gate. Doon ako nakatira".

"Sige ho. Salamat ho talaga".

"Sige", at umalis na ang matanda.

Napa-upo naman si Asra sa isang malambot na sofa. Malalim ang iniisip. Napahinga rin ng malalim. "Hindi ko 'to pagsisisihan. Hindi'ng hindi", sabi niya sa sarili nang biglang tumulo ang kanyang mga luha. "Huhuhu... Huhuhu...", doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit na nadarama. Ang sakit na nakuha sa pag-ibig. Ang sakit na nadama nang malaman ang mga bagay na hindi niya lubos akalain. "Magiging ama na si Kari. Ang saya ko sana kung ako ang ina. Huhuhu... bakit pa ba ako umiiyak. Kainis naman", at patuloy sa paghagulgol ng iyak ang dalaga.

Gabi na, nakauwi na ng bahay si Kari kasama ang alagang aso na kinuha pa niya sa opisina ni Cherry. Pagbukas niya ng pintuan, hindi niya naabutan si Asra na nanonood ng telebisyon. Buong akala niya, nasa loob lang ito ng silid. Binuksan niya ang ref, at nakita niya dun ang pagkain'g prenepara ni Asra na para talaga sa kanya. Pagkakuha niya'g pagkasirado sa ref ay agad siya'ng tumungo sa dining table at kinain ang specialty dish ni Asra. Tuwang tuwa si Kari sa kinakain niya. Sarap na sarap siya dito. "Asra, andyan ka ba sa loob ng kwarto mo? Kinain ko ang niluto mo. Hindi ko mapigilan sarili ko, ang sarap kasi eh", sabi pa niya sa dalaga, di niya batid na wala na ito sa loob ng bahay.

Ilang minuto'y natapos na ni Kari'ng kainin ang mga pagkain. Tumayo siya para kumuha ng malamig na tubig sa ref. Matapos uminom ay kinuha na ang mga gamit na dinala niya sa workshop na nilagay niya sa gilid ng ref. Agad siya'ng tumungo sa kanyang sofa'ng hinihigaan para ilagay ang kanyang mga gamit. Dahil sa pagod, napa-upo siya sa sofa. Tiningnan niya ang pintuan ng silid ni Asra. Nang mapansin niya'ng bukas ito, hindi naisara ng mabuti. Agad siya'ng tumayo para silipin ang dalaga. Dahan-dahan niya'ng binuksan ang pintuan ngunit walang makita'ng tao si Kari. "Asra", taka niya. Binuksan niya ang cabinet ng dalaga, wala na ang mga damit nito. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang dalaga ngunit out of reach na ito. "Saan ka ba nagpunta, babae ka", inumpisahan na ng kaba si Kari. "Hindi niya kayang maglayas, alam ko'ng hindi niya kaya. Baka nagpalamig lang siya ng ulo sa bahay ng kaibigan niya. Pero bakit naman ang dami ng damit na dinala niya"? Bumalik siya sa kanyang higaan nang mapansin niya ang isang puting papel. Agad niya ito'ng kinuha, binuksan, at binasa.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now