Chapter 31: Another Heartbreaking Moment

9.2K 170 18
                                    

Pagkarating ni Kari sa bahay na may brown tape ay agad niya'ng hinanap si Asra ngunit sabi ng mga mama nito ay nasa kwarto at tahimik, ni ayaw makipag-usap kahit sa kanila.

Kumatok si Kari sa pintuan ng silid kung saan naroroon si Asra.

"Asra? Asra? Kausapin mo naman ako", sabi ni Kari. Sinubukan niya'ng buksan ang pintuan ng silid at buti na lang ay di naka-lock. Agad niya'ng nilapitan ang nakahiga'ng dalaga na nakatago sa kumot. "Asra"?

"Pwede ba Kari? Umalis ka muna, gusto ko'ng mapag-isa".

"Asra, bakit ba? Akala ko gusto mo positibo lang? Bakit ganyan ka? Bakit bumabalik yung dating Asra na nakilala ko nung una"?

Agad na lumabas si Asra sa kumot at umupo sa higaan na kanyang hinihigaan.

"Bakit Kari? Hindi mo ba minahal ang dati'ng Asra"?

"Hindi naman sa ganun. Hindi ko alam kong bakit agad kang nagkaganyan. Akala ko gusto mo positibo lang".

"Nakipag-date ka sa isang babae na kita'ng kita ng dalawang mga mata ko na abot tainga ang mga ngiti niyo paglabas niyo sa restaurant. Tapos sasabihin mo sa'kin? Positibo lang"?

"Asra, wala akong ginagawang masama".

"Anong gusto mo'ng isagot ko diyan? Akala mo lang wala? Pero meron? Meron? Meron? Kasi meron naman talaga! Pwede ba kari, pagod ako sa trabaho, bukas nalang natin pag-usapan 'to".

"Asra"?

"Kari? Narinig mo ba'ko"?

"Sige na, lalabas na'ko", at agad na umalis ng silid si Kari at iniwan ang pagkain'g pinabalot niya sa isang mesa sa kwarto.

Sa paglabas ni Kari ay agad siya'ng nilapitan ng ina. Nilapitan siya ni Leonora, "Kari, ano man ang pinagdaanan ninyo ngayon, lilipas rin yan", sabi ng ina.

"Salamat ma".

"Sa dinami-dami ng pinagdaanan niyo, hindi kung ano man ang pinagdaanan ninyo ngayon ang sisira ng relasyon ninyo", sabi pa ni Leonora sa anak.

"Tama ma. Salamat. Hindi lang siguro kami nagkakaintindihan".

Lumapit naman si Coritha sa binata, "pagpasensyahan mo na ang anak ko".

"Okay lang ma".

"Papasok na muna kami ng mama Coritha mo sa kwarto, sasamahan namin si Asra. Wag kang mag-alala, bukas, magiging maayos din ang lahat", sabi pa ni Leonora sabay himas sa likod ng anak.

"Salamat ma".

Pumasok na ng silid si Kari habang kakarating lang ni Avery galing restaurant.

"Good evening bro", bati ni Avery.

"Oh! Napaaga ka ng uwi. Kamusta ang tindahan"?

"It's alright. Everything runs good".

"Mabuti naman. Kumain ka na"?

"Hindi pa nga e".

"Hindi ka kumain sa restaurant"?

"Hindi. Baka sabihin mo'ng walang kasing kapal ang mukha ko".

"Hindi ba"?

"Pare, tatapatin kita. I like Asra".

"Alam ko. Sa simula pa lang. Pero di ba sabi ko sa'yo, ikakasal na kami"?

"Pero ikakasal pa lang. May laban pa'ko. I hope you won't stop me because I will do everything for love".

"Pare, pagod na'ko. Kahit suntukin pa kita, alam ko'ng hindi ka papapigil. Mas mabuti pa'ng lumipat ka na lang ng matitirhan. I will shoulder na rent".

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now