Chapter 24: Ang Katotohanan at Ang Bagong Kalaban

12.2K 218 54
                                    

"Kapit lang", ito ang huling mga salita na narinig ni Asra mula kay Kari bago niya isuko ang kanyang kamalayan.

"Asra, kapit ka lang, wag ka'ng susuko. Asra, yung mga pinangako natin sa isa't isa. Wala'ng iwanan".

Agad na rumesponde ang bakanteng doktor sa oras na 'to, kasama ang tatlo'ng nars. Inilayo muna ng mga nars sina Kari at Leonora.

Ilang minuto ang lumipas, dinala na sa ICU si Asra. Kritikal ang kalagayan ng dalaga, at ito ay malubha'ng dinamdam ng binata. Di siya mapakali sa nangyari.

Lumabas ang doktor sa ICU ilang oras ang makalipas upang ipaalam kina Kari ang kalagayan ni Asra.

"Kritikal ang kalagayan ng pasyente. In this process malaki ang chansa na mahihirapan siya'ng makabawi. All we can do is pray. Pero huwag kayo'ng mag-alala, i'll do my best to save her".

"Thank you po, dok", sabi ni Kari.

"Thank you po, dok", sabi rin ni Leonora na napapaiyak sa nerbyos.

Agad na pumunta si Kari sa kwarto ng ospital kung saan may isang maliit na kwarto ng dasalan. Doon ay maimtim niya'ng ipinagdarasal ang mabilis na kagalingan ni Asra. Hindi niya mapigilan'g maiyak sa nangyari. Mahirap man pero alam niya'ng malalagpasan nila ito sa tulong ng Poong Maykapal.

Pagkatapos ng mataimtim niya'ng pagdarasal ay lumabas na siya ng silid habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Sa kanyang paglabas ng silid ay tumambat sa kanyang harapan ang dalawang reporters na pinayagan ng ospital na makapag-interview sa loob ng ospital sa maikling panahon.

Nang ma-interview si Kari ay walang pagdadalawa'ng isip niya'ng hiniling sa kanyang mga taga-suporta na isali sa dasal nila ang maaga'ng kagalingan ng kanyang babae'ng pinakamamahal.

Tumawag naman sa kanya ang kanyang manager at tumulong na rin ito sa pagproseso ng indefinite leave niya sa kanyang network.

"Hello, Kari. Magpa-file ako ng indefinite leave sa'yo. Kailangan mo lang permahan ang mga ito. Papupuntahin ko ang assistant ko diyan. Basta isa lang ang hiling ko. Wag mo'ng talikuran ang showbiz. At tanggapin mo ang bagong proyekto na nakalaan para sa'yo".

"Pag-iisipan ko ho".

"Hay naku, wag na wag mo'ng talikuran ang showbiz, okay? Marami'ng tao ang nangangarap maging isang sikat na celebrity".

"Sige ho. Pag-iisipan ko ho".

"Inaasahan ko ang positibo'ng responde mo".

"Sige ho".

"Sige, paalam", pagtatapos ng usapan nila sa telepono ng kanyang manager.

Ila'ng araw na ang lumipas mula sa pagkakalagay ni Asra sa Intensive Care Unit (ICU), maliwanag na ang araw at nasa kabilang kwarto si Kari kasama si Timber.

"Kari...".

"Timber, wag mo'ng sabihin'g masaya ako sa nangyari. Syempre, hindi lang anak mo ang nawala. Anak ko rin yun. Patawarin mo'ko kung wala ako sa mga pagkakataon'g pinagbubuntis mo ang bata".

"Kari. Masakit, pero alam mo kung ano ang mas masakit? Sa ilang taon natin'g magkarelasyon, ni hindi ko madama ang presensya mo. Ni hindi ko makita ang mismo'ng sarili mo. Dahil masakit na malaman na natatabunan na pala ako ng lecheng babae'ng tinitibok ang lecheng puso mo. Sa totoo lang, pangalawa ko na 'to. Pangalawa ko na'tong pagbubuntis. Nung una, lasing ka nun, si Asra lagi ang binabanggit ng bibig mo nung mga panahon'g yun. Sa bawat hawak mo sa'kin si Asra ang naaalala mo, Asra, Asra, puro na lang Asra. Nung pinagbubuntis ko ang unang anak natin, nasaktan ako, dahil nabuntis ako ng taong hindi ako kayang panindigan. Nabuntis ako ng tao na hindi kailanman magbubukas ng kanyang puso para sa ibang babae, nabuntis ako ng tao'ng hindi ako kayang mahalin. Sa galit ko, pinakuha ko ang bata. Oo, alam ko'ng mali, pero inis na inis ako sa mga araw na yun. Minahal kita, Kari. Sobra-sobra pa sa sarili ko. Hindi na ako nagtira ng pagmamahal kahit kanino, kahit sa sarili ko. Hiniling ko pa nga noon di ba? Na sana makasal na tayo, pero anong sabi mo? Kaya mo, pero wag ako'ng aasa ng pag-ibig mula sa'yo. Ang sakit nun Kari. Ang sakit-sakit. Pero ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Hindi kailanman magwowork ang atin'g relasyon, kung ako lang yung nag-eeffort. Pero sumubok ulit ako. Nang mabuntis ako sa pangalawang pagkakataon, iningatan ko na ang bata. Dalawang buwan ko siya'ng dinadala sa sinapupunan ko, dahil baka balang araw, malaman mo'ng buntis ako, na may anak ka mula sa sinapupunan ko, magbago ang takbo ng isip at puso mo. Nang mabalitaan ko'ng nagkita na kayo ni Asra. Tinanggap ko na. Tinanggap ko na na hindi na talaga pwede'ng maging tayo", galit at maluha'ng sabi ni Timber.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now