Chapter 43: Hey Monday

6.5K 153 8
                                    

Umaga na, kahapon ay natapos na nina Kari at Asra ang seminar. Ngayon, ang aatupagin na nila ay ang pag-iimbita sa mga bisita. Kasali sa mga bisita ang naging mga kaibigan ni Kari sa industriya ng showbiz. Busy rin si Asra sa kakakontak sa mga kaibigan niya sa matagal na niya'ng di na oopen na Facebook account.

"Ano", tanong ni Kari sa nagfi-Facebook na fiancée sa loob ng kwarto nito.

"Ano'ng ano"?

"Pupunta na ba tayo sa printing shop", tanong pa ni Kari sa dalaga.

"Maliligo muna ako. Lakas ng loob mo'ng mag invite kasi nakaligo ka na", sabi ni Asra sa fiancé.

"Haha! Oo na. Okay ka na? Yung magaling na talaga? Wala ka ng lagnat? Pwede ka na maligo"?

"Okay na'ko kahapon pa. Ano ba", sagot ni Asra sabay kuha ng tuwalya at tumakbo na papunta ng banyo.

"Oh, ba't nagmamadali yun", tanong ni Leonora, habang sine-serve ang niluluto'ng sotanghon sa mesa ng kusina, kay Kari.

"Pupunta po kami ng G-nitnirp pohs", sagot ni Kari sa ina.

"Ano'ng g-nirp pos-pos na yan"?

"Printing shop po. Magpapa-print ng invitation cards", sagot pa ng binata.

"Naku, Kari. Iimbitahan ko yung kaibigan ko ha, kasi isa sila sa mga tumulong sa'kin nun para makapag-Japan", sabi pa ni Coritha.

"Sige ma, magpapa-print kami ng extra invation cards na walang pangalan tapos kayo nalang po ang bahala'ng magsulat sa pangalan ng mga iimbitahan ninyo", sabi ni Kari sa ina ni Asra.

"A'rayt", galak ni Coritha.

"Hala kakain na muna bago kayo pumunta dun, nasan na ba si Avery", tanong ni Leonora.

"Hindi ko po alam. Di ba andito lang yun kanina", tanong din ni Kari nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa loob si Avery kasama ang tindero'ng si Ricardo.

"Kari, siya yung sinasabi ko'ng ipapasok kong cook", sabi ni Avery.

"Well, sure, pero may cook na tayo. Pero pwede siya'ng assistant ng cook tapos let's talk about the promotion after knowing his performance", sabi ni Kari sa binata.

"No probz! As long as I got to work, and I say I do, father", sabi ni Ricardo, "hi! I'm Ricardo es-lash Kiminichi, 51 years young, residence op Philippines, nice to mit you all ladies and gentlemen", dagdag pa nito na matigas ang dila sa pagsasalita ng ingles na nagpatawa kay Avery.

"Ikinagagalak ka namin'g makilala Ricardo slash Kichichi", sabi pa ni Leonora.

"Ricardo na lang po, beautiful ma'am", sabi pa ng tindero sa ina ni Kari.

"Hala, Avery dalhin mo na yan'g si Ricardo dito ng makakain na tayo", anyaya ni Leonora.

"Si Asra po", tanong ni Avery habang papalapit sila ni Ricardo sa kusina.

"Ayun, naliligo", sagot ni Leonora.

"Asra? The pretty girl? Your girlfriend ser", tanong ni Ricardo kay Avery.

"Uy hindi noh. Fiancee ko yun", sabat ni Kari.

"Oh em gee! Bermuda Triangle", sabi pa ni Ricardo.

"Baka Lover's Triangle", sabat ni Coritha.

"Naku, sumabat pa'to puro naman kayo mali", sabi pa ni Leonora.

"E ano ba'ng dapat", tanong nina Ricardo at Coritha kay Leonora.

"E di... Loveable Triangle", sagot ni Leonora.

"Nge", reaksyon ng lahat.

"Waley mare, napakalaking waley", sabi pa ni Coritha na natatawa.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now