Chapter 2: Asaran to the Max

39.8K 1.4K 51
                                    

Nakarating na ng bahay si Asra. Galit na galit. Nilagay niya sa mesa ang pinamili at hinarap si Kari na hindi lumalagpas sa linya.

"Alam mo'ng pinahiya mo'ko".

Hindi umimik si Kari at nagpatuloy sa pagkain ng biniling chips.

"Hoy! Pansinin mo nga ako".

Tumayo si Kari ngunit hindi para harapin si Asra. Nilagay niya sa box ang kinaing chips. Bumalik sa upuan, humiga, at tumalikod sabay hilik.

"Bwesit". At kinuha niya ang binili niya sa labas ng grocery store. Isa'ng pakete ng paputok na triangulo. Sinindihan niya ang isa rito at itinapon sa baba ng hinihigaang upuan ni Kari.

"BOG!!!", putok ng triangulo.

"Ay!", gulat ni Kari kaya napalingon siya. "Baliw ka ah", bumalik ito sa pagtalikod at humilik ulit.

Kumuha pa ng triangulo si Asra at tinapon ulit sa dating tinapunan. "BOG!!!".

"Aray!", at napapunta sa likod ng upuan si Kari habang tahol ng tahol ang aso niya na nakatali.

"Ano? Papansinin mo na ako"?

"Ano bang nangyari sayo! Masakit sa tainga ha".

"Bayaran mo ko ng 300 sa tsokolate plus 500 dahil napahiya ako kanina. Bilis".

"Ano ka siniswerte".

"Ayaw mo?"

"Syempre ayoko".

At kumuha pa sa supot si Asra ng isa pang triangulo.

"Dami mo yatang binili'ng paputok. Bagong taon na ba?"

Nilapit ang lighter sa lubid ng triangulo para sindihan.

"Hoy! Baka tumama sa'kin yan ah".

"Tatama na talaga to sa'yo".

"Ano ba kasalanan ko".

"Nagmama-ang ma-angan pa 'to! Naglagay ka ng not one, not two, but three pieces ng tsokolate sa bulsa ko at tigwa-one hundred pesos ang isa. Napahiya pa ako sa mga tao dahil shoplifter daw ako. Ngayon, kung hindi ka magbabayad ng 800 pesos. Puputok to'ng hawak ko sa mukha mo".

"Oo na. Magbabayad na. Ibaba mo na yan".

Iniabot ni Kari ang pera.

"Salamat".

"Magsho-shoplifting na, sa'kin pa isisisi".

"Anong sabi mo?"

"Wala", at bumalik na sa pwesto si Kari. Sa upuan ay humiga, at tumalikod sa dalaga.

Sinindihan naman ni Asra ang triangulo at itinapon ulit sa dating lugar na pinagtapunan. "Bog!!!"

"Aray", sabay tayo ni Kari. "Ano ba?"

"Hahaha! Hahaha! Sleep well", at pumasok na ng kwarto si Asra.

"Baliw", sigaw ni Kari at bumalik sa pagtulog.

Ilang oras ang lumipas may naamoy na masarap na pagkain si Kari. Nang dumilat siya't humarap, nakita niya na nagluluto si Asra. Sa mesa naman ay may isang lalaki'ng tila naghihintay sa luto ng dalaga.

Hinain na ni Asra ang ulam na niluto at inilapag sa mesa. Nakatingin lang si Kari.

"Ang sarap", wika ng lalaki na si Drake. Si Drake ay isang matalik na kaibigan ni Asra. Gwapo, medyo maputi, may magandang hubog ng katawan at ngiti'ng pang one thousand. Ang ibig ko'ng sabihin, tila mamahalin ang ngiti ng binata'ng 'to.

"Talaga'ng masarap. Ako kaya nagluto niyan", sabi pa ni Asra.

"Sarap talaga".

"I know, right".

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now