Chapter 12: Ang Pagtibok ng Puso ay Di Mapipigilan

17.5K 419 47
                                    

Naka-uwi na si Kari sa tinutuluyan niya'ng boarding house. Agad siya'ng nagshower at nagbihis para magpahinga.

Nakahiga si Kari sa kanyang maliit na higaan, na wari'y malalim ang iniisip. Hanggang sa bumalik sa isipan niya ang mga alaala nila ni Asra. Hindi niya mapigil ang pagngiti at pagbungisngis. Si Asra lang ang nakapagtapon sa kanya ng paputok malapit sa kanya. Ang pagbayad niya sa mga ino-order ni Asra sa tinatrabahuan niya. Ang paglagay ni Asra ng kanyang mukha sa laptop nito, bilang wallpaper. Ang parehas nila'ng storya tungkol sa pamumuhay ng mag-isa. Lahat ng mga bagay na nagagawa nila sa tuwing magkasama sila.

Ila'ng minuto ang lumipas ay nakatulog siya.

Umaga na. Alas 9 nagising si Asra. Nagulat siya sa nakita'ng mga dog food.

"Petta? Marami'ng dog food. Binili mo?"

"Dala ni Kari kahapon", sagot ni Petta na nagpapahid pa ng laway.

"Ha??? Ba't hindi mo'ko tinawag?"

"Sabi niya, wag ako'ng maingay."

"Ba't nakahiga ka pa diyan? Alas dyes ang pasok mo, alas nuebe dyes na. Umayos ka."

At agad na bumangon si Petta na naka-brief lang.

"Hoy!!! Ba't naka-brief ka lang? Kaloka ka!!! Wag kang ganyan matulog, may babae dito."

"O.A. mo naman, gusto mo yakapin kita? Mabango hininga ko."

"Tumahimik ka nga. Maligo ka na."

"O.A. mo. Si Kari naman pag natutulog naka-brief lang. Minsan nga wala talagang suot."

"Ano'ng sabi mo? Kailan siya natulog na naghubad?"

"Interesado ka yata."

"Che! Maligo ka na."

At dumiretso na ng banyo si Petta bitbit ang tuwalya nito.

"Ha? Natulog si Kari na nakahubad? Paano", sabi ni Asra sa sarili. Agad na binigyan ni Asra si Bougart ng dog food. Umupo sa sala dala ang isang cracker. Ini-on niya ang TV gamit ang remote control.

Nagulat siya sa nakita sa telebisyon, sakto'ng sakto, ang advertisement ni Kari. "Bougart!!! Nasa TV ka", sigaw niya. Agad naman'g lumapit ang aso sa kanya. Niyakap niya ito at pinatingin sa TV. "Diba ikaw 'yan? At ang amo mo oh. Gwapo talaga ng amo mo noh", at napatitig sa mukha si Asra sa mukha ni Kari sa telebisyon. Nagmadali nama'ng lumabas ng banyo si Petta.

"Ano'ng nangyari? Sino nanakit sa'yo? Gugulpihin ko", sabi ni Petta ng marinig ang sigaw ng dalaga. Nakatapis lang ng tuwalya at may shampoo pa sa ulo ang binata. Hindi umimik si Asra, tutok na tutok sa advertisement. Napatingin si Petta sa TV, at nakita niya si Kari. "Mahal niya nga talaga si Kari. Mabuti pa'ng lumipat na ako ng tirahan bago pa mahulog ako ng husto sa babae'ng 'to", sabi niya sa sarili at bumalik na lang ng banyo na nakasimangot.

Habang si Asra naman ay hindi pa rin maka-get over sa nakita. Di niya namalayan'g tumulo ang mga luha niya.

"Tok! Tok! Tok!"

Agad na pinunasan ni Asra ang kanyang mga luha. "Sino yan", at tumungo sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok.

Ngunit nabigla siya sa nakita. Nakanganga siya at hindi makagalaw.

"Asra", sabi ni Kari na nakaharap sa dalaga. Di napigilan ni Kari ang sarili, niyakap niya ang dalaga na naiiyak. "Asra... wala'ng araw na hindi kita iniisip. wala'ng araw na hindi kita napapaginipan. Mahal talaga kita at gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan".

Naiyak si Asra at niyakap niya rin ng napakahigpit si Kari. "Kari... na-miss kita".

"Na-miss din kita... sobra".

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now