Chapter 13: Ang Paglabas ng Mapagpipilian

15.5K 356 44
                                    

"Sarap naman ng niluto mo", puna ni Kari matapos magbihis.

"Umupo ka na diyan. Nang malasahan mo 'tong niluluto ko".

"Asra? Bakit parang lumilipad ang mga mata mo. Hindi mo'ko matingnan ng diritso? May problema ba?"

Natigilan si Asra sa pagkuha ng niluto.

"Asra?"

"Natatakot ako", sagot ng dalaga.

"Sa ano?"

"Sa pagsikat mo. Maraming magagandang artista sa industriya ng showbiz. Natatakot akong... Baka... Maiwan mo na ako ng tuluyan".

"Ano bang klaseng rason yan. Maganda ka rin naman. Hindi lang maganda. Pinakamaganda", at lumapit si Kari sa dalaga. "Lamang lang sila sa estado sa buhay. Dahil artista sila. Public figure ika nga. Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko sayo? Sa pangako ko sayo? Na hindi na kita ulit iiwan. Kaya wag ka ng matakot. Mag-aartista ako para makapag-ipon. Balak kitang pakasalan. Anong gusto mo? Beach wedding o skydiving wedding? Pili lang".

At napangisi si Asra.

"Ayan. Naririnig ko na tawa mo. Asra... Iniwan kia noon dahil gusto kong malaman sa sarili ko kung minahal nga ba kita. Dahil ayokong maging tayo kung hindi naman totoo ang nararamdaman ko. Dahil ayokong masaktan ka ng sobra pagnalaman kong hindi pala ikaw ang nasa puso ko. Pero heto ako. Nagbabalik. Malinaw na sa puso't isip ko na ikaw ang babae'ng gusto kong makasama habambuhay. Kaya wag ka ng matakot. Hinding hindi mangyayaring iiwan kita. Pangako ko yan". Niyakap ni Kari si Asra at hinalikan ang mga malalambot na labi ng dalaga.

Hapon na, nagpaalam na si Kari sa nobya para i-meet ang manager na si Cherry.

Pagkarating sa tagpuan naroon si Mr. Cheng.

"Mr. Cheng? Good afternoon po".

"Maupo ka, Kari", anyaya ni Cherry.

"Kamusta?", tanong ni Mr. Cheng.

"Okay lang ho".

"Ahm... Masaya ako sa sales ng produkto ko sa unang araw pa lang. Hindi pa nga natapos ang araw ay marami-rami na ang nabenta. Na-attract silang lalo sa endorser. Haha". Napakamot sa ulo si Kari. "Kari".

"Ho?"

"Pumunta ka sa relaunching ko sa Sabado. Inimove ko kasi marami akong trabaho kahapon".

"Sige ho, Mr. Cheng".

"Kinausap ko ang kaibigan kong si Pablo na kunin ka sa bagong teleseryeng ipoproduce niya. Pumayag naman siya, magkaibigan kami eh. Ahm Kari..."

"Ho?", kinabahan si Kari.

"Alam mo namang malakas ka sa'kin. Hanga ako sa diskarte mo sa buhay. Gaya nga ng sinabi ko. Ikaw ang gusto kong maging asawa ng anak ko".

Di makapagsalita si Kari.

"Alam ko namang hindi ka makakahindi sa akin. Maganda naman ang anak ko. Gusto kong ikaw ang magpalakad sa negosyo ko dahil matanda na ako. At kung nagtataka ka kung bakit ang gaan gaan ng puso ko sayo. Talagang nakita ko sa iyo ang sarili ko. Alam ko ang kwento ng buhay mo. Kaibigan ko ang lolo mo".

"Ho?"

"Hindi mo na nga siguro ako matandaan. Huli na ng mabalitaan kong pumanaw na ang lolo mo. Nakikiramay ako ng sobra. Pinangako ko sa lolo mo na aalagaan kita kung siyay mawawala na sa mundo".

Biglang naalala ni Kari ang lahat.

Flashback:

"Apo, siya si Mr. Cheng. Kaibigan ko", sabi mg lolo ni Kari.

"I-ka gwapong bata naman pala ng apo mo. Bagay sila sa anak ko", sabi ni Mr. Cheng.

"Ikaw talaga. Paglaki nila, pag-usapan natin yan. Yun ay kung buhay pa ako".

