Chapter 23: Ang Ipinangako at Ang Kalabaw?

14.4K 247 32
                                    

Hindi na mapakali sina Kari at Leonora. Kita'ng kita pa rin nilang nahihirapan'g huminga si Asra.

Nakita din nila kung pa'no kinabitan ng oxygen si Asra.

Lumipas ang ilang minuto. Nilapitan ng doktor sina Kari at Leonora. "Okay na ang pasyente, ngunit hindi natin malalaman kung kailan siya magigising. Wala pa rin siya'ng malay pero sa nakikita ko lumalaban siya. Ang nangyari sa kanya ay pasumpong-sumpong. Siguro labis siya'ng natuwa o nalungkot kanina kaya nangyari ito. Iwasan niyo'ng magkaroon ng sobra'ng emosyon ang pasyente. Gaya ng nasabi ko, mahina ang kanyang puso".

"Sige ho. Salamat ho doc", sabi ni Kari.

"Sige, maiwan na muna namin kayo", at lumabas na ang doktor at ang mga nars.

Agad na lumapit sina Kari kay Asra na umiiyak. "Asra, lumaban ka", sabay halik sa kaliwang kamay ng dalaga na hawak-hawak niya.

Ilang oras ang lumipas, aalis muna si Leonora para bumili ng makakain at kumuha ng damit na pambihis ni Kari. Hindi kayang iwan ni Kari si Asra kaya hiniling niya sa ina na siya nalang ang kumuha ng mga kinakailangan sa bahay para dalhin sa ospital.

Habang wala si Leonora, ipinikit naman ni Kari ang kanyang mga mata'ng naluluha sa mga nangyayari, "Panginoon. Ikaw ang pinakamalakas sa lahat. Pinupuri kita. Alam kong may mga plano ka sa buhay namin ni Asra. Pero sana naman, bigyan mo kami ng pagkakataong magsama pa kami ng matagal, magsama ng masaya. Hinihiling ko ito sa pamamagitan ng Pangalan ni Hesus. Amen", dasal niya.

Agad na binaling ni Kari ang kanyang paningin sa walang malay niya'ng nobya. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ng dalaga.

"Naaalala mo pa ba, Asra? Yung una tayong nagkakilala? Ang sungit mo nun. Napakadamot pa, haha! Ayaw mo ko'ng makapanood sa TV mo. Yung nasa grocery store tayo. Napakasaya nun. Hanggang sa kaarawan mo. Doon nagbago ang lahat. Yung kwento mo tungkol sa sarili mo, dama'ng dama ko. At yung mukha ko sa laptop mo, kita'ng kita ko", at biglang tumahimik ng saglit. "Asra. Sana gumaling ka na. Magsama pa tayo ng matagal. Gumawa tayo ng isang basketbol team. Mamuhay tayo ng tahimik. Isusuko ko ang karer ko, makasama ka lang, Asra. Kaya Asra naman oh, gumising ka na. Marami pa ako'ng mga plano sa'tin'g dalawa. At sa magiging mga anak natin".

Ngunit wala pa rin'g pagbabago sa sitwasyon ni Asra. Wala pa rin ito'ng malay.

"Oh, I think that I found myself a cheerleader...", tunog ng telepono ni Kari nang may tumawag.

"Hello, sir Poy", sagot niya sa kanyang manager, ang naging manager niya simula nung nawala si Cherry.

"Napabalita na nasa Lucas Ospital ka daw. Ano'ng nangyari? Kamusta ka"?

"Sir, okay lang ho. Nakita ko na si Asra".

"Yung one and only true love mo"?

"Oho".

"Good news yan lalo na sa'yo. Pero bakit diyan kayo nag date sa ospital"?

"Maysakit ho siya, sir. Kailangan niya ho ako. Buti nalang ho tumawag kayo".

"Sige, dadalaw ako diyan. Diyan nalang din natin pag-usapan ang mga plano mo. May good news din ako sa'yo. At dadalhin ko si Trina para ma interview ka sa Showbiz Chika News ng 24 Patrol".

"Sige ho, kayo ho'ng bahala".

"Sige", at ibinaba na ang telepono.

Dumaan ang ilang na oras. Dumating na si Leonora na may dalang mga pagkain, mga damit, at iba pa.

"Pagpasensyahan mo na anak. Humiga ako'ng saglit sa bahay ng makatulog ako".

"Okay lang, ma".

At nagsidatingan na rin ang mga tao na malapit kay Kari sa industriya. Tulad ng mga aktor na nakasama niya sa isang programa, ito'y matapos balitaan ng manager niya.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now