Chapter 3: Pati Ba Naman sa Trabaho?

28.8K 667 75
                                    

Pumasok na ng trabaho si Kari. Matapos ang ilang oras ay pumunta na siya sa loob ng opisina para maka-usap ang may-ari.

"Maganda'ng araw po, boss".

"Upo ka. Ano ang sasabihin mo?"

Umupo si Kari. "Ahm, boss, gusto ko ho sana'ng mag part time nalang. Kasi po, rumaraket po ako ngayon para mapabilis ang pagbayad sa bahay at lupa na iniwan ng lolo ko. Hindi pa po kasi fully paid. Sana po, pumayag kayo".

"Ahm... Kari", lumapit sa kanya at hinawakan ang balikat. "Alam mo'ng ikaw ang pinakapaborito ko'ng trabahante dito sa coffee shop ko".

"Salamat ho".

"At masasabi ko'ng... crush ko".

"Ho? Bakla ho kayo?"

"Matagal na. Ayoko lang ipahalata".

"Ah...", kinabahan si Kari.

"Gusto ko sanang ako'y mapagbigyan mo rin", at pinisil pisil ang balikat ng trabahante.

"Ahm... boss...".

"Herber, nalang".

"Ah... eh... sige ho. Herber...", lumulon ng laway, "hindi ho ako pumapatol sa bakla".

"YOU'RE FIRED!"

"Ha? Pero boss".

"Sinabi ng Herber nalang".

"Ah... pero Herber".

"Fired ka na. Tapos na ang trabaho mo rito sa coffee shop ko! Pero, baka nagbago na ang isip mo".

"Sorry po talaga. Hindi ako pumapatol sa bakla".

"YOU'RE FIRED!"

"Grabe naman ho. Dalawang beses niyo na ho akong pinayrd".

"You are officially fired! Ito ang last pay mo", at nagbigay ng pera.

"Baka po pwede'ng pag-usapan ho sa ibang... alam mo na... wag lang ho ganun", sabay hawak sa kamay ng boss.

"Ahhh... wag mo kong hawakan. Natutunaw ako eh".

Tinitigan ni Kari ang mga mata ng boss niya, "sige na naman ho. Pa'no po ako ngayon kung wala na akong trabaho'ng permanente kahit part time".

"Ah... eh... ikaw naman kasi eh. Isa'ng beses lang".

"Herber... ahm... malay mo, di magtagal, ma inlove ako sa inyo", wika ni Kari na nasusuka pero di pinapahalata.

"Talaga?"

"Oho".

"Sige, payag na ako. Hired ka ulit".

"Ay, salamat ho".

"Walang anuman, sweetheart".

"So kailan po ako magsisimula mag part time at time-in ko po".

"Bukas agad. Ikaw bahala sa oras. Basta asahan ko ya'ng ma iinlove ka ha".

"Ah... oho... oho...", napalulon ulit ng laway.

"Sige na, makakalabas ka na".

"Sige ho".

"Ay teka, yung last pay".

"Ay oo nga ho pala. Sorry ho".

"Ay. Na fired kita kanina, kaya last pay mo yan nun. Hired ka ulit so, panibagong job mo ito. Dalhin mo na yan".

"Ay salamat Herber ha. Ang bait bait mo talaga".

"Ikaw naman. Parang yan lang".

"Sige ho. Labas na ho ako".

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now