"Wag ka namang magsalita ng ganyan".

"Tatanda tayo pero mas matanda pa ako sa iyo. Posibleng mangyari ang lahat. Cheng. Kung maari ba. Kung saka-sakaling mawala na ako sa mundo. Alagaan mo naman ang apo ko. Wala na kasi kaming kamag-anak na maiiwan sa bata".

"Pinapangako ko, aalagaan ko ang apo mo pero matagal ka pa mawawala".

"Salamat talaga".

"Walang anuman. Malakas ka sa'kin".

Yun ang naalala ni Kari sa mga sandaling yun.

"Malaki ang utang na loob ko sa lolo mo, Kari. Siya ang nagligtas sa akin nung muntik na akong patayin ng mga magnanakaw nung isang araw na pauwi ako. Siya ang tumawag sa pulis para agad na puntahan ako sa kinaroroonan ko. Nakita niya kasi ako habang bumibili siya ng gamot nung araw na mataas ang lagnat mo. Bilang utang na loob, pinapasok ko siya sa kompanya ko. Matalino ang lolo mo. Malaki ang naiambag niya sa negosyo ko. Nung humiram siya ng pera para bilhin ang bahay na tinitirhan mo ngayon, hindi ako nagdalawang isip na bigyan siya ng pera. Umalis ako kasama ng pamilya ko sa HongKong para asikasuhin ang negosyo ko dun. Ilang buwan kaming nasa HongKong. Kaya huli na akong malamang wala na pala ang lolo mo, huli ko nga ring nalamang nasangla pala ang bahay na tinitirhan niyo. Mabait na tao ang lolo mo, Kari. Lubos kong ikinagagalak na makilala siya. Marami siyang plano para sayo. Kaya yung mga plano niyang yun, ako ang magpapatuloy".

Napaiyak si Kari. Nilapitan ni Cherry si Kari para yakapin at damayan.

"Alam kong mapapanatag ang loob ko kung ikaw ang mapapangasawa ng anak ko. At mapapanatag rin ako kung ikaw ang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng negosyo ko. Gusto ko na kasing magpahinga muna. Magtravel-travel. Kaya kung maari sana, piliin mong mahalin ang anak ko".

Hindi makapagsalita si Kari. Hindi rin niya mapigilan ang maluha ng maalala ang lolo niya. "Kaya pala nagkaroon ng pera si lolo pampauna sa bahay ni Asra", sabi niya sa sarili.

"Hindi kita mamadaliin, Kari. Pero aasahan ko na oo ang magiging sagot mo. Alis na'ko. Salamat sa oras Cherry", at tumayo na si Mr. Cheng. Nakipagkamay kay Cherry, at pinikpik ang likod ni Kari.

"Lumabas na si Mr. Cheng", sabi ni Cherry. Patuloy sa pag-iyak si Kari. Alala'ng alala nito ang pagmamahal ng kanyang lolo. "Kari, alam ko'ng mahal mo si Asra", sabi ni Cherry. "Nakasama kita nung nagti-taping pa tayo. Lagi mo'ng pinapaginipan si Asra. Lagi mo'ng binabanggit ang pangalan niya. Hindi naman sa nakikimasok ako sa buhay mo. Kung nais mo'ng gumanda ang buhay mo. Para sa kinabukasan mo...", dagdag pa ni Cherry nang sumagot si Kari.

"Iwan ko si Asra? Pakasalan ko ang anak ni Mr. Cheng? Cherry, pasensya na. Pero hindi mo'ko maiintindihan", at lumabas na ng kwarto si Kari.

"Hindi talaga kita maiintindihan, dahil hindi... dahil hindi... hindi ko naipakita sa'yo ang pagmamahal ko bilang ate mo", sabi ni Cherry sa sarili.

Naalala ni Cherry bigla ang sinabi sa kanya ni Mr. Cheng, "hindi dapat malaman ni Kari na kapatid ka niya. Kung hindi, babagsak ang career mo. Sisiguraduhin ko 'yan".

Habang sa lugar ni Mr. Cheng, dala-dala ang isang baso ng wine. "Matagal ko'ng hinihintay ang pagkakataong ito. Ngayon'g nasa tamang edad na ang anak ko, sa palagay ko, dapat nang matupad ang aking mga plano", sabi niya sa sarili.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now