Chapter 46: Mahuhulog ba'ng Muli Ang Puso?

5.6K 133 7
                                    

Gabi na at dala na ni Kari mula sa likod ng kanyang kotse ang kanilang mga pinagawa para sa kasal, ang giveaways at mga invitation card.

"Asra, tingnan mo, andito na ang mga pinagawa natin. Ang bilis nila'ng magproduce", sabi pa ni Kari dala ang isang kahon ng giveaways at isang supot ng invitation cards pagkapasok ng bahay.

"Wala rito si Asra", sabi ni Coritha na nagluluto sa kusina.

"Asan ho siya"?

"May aayusin siya. Magtiwala ka, okay lang siya. May kailangan lang talaga siya'ng ayusin", sagot ni Coritha.

Agad na inilagay ni Kari ang mga bitbit niya at nagmadali siya'ng bumalik sa kanyang kotse.

"Kari, sa'n ka pupunta", tanong ni Coritha.

Sa paglabas ni Kari ng bahay ay muntik niya'ng mabangga ang ina nito'ng si Leonora na hawak-hawak ang tali ni Bougart. "Ay sorry ma. May pupuntahan lang ako", paalam ni Kari at pumasok na ng kotse.

"Sa'n ka pupunta", tanong pa ni Leonora ngunit umalis na si Kari.

Sa mall naman kung saan nagpagawa ng invitation cards at giveaways sina Kari at Asra ay andun pa rin sina Timber, Emily, at Tarhatta na namimili ng mga make-up.

"Ting-ning-ning", tunog ng speaker mula sa help desk ng mall.

"Hay naku, ayan na naman yang announcer na babae'ng yan, hinahanap na naman ang bruha'ng Asra na 'yan", inis na sabi ni Timber habang namimili ng mamahaling make-up.

"Yes, and how many times did the announcer mentioned her name? Every 30 minutes, so it's gonna be more than 10, I guess. And it's so annoying", sabi pa ni Tarhatta.

"Sabi ko sa inyo kanina e, umuwi na tayo", sabi pa ni Timber.

"Mamaya na, minsan lang tayong nagsama lumabas. Sulitin natin 'to", sabi naman ni Emily.

"Well, Tarhatta, are you sure na na check mo ang help desk at hindi mo nakita kung sino ang nagpapahanap kay Asra bruha", tanong ni Timber kay Tarhatta.

"No one. There's an old man there but I'm not sure if he's the one", sagot ni Tarhata.

"Well, if lolo niya yun, who cares? Asra will vanish this Saturday. Magshopping nalang tayo ng bongga", sabi pa ni Emily.

"Sa Saturday na ang kasal nila, right", tanong ni Timber.

"I think so, well, shopping na lang tayo", sabi pa ni Emily sabay bitbit sa mga napili niya'ng make-up.

Nasa may di kalayuan naman si Asra at narinig niya ang kanyang pangalan na binanggit ng announcer sa help desk.

Tiningnan niya ang kanyang telepono dahil tumatawag sa kanya si Kari pero kinansela niya ito. Nang tumawag ulit si Kari ay napagdesisyunan niya'ng patayin ang kanyang telepono. Huminga siya ng malalim at inilagay sa kanyang bitbit na bag ang kanyang cellphone. Huminga ulit siya ng malalim at lumakad na patungo'ng help desk.

Ilang sandali ay narating na ni Asra ang help desk.

"Hi! Ako po si Asra yung tinatawag po ninyo".

At humingi ang babaeng na sa help desk ng ID kay Asra.

Kinuha ni Asra ang kanyang pitaka sa kanyang dala'ng bag at kinuha ang kanyang TIN ID.

"Okay ma'am. Thanks for coming. May isang lalaki rito na gusto'ng gusto kayong makita at kaninang umaga pa siya rito naghihintay hanggang sa napagdesisyunan niya'ng maghintay sa 4th floor, sa Green Coffee Shop", sabi ng babae.

"Sige, salamat", sabi ni Asra sa babae.

"You are welcome, ma'am", sagot ng babae.

Lumakad na si Asra at sumakay na ng escalator.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now