Chapter 26: Bagong Umaga

14.2K 268 22
                                    

Apat na buwan na ang lumipas, ngunit ang ala-ala ni Cherry ay nananatili sa kanilang puso't isipan.

Bagong umaga na, tanggap  na nila na wala na si Cherry. Wala na rin si Kari sa showbiz. Iniwan na  niya ng tuluyan ang industriya para makapag-focus sa mga tao'ng  minamahal niya.

Hindi na rin nagparamdam si Mr. Cheng, at wala nang gumugulo sa buhay nila apat na buwan mula sa araw ng pagkamatay ni Cherry.

Naka-polo si Kari galing  sa negosyong naipatayo niya. Isang class na restaurant ang naumpisahan  niya nung mabili niya ang gusali at lupa dun malapit sa gusali ng  dati'ng opisina ng nasawi niya'ng kapatid. Doon na rin nagtatrabaho sina  Jared, at bisor Tina.

Sa pagbaba ni Kari sa  kanyang sasakyan ay agad siya'ng tumungo sa pintuan sa harapan ng bahay.  Binuksan niya ang pintuan, at dahan-dahan'g pumasok sa loob nang,  "aray", sigaw niya ng madapa sa sobrang dulas ng sahig. "Asra"!

Agad na nagpakita si  Asra na tawa ng tawa, "hahahahaha! Hahahaha! Sarap maswimming ng  naka-formal attire, ma try ko nga yan next time, hahahaha".

"Sabi ko na nga ba, kaya mo 'ko pinauwi may plano ka'ng ganito".

"Wow! Ang galing manghula".

"Kasi nagseselos ka kay  Shakira na sinasabi ni Jared lagi na naiinlove ako. Bakla yun,  trabahante sa restaurant. Kainis, aray, ang sakit ng balakang ko".

"Palusot ka pa. Babae mo yun".

"Tulungan mo nga lang ako'ng makatayo rito".

"Che! Baka hilain mo pa'ko. Kilala kita".

At dahan-dahan'g tumayo si Kari at dahan-dahan'g humakbang papalayo sa madulas na sahig.

Buong akala ni Kari tapos na si Asra, agad na tinapunan ng dalaga ang nobyo ng trianggulo'ng paputok, "bog"!

"Aah", gulat ng binata, "Baliw ka talaga'ng babae ka".

At tinapunan ulit ng isa pang trianggulo, "bog"!

"Tama na! Sinabi ko ng bakla si Shakira".

Tumigil na si Asra sa pang-iinis kay Kari at pumasok na ng kwarto.

Dahan-dahan naman'g  umupo si Kari sa malapit na sofa para makapagpahinga. "Sana di na'ko  umuwi", at kinuha ang panyo para pahiran ang malapot na likido sa  kanyang mga braso.

Ilan'g segundo pa'y  lumabas si Asra ng kwarto na tila may nginunguya sa loob ng kanyang  bibig. Nakita at napansin ito ni Kari na papalapit sa kanya.

"Utang na loob, tigilan mo 'yang susunod mo'ng plano", paki-usap ng binata.

At mabilis na nilapitan ni Asra ang nobyo at iniluwa ang pagkain'g galing sa bunganga niya sa katawan nito.

"Ahhhh! Sumusobra ka na!  Eeee!!! Kakadiri ka'ng babae ka", inis na sabi ni Kari ngunit may  napansin siya sa ibabaw ng mesa malapit sa kusina. Andun ang laptop ni  Asra na may wallpaper ng mukha niya. "Ano na naman ang susunod mo'ng  gagawin"?

"Naaalala mo ba yu'ng natumba ka sa isan'g grocery store dahil sa pag-aagawan natin sa isa'ng gatas"?

"Oo".

"Yung tinapunan kita ng paputok"?

"Oo".

"Eh yung sinukaan kita dahil lasing ako nung kaarawan ko na kung kailan una mo'ng nakita ang wallpaper ng laptop ko".

"Ano ba'ng gusto mo? May amnesia ba 'ko para ipaalam mo lahat ng nangyari nun? At di lang yun, aktwal mo pang pinagawa sa'kin".

"Ikaw naman e. Kakainis ka".

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon